CHIKOS AT ZH&K MOBILE PHONE SIRAIN?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, bumili po ako ng cellphone na may tatak na ZH&K, natuwa ako dahil mura. Ngunit wala pang isang linggo ay nasira agad kaya’t bumalik ako sa binilhan ko dahil pasok pa ito sa ibinigay na warranty period. Pinalitan naman agad ng kanilang tindera. Nang buksan ko uli ang ipinalit na cellphone ay baterya naman ang naging problema dahil madaling mag-lowbat. Matapos ang dalawang linggo sira na naman ang unit na binili ko kaya ibinalik ko uli sa binilhan kong mall. Ang sabi ko, “Bakit ganyan ang unit ninyo…

Read More

YES TO ANIMAL DISEASE ACT

Maging Wais Ka-2

Limamput-walong baboy na suspetyang may African Swine Fever (ASF) ang nakitang lumulutang sa ilog na Marikina. Ito raw ay itinapon mula sa mataas na bayan ng lalawigan ng Rizal partikular sa Pililia. Sa paglitaw ng problemang ito, lumitaw rin na limitado ang ating batas o mga polisiya na angkop sa paglutas ng mga ganitong problema. Inihahanda na raw ng lungsod ng Marikina ang pagsasampa ng iba’t ibang klaseng demanda laban sa mga may pananagutan sa pagtatapon ng mga patay na baboy. P200,000 ang inilaan na pabuya ni Mayor Marcelino Teodoro…

Read More

DEPARTMENT OF OFW, MATUTUPAD NA SA DISYEMBRE

AKO OFW

Kahapon ay isa ako sa naimbitahan para dumalo sa Congress Meeting ng Committee Secretary ng Committee on Go­vernment Reorganization at Committee on Overseas Workers Affairs. Kasama sa mga naimbitahan ay ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamumuno ni Secretary Silvestre Bello, POEA, OWWA, CFO at ang DFA-OUMWA at ang ilang piling mga non-government organizations (NGOs) na kung saan nabibilang ang AKO OFW Inc. Sa takbo ng pag-uusap ay malinaw na ang lahat ng dumalo ay nagpahiwatig ng kanilang pagsuporta upang maisabatas ang pagkakaroon ng DOFW.…

Read More

PUMIRMA LANG NAMAN PALA, BA’T SISISIHIN SA GCTA MESS?

EARLY WARNING

Kayo talaga mga katoto ang dudumi ng isip n’yo. Bakit nga ba naman sinisisi itong si Sen. Bato dela Rosa, ex-Bureau of Corrections (Bucor) chief, sa kaguluhan tungkol sa good conduct time allowance (GCTA) sa New Bilibid Prisons eh wala naman s’yang ginawang masama. Bilang BuCor chief, pumirma lang naman siya ng release papers kaya marami noong panahon n’ya ang nakalaya tapos sisisihin n’yo na siya sa kontrobers’ya sa GCTA. Kayo talaga, krimen na ba na matatawag ang pagpirma? ‘Yan ang sabi ni Senador Bato, hehe! Abusadong computer shops, isara…

Read More

DELIKADO ANG POLIOVIRUS

SA TOTOO LANG

Nakalulungkot ang balita ngayon. Matapos ang 19 taong pagdedeklara na wala nang polio sa Pilipinas, heto tayo muli at tinamaan ng mapaminsalang sakit na ito. Ito ang kinumpirma ng Department of Health kung saan nabalitaan at napatunayan ding mayroon polio case sa Lanao del Sur. Nakalulungkot din na malaman na sadyang marumi ang ating kapaligiran. Ito ay dahil na rin ang poliovirus ay na-detect sa water sewerage samples sa Manila at Davao. Dengue ang halos hindi pa tapos na kinakaharap ng ating pamahalaan at mamamayan. At marami ang namatay sa…

Read More

MAY MALAKING TAAS SINGIL SA LANGIS!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Dahil sa mga ligalig sa Middle East ay pinapangambahan ang panibagong malaking pagtaas sa presyo ng langis. Dagdag pahirap ito lalo na sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan! Para kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares at kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, lalong kailangan na makita ng taumbayan kung paano pinepresyuhan ng mga oil company ang produktong petrolyo. Unbundling of oil prices ang tawag rito, kung saan makikita nang malinaw kung anu-ano ang pinagkakagastusan upang bigyang-katwiran ang presyo ng produktong petrolyo. Inatake ng Iranian-backed na grupong Houthis ang…

Read More

MISSION IMPOSSIBLE NA ANG EDSA

SIDEBAR

Sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino lumala nang husto ang lagay ng trapiko sa EDSA dahil na rin sa pagdami ng mga mga pribadong sasakyan kasabay ng malimit na pagkasira ng MRT na siyang dapat pinaka-episyenteng mass transport sa pangunahing highway sa Metro Manila. Nakailang eksperimento na rin ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa traffic engineering kung papaano mababawasan ang mga sasakyang dumadaan sa EDSA na may kapasidad lang na 170,000 na behikulo araw-araw. Minsan na ring sumaklolo ang MMDA sa Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine…

Read More

PACC NAGBABALA

FOR THE FLAG

Karaniwang malaking pahirap sa taumbayan ang proseso ng pagrerehistro ng isang negosyo. Sa maliliit na negosyo nangyayari pa ngang nalugi na muna ang pamumuhunan bago pa man marehistro, kaya narerehistro ang mga ito pero wala na ang kapital. Kinakikitaan ang kakulangan ng suporta ng i-lang local government unit sa mga maliliit na nais makapagsimula sana ng negosyo habang ang malalaking negosyante naman ay nauuwi sa suhulan. “We call on local chief executives or local government units (LGUs) to adjust and streamline their processes in accordance with the Ease of Doing…

Read More

KIDNAPPING NG MGA CHINESE

SIDEBAR

Sa paglaki ng bilang ng Chinese nationals na nagpupunta sa Pilipinas para maglaro sa mga casino, dumarami rin ang bilang ng mga Chinese na nababaon sa utang sa mga tinatawag na loan sharks sa mga casino. At kapag hindi makabayad ang mga naturang Chinese, sila ay dinudukot at dinedetine ng kanilang mga kababayan mula sa Peoples Republic of China (PRC) para ipatubos sa kanilang mga pamilya at kamag-anak kapalit ng kanilang kalayaan. Base sa datos ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police, mula 2017 hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na…

Read More