BANTAYAN SINA MAYOR SA INFRA

DPA ni BERNARD TAGUINOD TIYAK na tuwang-tuwa ngayon ang Local Government Executives dahil sa plano ng gobyerno na ipaubaya sa kanila ang pagpapatayo ng flood control projects, farm to market roads at iba pang imprastraktura dahil sa anomalyang kinasasangkutan ng maraming mga opisyal at tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Pero dapat mag-ingat ang gobyerno at huwag basta-basta ibato sa LGUs lalo na sa mga mayor, ang infrastructure projects dahil open secret na marami sa kanila ay mga contractor din o kaya ay may constructions company na…

Read More

ANG PAGPILI SA PULITIKA AY HINDI BASTA PREFERENCE LANG

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG pagpili ng paninindigang pampulitika ay hindi katulad ng pagpili ng paborito mong flavor ng ice cream. Madalas na itong nasasabi, pero marami pa ring nagbabalewala na parang simpleng panlasa lang ang pulitika. Karaniwan nating naririnig ang linyang “igalang na lang ang kanilang choice,” pero hindi ito ganun kasimple kapag sa usaping may kinalaman sa kinabukasan at kabutihan ng nakararami. Kapag pinag-uusapan ang pulitika, hindi ito katulad ng pagpili kung gusto mo ba ng tsokolate, vanilla, o mint choco. Kung mahilig ka sa mint…

Read More

ESCUDERO KAY ROMUALDEZ: ‘DI AKO NATATAKOT, LALABANAN KO SIYA!

PUNA ni JOEL O. AMONGO BINASAG na ni dating Senate President at Senator Chiz Escudero ang kanyang pananahimik, nagsalita na siya na hindi siya natatakot kay dating House Speaker Martin Romualdez, lalabanan niya raw ito kahit saan sila mapunta. Ayon sa kanya, ipatatawag niya sa Senado si Romualdez para pagpaliwanagin ito sa madalas na pagkakabanggit ng pangalan nito sa mga kumukuha ng kickbacks mula sa maanomalyang flood control projects. Sinabi pa ni Escudero na hindi siya kakampi ni Romualdez at patutunayan niya na hindi totoo ang mga panggigipit ng mga…

Read More

PROBLEMA NG MGA OFW PATONG-PATONG

RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI pa man tuluyang natatapos at lubos na napipigilan ang pagdagsa pa ng lumalaking problema sa mga inaabandonang balikbayan box, marami pa rin sa mga kababayan natin ang pinababayaan ng kanilang agency. Ilang kababayan na po natin ang pumanaw sa ibang bansa at tumulong tayo sa pagpapauwi ng kanilang labi. Ito ay sa kadahilanang pinabayaan na ang mga ito ng ahensyang nagpadala sa kanila sa Gitnang Silangan. Karamihan po sa mga ito ay namasukang katulong at laborer. Namatay sa oras ng trabaho pero hindi na ma-contact…

Read More

‘YANG MGA BALIMBING

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ALAM n’yo ba na mayroong mahigit 200 political parties na accredited ng Comelec na ang tayo o sakop ay nasyonal at lokal, kasama ang party-lists? Noon ay dalawa lang ang political party sa bansa: Nacionalista Party (NP) na itinayo noong April 1907 nina dating Pres. Manuel L. Quezon at dati ring Pres. Sergio Osmena para isulong ang pagkalas ng Pilipinas sa pananakop ng US. Matapos ang liberation sa kamay ng Hapones noong 1945, kumalas ang tropa ni dating Senador Manuel Roxas at itinayo ang…

Read More

ALLAN “ALI” LABASAN, UMALMA SA ISYU NG SCAM – “AKO ANG BIKTIMA!”

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP MATAPOS mag-ingay ang Saksi Ngayon sa inilathalang reklamo ng ilang OFW sa Al Khobar, Saudi Arabia na may pamagat na “Pinoy ini-scam ang mga OFW gamit ang pangalan ng MWO”, biglang sumabog ang reaksyon mula mismo sa isinusumbong na si Allan Joseph “Ali” Labasan. Mariing itinanggi ni Ali ang mga paratang at iginiit na siya’y hindi kailanman nanloko ng kapwa OFW. Ayon sa kanya, pawang kasinungalingan ang mga isinusumbong ng mga nagrereklamo. Mas matindi pa rito, siya raw mismo ang tinatakot! “Sabi nila,…

Read More

AYUDA PANG-PR LANG NG MGA POLITIKO

DPA ni BERNARD TAGUINOD NOON pa man ay hindi na ako sang-ayon sa ayuda ng gobyerno dahil ginagamit lang ito ng mga congressman para sa kanilang PR as in public relations sa mga tao, as in pampabango ng kanilang pangalan kapag bumabaho na. Noong nakaraang midterm election campaign, hindi na nangampanya para maglatag ng kanilang plataporma ang mga congressional candidate lalo na ang mga incumbent, dahil sa ayuda. Ang ginawa nila, iniipon nila ang 1,000 hanggang 1,500 recipient ng iba’t ibang ayuda program sa isang lugar at bago ang pamimigay…

Read More

BARZAGA KINASTIGO SA ‘PANGTO-TROLL’ SA KONGRESO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPANOOD n’yo ba ang pang-aasar ni Cong. Kiko Barzaga kay Majority Floor Leader Sandro Marcos? Pinag-usapan sa social media ang Facebook live ng batang kongresista na kilala rin bilang Cong. Meow na para sa marami ay uri ng pangto-troll. Hindi na raw debate ang ginawa nito. Pang-aalipusta na. Tamang asal ba ‘yun ng isang mambabatas? Ang Kongreso dapat ay tahanan ng talino at dangal. Hindi ito kanto na espasyo ng bastusan. Kung kabastusan ang ginawa, aba hindi ata iyon akma sa mabuting asal na dapat ipamalas…

Read More

PAGGISA KAY GUTEZA PAGLILIHIS SA TUNAY NA ISYU?

PUNA ni JOEL O. AMONGO LALO pang nawawalan ng tiwala ang taumbayan sa takbo ng isinasagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado dahil imbes na ang iginigisa nila ay ang itinuturong may sala, ay ang kredibilidad ng testigo ang kanilang pinagtutuunan ng pansin. Sabi tuloy ng ilan, paglilihis ang ginagawa ng Blue Ribbon Committee lalo na kapag sa isyu ng pagdawit ng pangalan ni dating Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects. Nitong nakaraan, iprinisinta ni Senator Rodante Marcoleta na ipinagpaalam niya kay Blue Ribbon Committee chairman Sen.…

Read More