SA aking pagkakaalala, may natisod si Department of Finance (DOF) Sec. Sonny Dominguez na tax credit scam. Ano na ang status ng imbestigasyon? Bilyun-bilyong pisong pera ng taumbayan ang involved dito. What na, secretary? Noong 1999 hanggang 2001, ako’y nagsilbi bilang press consultant sa Philippine Board of Investments (BOI), isang ahensiya ng pamahalaan na naatasang mag-promote ng investment climate sa bansa at humimok ng investors mula sa iba’t ibang nasyon. ‘Yan ding mga panahong ‘yan na nabanggit ko nang ang isa sa suliranin ng BOI ay ang pagkakadawit nito sa…
Read MoreCategory: OPINYON
TECHVOC PINATAY NG K-12
IMBES na makatulong sa mga Pinoy ang pagpapatupad ng K-12 Program ng Department of Education (DepEd) ay lalo pa itong nakasama. Bakit nasabi natin ‘yan? Pinatay kasi nito ang Technical Vocational o TechVoc. Ang TechVoc ay mga kursong mula anim na buwan hanggang dalawang taon ang pinakamatagal. Kabilang sa mga ito ay mekaniko, welder, mananahi, electrician, technician, 2-year course sa computer, secretarial at maraming iba pa. Ang mga nagtapos sa mga maigsing kursong ito ang magbibigay sana ng malaking ambag sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa dahil mabilis silang nakapapasok…
Read MoreCITY ORDINANCE 2016-88-06 PINATUTUPAD NG CTM-SCOG
Misyon Aksyon, isa po ako sa mga masugid na tagasubaybay ng inyong kolum sa Saksi Ngayon. Residente ako ng San Jose Del Monte, Bulacan City. May isang pangyayari po kasi rito nang ipinatutupad ang RA 7160 ng ating gobyerno kung saan agad na inamyendahan ng mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan. Ito ay para sa kapakanan ng serbisyo-publiko dahil sa dumarami ang bilang ng mga pampublikong sasakyan at mga mananakay na kaagapay ng pag-unlad ng bayan. Isa ang Barangay Muzon sa mga inaprubahan kaya nabigyan…
Read MoreMGA OPISYAL NG DOTr, HANDANG IBIGAY ANG KANILANG 14TH MONTH PAY
SALUDO tayo kay Department of Transportation Secretary Art Tugade at sa kanyang mga tauhan dahil nakahanda silang ibigay ang kanilang 14th month pay sa mga kababayan nating nasalanta ng lindol sa Mindanao. Ayon kay Secretary Tugade, napagkasunduan nilang ibigay ang kanilang 14th month pay para sa mga nasalanta ng lindol. Kabilang pa sa mga magdu-donate ay ang kaniyang management team na binubuo ng lahat ng undersecretaries, assistant secretaries at mga pinuno ng attached agencies. Katunayan ng kanilang pagkakaisa ay umabot na umano sa P1.2 milyon ang kanilang nalikom dahil sa…
Read MorePANANAMANTALA?
Pananamantala ba ang pwedeng itawag natin kung dumarami ngayon ang mga paupahan na nagtataas ng kanilang renta? Ang siste kasi, lumalakas ang loob ng mga nagpapaupa dahil ang lagi na nila ngayong dahilan ay lumalalang trapiko sa buong bansa. Uulitin natin sa buong bansa. At dahil malawakan ang epekto ng buhul-buhol na trapiko ay kawawa tuloy ang mga rumirenta. Tiyak ang pagtaas ng parenta lalo na sa mga condominium, sumunod ay mga apartment o room apartment. Siyempre naman, mananamantala ang mga nagpapaupa at ikakatwiran nilang kaysa manirahan ka sa malayo…
Read MoreAKSYON NG PANGULO, KAILANGAN
Mabuting inilutang na mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang cabinet meeting kahapon ang usapin sa pag-ban ng plastic. Aniya dahil sa lumalalang problema sa climate change, posibleng ang pag-ban sa paggamit ng plastic ay maging nationwide. Tama lang naman dahil kung lahat ay apektado ng salot at hindi madisiplinang paraan ng paggamit ng plastic, tiyak na ang solidong pagbabawal sa paggamit nito ay may positibong epekto rin para sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas. Sa patas na paraan gagawin ito ng pangulo ng bansa. Idadaan niya ito sa legislative…
Read MoreMINDANAO
Namulat na ang mga mata kong likas na may kaguluhan sa Mindanao. Talaga namang matatapang ang mga tao riyan, masasalamin natin iyan sa kanilang mga epiko, na noon pa man ay mataas ang pag-value ng mga taga-Mindanao sa katapangan. Sa epikong Darangen halimbawa, ang bayani nito na si Bantugen ay sikat sa iba’t ibang kaharian dahil sa mga giyerang pinasok nito at pinanalunan. Hindi lamang mga lalaki, kundi may mga bayani rin tayong kababaihan sa Mindanao na kung makipaglaban sa digmaan ay inaabot ng tatlong araw. Bawat bundok ay iba’t…
Read MorePHILCO HUMAN RESOURCES, TINATAWAGAN NG PANSIN
Isang sumbong ang aking natanggap sa pamamagitan ni Ako OFW Bukidnon Chapter President Anna Mahinay. Ang sulat ay mula kay Raquel Arabe na isang OFW mula sa Jeddah Saudi Arabia. Siya ay nakarating sa Jeddah, K.S.A. noong February 15 sa pamamagitan ng PHILCO Human Resources Services Corp. Diumano, si OFW Arabe ay minamaltrato ng kanyang amo at sa katunayan ay tatlong beses na ikinulong sa kwarto. Dahil sa mga pagmamaltrato na kanyang nararanasan, ay tuluyan nang nanghihina ang kanyang katawan at tuluyan nang nagkasakit. Ngunit kahit alam ng kanyang amo…
Read MoreINSIDENTE SA SCARBOROUGH SHOAL
Nasagot na ng Philippine Coast Guard ang tanong ng marami kung sino ba dapat ang maghain ng reklamo laban sa China sa insidente sa Scarborough Shoal noong Setyembre 30 kung saan sinita ng Chinese Coast Guard ang isang Greek-owned pero Liberian-registered na crude oil tanker at puro Filipino ang mga nagpapatakbo nito. Binigyang linaw ni PCG Commandant Admiral Joel Garcia na walang awtoridad ang gobyerno ng Pilipinas na imbestigahan ang nasabing insidente dahil ang MV Green Aura oil tanker ay foreign-owned at hindi barko ng Pilipinas kahit pa sabihing puro…
Read More