Patuloy pa rin tayong umaasa at nangangarap na magkaroon ng kalayaan, sa ating pagda¬rasal at pananampalataya. Umaasa tayong isang araw ay magiging totoong malaya tayo mula sa pagkaalipin sa kahirapan, korapsyon, pang-aabuso at kaapihan. Ngunit wala pa rin tayong kalayaan magpahanggang ngayon. Sakmal ng oligarkiya ang ating mga hapag-kainan. Noong panahon ng mga Kastila, gamit ang relihiyon ay nakolonisa tayo, sinunog ang ating mga katutubong alaala hanggang sa loob ng 300 taon ang naiwang alaala na lamang ay ang ating pagiging masunurin sa dikta ng banyaga. Hinayaan nating buwisan tayo ng 50% ng mga banyaga sa ating mga sinasaka, alagang mga hayop…
Read MoreCategory: OPINYON
TAGUMPAY NI SENADOR ZUBIRI ANG 14 NA GINTO SA ARNIS
Pinakamaraming nahakot na medalyang ginto ang Arnis na umabot sa 14 bukod pa sa apat na silver at dalawang bronze para sa kabuuang 20 medalya na isa ng record sa kasaysayan ng Southeast Asian Games. At ang tagumpay ng Arnis sa 30th SEA Games ay dahil na rin sa todong suportang ibinigay ni Senador Miguel Zubiri na siyang tumatayong presidente at chairman ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) na siyang humalili sa Arnis Philippines bilang national sports association o NSA. Kinailangan ng isang senador gaya ni Zubiri na pag-isahin…
Read MorePANANATILI NI CAYETANO SA PAGIGING SPEAKER AGAD ANG ISYU
HINDI pa man natatapos ang anim na buwan sa pagiging speaker, pananatili agad sa pinakamataas na posisyon sa Kamara del Representantes ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang itinatambol ng kampo nito sa media. Naipasa lang sa Kamara noong Oktubre ang hinihingi ng Malakanyang na P4.1 trilyong pambansang badyet para sa 2020 ay pananatili ni Cayetano sa pagiging speaker ng Kamara hanggang Hunyo 30, 2022 agad ang itinutulak ng mga kadikit ni Cayetano, samantalang mayroong mga usapin sa ipinasang badyet na maaaring pagmulan ng korapsyon ng ilang opisyal at miyembro…
Read MoreBUWAGIN NA LANG ANG MMDA!
SOBRANG malala na ang trapik, hindi lang sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), kundi sa maraming bahagi ng Metro Manila. Sa halip na maisaayos ang daloy ng mga sasakyan sa lahat ng kalsadang nakatoka sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula nang maging pangulo si Rodrigo Duterte, pumalpak ang ahensiyang ito na mabawasan ang trapik. Napakalala ng trapik sa maraming kalsada sa Metro Manila noong panahon ni Pangulong Benigno Cojuangco Aquino III, ngunit lalo pang lumala ngayong panahon ni Duterte. Napakaraming gina-wang diskarte ng MMDA upang resolbahan ang trapik lalo na…
Read MoreHAWAK NG TSINA ANG KURYENTE NG PILIPINAS
Pinag-uusapan ngayon sa Senado ang pag-inspect at pag-audit sa mga pasilidad at operasyon ng National Grid Corp. Of the Philippines (NGCP), ang nag-iisang transmission service provider sa buong bansa. Ang NGCP ang responsable sa pagtatalaga ng kinakailangang mga highway o daanan ng kuryente at maging ng pag-papadala ng kuryente mula sa mga generating plant papunta sa mga distribution utility katulad ng Meralco at mga electric cooperative, mga industriya, negosyo at maging sa mga kabahayan. Ang planong pag-audit sa NGCP ay bunga ng takot na kayang isabotahe ng Tsina ang bansa sa pamamagitan…
Read MoreWOW GALING!
Mapapa-wow ka talaga sa naging presentasyon ng opening-ceremony o pagbubukas ng South East Asian Games (SEAG) na ipinamalas ng bansa bilang siyang host sa naturang event. Wala kang maririnig mula sa bibig mula sa karamihan ng ating mga kababayan kundi kasiyahan at paghanga sa nakita nilang presentasyon sa pagbubukas ng SEAG. Ang hindi nga lang maganda ay ang komento mula sa mga umano’y nagmamalasakit kuno sa pondo ng bayan na ginamit sa SEAG. Isa pa sa mga ‘di kagandahang nagkomento ay ang Pambansang Kamao ng Davao na si Mayor Sara…
Read MoreEPEKTO NG TRAPIK SA MGA TAO
KUNG mayroong nakamamatay ngayon sa Metro Manila ito ay ang trapik na nararanasan ng lahat ng mga tao, may sasakyan man o commuters, kaya ang tanong ng lahat, “kailan ito matatapos”? Base sa medical experts, maraming ibinubungang sakit ang stress sa trapik tulad ng high blood, sakit sa pantog o bato dahil pinipiligan mo ang iyong pag-ihi kapag nasa gitna ka ng kalsada. Marami na rin sa ating mga kababayan ang kulang na kulang sa tulog dahil kailangan nilang magising nang maaga upang maagang makaalis at hindi ma-late sa trabaho,…
Read More‘GOLD LUCK’ SA UNANG ARAW NG 30TH SEA GAMES
“Gold luck” na matatawag ang paghakot ng medalyang ginto ng mga atletang Filipino sa unang araw ng 30th Southeast Asian Games na ginaganap ngayon sa Central Luzon, Metro Manila at Southern Tagalog hanggang sa Disyembre 11. Umabot sa 22 ginto ang nasungkit ng ating mga atleta noong Linggo na siyang dami ng medalyang ginto na nakuha ng Filipinas noong 2017 sa Malaysia kung saan ginanap ang 29th SEA Games. Dancesports ang pinakamaraming nakuhang ginto na umabot ng 10 sa pamamagitan ng Latin dancers na sina Wilbert Aunzo at Pearl Cañeda…
Read MoreBATAS VS ILLEGAL DRUGS MAHINA
PINUNA ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary Ricojudge (RJ) Echiverri na mahina ang batas laban sa ilegal na droga. Ginawa ni Echiverri ang pahayag kamakailan sa national celebration ng Drug Abuse Prevention and Control ng Dangerous Drugs Board. Sinabi nito na useless ang mga isinasampa nilang kaso laban sa mga mayor at gobernador na hindi tumutulong sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Bakit kaya? Madidismis lang ang mga kasong kanilang isinasampa. Kasi wala namang batas na magpaparusa sa kanila kung ayaw nilang tumulong sa…
Read More