PAGTATAG NG HEALTH PROMOTION COMMISSION DAPAT MAISABATAS

FORWARD NOW

ISINUSULONG natin sa Kongreso ang paglikha ng Health Promotion Commission na popondohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law. Ang House Bill 5515 (An Act Establishing a Health Promotion Fund and Health Promotion Commission to Oversee the Implementation of Health Promotion in the Philippines and for other Purposes) ang titiyak ng pangmatagalang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong kaalaman ukol sa programa. Ang pangunahing tungkulin ng komisyon ay…

Read More

ANTIBIOTIC GAWING ACCESSIBLE

FOR THE FLAG

PINAHIRAP na ngayon ang pagbili ng antibiotic sa mga drugstore sa buong bansa. Hindi na basta-basta makabibili ngayon nito over-the-counter kung walang dalang reseta ang sinuman. Kung may milagro ang siyensya at medisina ay isa itong pagkakaimbento ng antibiotic, isa itong life-saver na gamot. Ginagamot ng antibiotic ang impeksyon sa katawan ng isang tao na hindi na kayang lunasan ng mga pang-external na gamot. Ang mga Filipino ay nakagawian nang mag-self-medicate at bukod sa paracetamol, mga gamot sa sipon at ubo, ang antibiotic ay indemand din, ang cloxacillin, erythromycin at…

Read More

ENERGY INDUSTRY SA TAIWAN

Sa Ganang Akin

ANG Taiwan ay binubuo ng mga masisipag na tao at dahil dito ay isa sila sa may pinakaprogresibong ekonomiya sa rehiyon.  Isa rin silang magandang halimbawa ng bansa na may magandang energy security. Kamakailan lang ay nakita ko ito mismo nang ako ay nagkaroon ng pagkakataong dumalaw sa Linkou Power Plant sa Taipei, Taiwan. Noong 2014, ang pangunahing power plant dito ay nag-decommission ng dalawang 300MW coal plants na naitayo pa noong dekada 60.  Dahil dito, kinakailangang gumawa ng paraan ang Taiwan para masiguro na magkakaroon sila ng bago at…

Read More

INGAT SA PHISHING AT SKIMMING

FOR THE FLAG

Ngayong hi-tech na ang daigdig, e hi-tech na rin ang masasamang-loob. Kung dati ay kailangang looban ka upang mapagnakawan, ngayon ay may tinatawag nang “phishing” at “skimming” na dalawang paraan upang mapagnakawan ang mga bank account. Nagmumukhang bobo pa ngayon ang mga holdaper na nag-aabang sa labas ng mga bangko, ang siste ng mga hi-tech na mandurugas ay diretso na sila sa account ng bibiktimahin. Ang phishing ay nagagawa kapag naibigay na ng biktima ang kanyang mga detalye kasama na ang bank details sa pamamagitan ng online interaction. Karaniwan ‘yan…

Read More

IKA-156 KAARAWAN NI ANDRES BONIFACIO

PUNA

INALALA ng mga manggagawa kahapon ang ika-156 kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio. Siya ang Supremo ng Katipunan, kaya binigyan siya ng pagkilala at respeto ng mga manggagawa at mga opisyal ng gobyerno sa kanyang monumento sa Caloocan City. Hindi makalilimutan ng mga Pinoy ang mga naiambag ni Ka Andres sa ating lipunan kaya naman hanggang ngayon ay hinahangaan ang kanyang katapangan. Hindi siya nagpasindak kaninuman para ipagtanggol ang karapatan ng mga ordinaryong mamamayan. Si Bonifacio ay tulad ni Lapu-Lapu na lumaban sa mga mananakop na mga Kastila. Ang mga nagawa nila…

Read More

TAPUSIN MUNA ANG SEA GAMES

DPA

MAGSISIMULA?na ngayong araw na ito, Nobyembre 30, ang 30th Southeast Asian Games kung saan 58 na sports ang lalahukan ng 11 bansa para malaman kung sino ang pinakamagaga­ling na mga atleta rito. Kaisa tayo sa pana­langin sa tagumpay ng ating mga atleta at maulit na ma­nguna muli tayo sa paghakot ng mga medalya tulad ng nangyari noong 1991 kung saan ang Pilipinas ang may pikamaraming gold medals. Huling?nag-host?ang Pilipinas ng SEA Games (23rd) noong 2005 at matapos ang 14 taon ay tayo muli?ang?punong-abala sa pinakamalaking sports event sa rehiyon na…

Read More

P11-B INUTANG PARA SA SEA GAMES

BADILLA NGAYON

ILANG ulit na ipinagyabang ni Speaker Alan Peter Ca­yetano ang napakagandang pagdarausan ng Southeast Asian Games o SEA Games, partikular na sa Clark City ngayong araw. Sa pamamagitan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA), gumastos ang pamahalaan ng P11 bilyon sa pagpapagawa at pagpapaayos ng mga pagdarausan ng mga laro sa SEA Games. At ang tumataginting na P11 bilyon ay inutang ng BCDA sa Malaysian Bank. Ang BCDA ay pag-aari at kontrolado ng pamahalaan. Hindi raw isyu ang pag-utang ng pamahalaan ng P11 bilyon, diin ni Cayetano, ang pinuno ng…

Read More

PINOY BEHAVE MUNA TAYO NGAYON

PUNA

SA halip na magbangayan at magsiraan tayong mga Pinoy ay suportahan natin ang ating mga pambatong atleta para sa SEA Games na idinaraos ngayon sa bansa. Hindi makatutulong ang mga negatibong komento na inilalabas sa social media. Makade-demoralize ito sa ating mga atleta. Kung totoo man na palpak ang organizer ng okasyong ito ay sampahan ng kaukulang kaso nang mapanagutan niya ang kanyang ginawang pagkakamali. Gawin ito pagkatapos ng okasyon. Hindi na tayo magtataka na hanggang ngayon ay may ginagawa pa na ilang area na pagdarausan ng ilang laro ng SEA Games dahil namihasa ang mga Pinoy na laging…

Read More

ANG KULTURA NG PANGUNGUTANG

FOR THE FLAG

Bumubuhos na naman ang padala mula sa ibayong dagat ng dolyar, magre-release na naman ng 13th month pay at bonus ngunit alam naman nating marami sa ating kababayan ay ipambabayad na lamang ito sa kani-kanilang mga pagkakautang. Swak na swak sa bansa ang kultura ng pangungutang. Nariyan ang ating mga suking 5-6, credit cooperative, kamag-anakan at tropang handang magpautang, car loan, housing loan at credit card. Sinusukat pa nga ang yaman ngayon sa credit line ng isang tao. Mentras mas malaki ang deposito mo sa bangko, mas lalong nagkakandarapa ang…

Read More