Nakababahala ang plastic pollution na nakaaapekto sa ating kapaligiran. Hindi lamang problema sa Pilipinas ito kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa ipinalabas na ulat ng United Nations, ang plastic pollution ay isang malaking dilemma na kakaharapin ng mundo kung hindi magtutulungan ang bawat bansa sa buong mundo upang masawata ito. Sinasabi na ang Pilipinas ay isa sa world’s top three offenders ng plastic pollution sa mundo. Sinasabing halos 60 billion sachets bawat taon ang nagagamit sa bansa na labis na nakakaapekto sa ating kapaligiran. Sa isang pag-aaral ng…
Read MoreCategory: OPINYON
ANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikatlong bahagi) Ang pinakamatingkad na nagpapakita ng ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunang Filipino ay ang bigas at pagtatanim ng palay mismo. Kung may sarili kang taniman ng bigas, mapalad ka kahit ‘di man ito gaano kalaki. Kahit paano, mayroon kang sariling pagkukunan ng supply ng pamilya sa buong taon. Bongga siyempre kung mas malawak ang taniman dahil bukod sa may pantugon na sa sariling konsumo, mayroon pang matitirang pambenta para sa ibang pangagailangan. Ang kawawa ay yaong walang sariling mga taniman at nakikisaka lamang sa mga mayroon na ayaw nang mag-abala…
Read MorePINAY NA BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER, MISTULANG HOSTAGE SA RECRUITMENT FEE
Sa inilabas na anunsiyo ni Consul General Paul Raymund Cortes ng Philippine Consulate sa Dubai sa kanyang Facebook account ay sinabi niya na simula noong Enero hanggang buwan ng Agosto 2019 ay 1,843 overseas Filipinos na ang napauwi sa Pilipinas na nagmula sa Shelter ng POLO-OWWA. Siyamnapu’t siyam na porsiyento (99%) sa mga ito ay mga nagpunta sa Dubai bilang turista at doon naghanap ng kanilang trabaho sa pamamagitan ng illegal recruiters. Lubhang nakababahala na ang paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng illegal recruiters. Kamakailan ay tatlong Facebook account…
Read MoreABUSADONG SHIPPING LINES
Maliban sa mataas na buwis, alam niyo ba na ang isa sa mga dahilan kung bakit napakataas ang presyo ng mga imported na mga produkto ay dahil sa napakalaking raket ng shipping lines at mga ahente nito? Ito ngayon ang nais busisiin ni Rep. Ronnie Ong ng Ang Probinsyano Party-list sapagkat napakarami na umano ang dumadaing sa kanya dahil sa mga hindi makatwirang singil ng shipping companies at ng mga ahente nito. Binigyang halimbawa ni Ong ang sinisingil na destination charge ng shipping companies sa mga ipinapakarga sa kanilang mga…
Read MoreKUNG ANU-ANO ANG INUUNA
Minsan mapapaisip talaga tayo kung gaano kalalim na pagsasaliksik at pag-unawa sa pangangailangan ng mga sektor at constituents ang isinasaalang-alang ng ating mga mambabatas. Hindi naman pwede na kung anong maisipan at kung anong mabunot na isyu mula sa langit ay basta-basta na lamang gagawan ng panukala. Ngunit nakapagtataka na kung susuriin ang mga panukalang isinusulong sa Kongreso, maaaring nakakatuwa o nakakatawa. Sabi pa nga sa isang komento, parang walang malalang problema ang Pilipinas at kung anu-ano pa ang inuuna. Kamakailan ay dalawang panukala sa sektor ng edukasyon ang umani…
Read MoreWALA SA LUGAR ANG TAPANG?
Misyon Aksyon, masyadong matapang ang isang pulis na si PCpl Belfred Delarosa ng PCP 3 Pabahay 2000. Nitong August 29, 2019 bandang alas-kuwatro ng hapon nang lumabas ako para i-claim ang padala sa akin. Nakasakay po ako ng aking motor mula sa kanto na may 50 metrong layo sa aming bahay ay may checkpoint. Nakita ako ni PCpl Delarosa, nilapitan ako at tinanggal ang helmet. Tinanong ko kung ano ang vilolation ko. Sa halip na sagutin ako nang maayos ay agad akong pinagmumura. Sir, sa dami ng aking naging karanasan…
Read MoreDILG, PALALAKASIN ANG UGNAYAN NG BARANGAY AT OFW
Binisita ng Ako OFW ang opisina ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino nitong Martes upang talakayin ang mga suliranin ng mga OFW at pamilya ng mga ito. Hindi talaga nagkamali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtatalaga sa dating barangay captain ng Quezon City para pamunuan ang mahigit na 42,000 na barangay sa buong Pilipinas. Ang kanyang kasanayan sa pamamalakad ng barangay ang naging dahilan upang mabilis niyang maunawaan ang mga isyu na aming tinalakay. Higit na nakatutuwa na may mga sarili na pala siyang plano at inisyatibo…
Read MoreDRUG CLEARING MAS MADALI DAHIL SA PAGHAHATI NG MGA BARANGAY
Tunay na malaking bagay ang pagkakahati-hati ng isang lugar sa Navotas City na naging tatlong barangay dahil mas napadali ang drug-clearing operations dahil ang mga ito ay epektibong nadeklarang drug-cleared areas ng Philippine Drug Enforcement Agency. Kaya agad namang ipinaabot ni Mayor Toby Tiangco sa chairmen ng Barangays North Bay Boulevard South (NBBS) Kaunlaran, Proper at Dagat-dagatan ang pagkilala sa kanila sampu ng kanilang mga kasamahan at constituents. “Ipinapakita lamang nito na tama ang naging desisyon natin na hatiin ang NBBS. Dahil dito, naging mas madali at epektibo ang pamamahala…
Read MoreGULO SA PAGPAPATUPAD NG BATAS
Sa nangyaring kapalpakan sa Bureau of Corrections malaking gulo ang iminarka nito sa mga opisyal at ng mismong pamahalaan. Malaking stigma ito sa sistema ng ating batas na para bang mismong ang nagpapatupad sana ng tuwid na batas ay hindi makaintindi sa nilalaman mismo ng batas. O baka naiintindihan naman nila pero dahil sa mga pansariling interes e hindi bale na lang na baluktutin ang tama at ipagpatuloy ang kanilang mga pansariling kagustuhan para sila lamang ang mga makinabang. Nagpalaya ang BuCor ng mga presong nahatulan dahil sa karumal-dumal na…
Read More