Nag-uuulan. Kasama niyan ang pagdami ng lamok sa kapaligiran. May mga kaso na naman ng dengue. Ngayon maaalala rin ng taumbayan kung ano na nga ba ang nangyari sa mga kasong naisampa, isasampa, mga pag-aaral para paghahanda ng mga karagdagang kaso at mga eksaminasyon ukol sa mga biktima ng Dengvaxia. Huwag sanang kalimutan ang pananagutan ni Noynoy kasama ang mga miyembro ng kanyang Dengate Gang ukol sa malinaw na multi-bilyong pisong scam na ito. Tunay naman kasing matining at malinaw ang pananagutan sa pagkakaineksyon sa may 837,000 mga batang Filipino…
Read MoreCategory: OPINYON
SALITANG ZERO BACKLOG OF CASES WALA SA BOKABULARYO NG DOJ?
Hanggang ngayon ay wala pa ring naipalalabas na datos ang Department of Justice (DOJ) kung ilang petition for review (petrev) at motion for review na nakasampa sa DOJ ang kanilang naresolba. ‘Pag minsan, naisip ko tuloy kung mayroon bang ginagawa ang undersecretaries ni Secretary Menardo Guevarra dahil sa kanila nakaatang ang mga petrev na isinampa ng mga litigant. Isinawalat ko na po ang problemang ito kung saan inamin mismo ni DOJ Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay sa isang press briefing na natatambakan sila ng mga petition for review at motion for…
Read MoreKUNG BAKIT MAHALAGA ANG 2ND CIIE
Nobyembre 2018 unang isinagawa ang China International Import Exhibition (CIIE) sa lungsod ng Shanghai kung saan naisara ng CIIE ang may US$57-billion na halaga ng business deals sa loob lamang ng limang araw. Ngayong Nobyembre ay isinagawa ang ikalawang CIIE kung saan inianunsiyo ni Chinese President Xi Jinping ang long-term na commitment ng China na bumili ng $30-trillion halaga ng mga imported na produkto at $10-trillion na halaga naman ng mga serbisyo sa iba’t ibang bansa. Kabilang sa mga naging panauhin ng CIIE ay si French President Emmanuel Macron na siyang…
Read MoreDENGVAXIA, ANO NA?
Itong panahon na nag-uuulan, hindi maiwasang kabahan ang mga magulang sa pinsalang maaaring dala ng lamok lalung-lalo na ang mga naturukan ng Dengvaxia vaccine. Ano na nga pala ang update ukol dito? Higit na sa 600 na mga batang naturukan ng Dengvaxia ang nangamatay na hinihinalang dahil sa experimental vaccine. Halos pare-pareho ang ipinakitang mga sintomas ng mga biktima bago namatay. Walang pinag-iba ‘yan sa kamakailan ay mga nangamatay dahil sa may lasong milk shake sa Lungsod ng Maynila. Pare-parehong sintomas ang ipinakita ng mga biktima bago nangamatay. Ganyan din…
Read MoreSSS PENSION NG ASAWANG NAMATAY MAAARI BA’NG ISALIN?
Misyon Aksyon, nais ko pong humingi ng payo ukol sa SSS pension ng aking namatay na asawa kasi minsan ninyong natulungan ang aking manugang na namatay sa pamamagitan ng inyong kolum. Kasalukuyan po kaming naninirahan sa Bayan ng Bacolod City, Negros Occidental. Matagal po kaming nagsama ng aking asawa at nagbunga ang aming pag-iibigan. Nang mamatay siya ay doon na pumasok ang aking problema. Hindi ko po alam na may unang asawa siya. Kasal sila at may mga anak. Inilihim niya sa akin ito nang matagal na panahon pero natuklasan ko rin sa huli.…
Read MoreUMUNAWA TAYO
Ayon sa statement ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magsisimula sa araw na ito ang tatlong araw na pansamantalang pagliban ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo. Ang balita rin namang iyan ay galing mismo kay Senador Christopher “Bong” Go, ang dating top aide ni Duterte. Nais kasi ng pangulo na makapagpahinga nang maayos dahil mayroon itong iniinda. Bilang mamamayan ay huwag na muna tayong gumuhit ng espekulasyon. Doktor na rin ni Pangulong Duterte ang nagtagubilin sa kanya na kailangan niyang magpahinga. Pinagbasehan ng doktor ang iniindang muscular spasm ng pangulo kasunod…
Read MorePAGTUGON SA WATER CRISIS DAPAT NAAAYON SA BATAS
Ang Pilipinas, partikular ang Metro Manila, ay nakararanas ng krisis sa tubig na kailangang mabilis na maaksiyunan; ito ay hindi pinag-uusapan. Subalit ang anumang solusyon na gagawin ng gobyerno ukol dito ay dapat naaayon sa batas. Naging mainit na usapin ito matapos na maglabas ng advisory ang water concessionaires na Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services, Inc. na regular silang magpapatupad ng rotational water service interruptions sa kalakhang Maynila. Hindi natin itinatanggi na wala tayong krisis sa tubig. Pero kung anuman ang hakbang na gagawin dito ay kailangang alinsunod…
Read MoreBALIKBAYAN BOXES MAAARI NANG MA-MONITOR GAMIT ANG BOC TRACKING SYSTEM
Isang magandang balita para sa mga kababayan nating nasa ibang bansa sa inihayag ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) na kung saan maaari nang mamonitor ang mga ipinapadalang Balikbayan Boxes sa bansa. Ang kanilang Bureau of Customs Parcel Tracking System ay madali na nilang mati-trace kung nasaan na ang kanilang mga ipinapadalang parcel sa bansa. Ayon kay Customs Assistant Commissioner, Atty. Vincent Maronilla, inihahanda na rin nila ang kanilang system lalo’t malapit na ang Christmas season dahil siguradong dadagsain sila ng balikbayan boxes. Kumpiyansa naman si Maronilla na magiging…
Read MoreMABILISANG PAGKILOS UPANG SAKUNA AY MAIWASAN
Naudlot ang mahimbing kong pagtulog noong Huwebes ng umaga dahil sa aking naramdamang lindol. Biruin mo, ang 5.5 magnitude na lindol na ito na ayon sa NDRRMC ay tumama sa Jomalig, Quezon, ay aking naramdaman sa aming condominium unit sa may Pasig. Buti na lang at walang nasawi dahilan sa nasabing lindol, hindi katulad noong mga tumama sa Cotabato City at Kidapawan City. Nagdulot din ng pagguho ng mga gusali sa Soccsksargen at Davao ang mga lindol na ito sa Mindanao, dahilan para mawalan ng tirahan ang humigit sa 35,000…
Read More