Marahil kaya gustung-gusto ng ilang mapagsamantalang negosyante at opisyal ng gobyerno ang pagbaba ng emergency powers on traffic dahil malaki ang kikitain nila sa mga kontratang kaugnay nito. Mula pa 2016, ay tinutulak na ng ilang indibidwal ang emergency powers sa trapiko. Mayroon ba silang dahilan sa pagtutulak nito? Kung ating susuriin ang Traffic Crisis Bill sa 17th Congress na bahagi ng panukalang emergency powers, makikita na magkakaroon ng malawakang tanggalan sa trabaho sa transport workers, malaking kapangyarihan para sa traffic chief, at ang posibleng pribatisasyon sa lahat ng mass…
Read MoreCategory: OPINYON
TRAPIKO SA LAWTON, TAFT AVENUE SA MAYNILA, WALANG PAGBABAGO!
Totoo kaya na kunwari lang ang ginagawa ng Manila City Hall na aayusin lahat ng mga sagabal sa mga kalsada upang maayos na makadaloy ang mga sasakyan? Mayroon akong nababalitaan na tatlong buwan lang ‘yang ginagawa ni Mayor Isko Moreno Do-magoso at pagkatapos nito’y “happy go lucky” na ulit ang mga pasaway sa mga kalsada at balik na ulit ang vendors! At balik-sikip na ulit ang daloy ng trapiko. Gaya na lamang sa Lawton at Taft Avenue na walang araw na hindi mabigat ang daloy ng trap-iko roon. Mayor Isko,…
Read MorePANAGINIP
Sabihin na lang nating may isang panaginip. May tatlong taong naulinigan kong pinag-uusapan ang aking kasama, hindi maganda ang mga salitang namumutawi sa kani-kanilang mga bibig. Hindi ko naawat ang aking kasama, sinita ng kasamang maestro ang tatlong taong siya mismo ang pinag-uusapan. Aalmahan siya ng tatlo kaya buong agap na akin siyang ipinakilala. Kumalma ang tatlo. Nakilala siya. Umalis kami ng maestro, kasama ang isang musa. Sumakay kami ng bus papunta sa isang destinasyon. Nakatayo lamang kaming tatlo sa bus. Maya-maya napansin naming hindi na kumikilos ang bus, mabigat…
Read MoreDAPAT MUNANG REPORMAHIN ANG BUCOR BAGO MAREPORMA ANG MGA PRESO NG NBP
Nasa kapangyarihan ng Office of the Ombudsman ang magsuspinde ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na nakikitaan ng sapat na ebidensya para sa preventive suspension ng mula 90 hanggang 120 araw. Walang duda na naka-monitor ang mga imbestigador ng Ombudsman sa isinasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa maano-malyang pagpapalaya sa may 1,900 convicts sa ilalim ng Good Con-duct Time Allowance (GCTA) na itinadhana sa Republic Act 10592. Mismong si Ombudsman Samuel Martires ang nagpalabas ng 120-day preventive suspension sa 27 opisyal ng Bureau of Corrections na may kinalaman sa…
Read MorePANIBAGONG MILITARISASYON SA LIANGA, KINONDENA NG LUMAD NA KONGRESISTA
Mariin ang pagkondena ni Bayan Muna Representative at lider Lumad na si Ka Femia Cullamat ang bagong militarisasyon sa kanilang lugar sa Lianga, Surigao del Sur mula pa noong ika-16 ng Agosto. Ang mga traktora at mga makinang pandigma ng AFP ay nakaistasyon sa KM 6 sa Barangay Diatagon sa kasalukuyan. Ani Rep. Cullamat, “Napakalinaw na binabalewala kaming mga Lumad at nais burahin ang aming kasaysayan sa aming lupang ninuno kung saan matagal na kaming naninirahan at namumuhay.” Nang dumating muli ang dagsang militar noong ika-16 ng Agosto, dalawang dayalogo…
Read More‘GINUSTO MO, DEAL WITH IT’
Ayoko na rin sanang makisawsaw rito sa isyu ni Greg ‘aka Gretchen’ Diez kaya lang ‘di ko na rin mapigilan dahil itong si Gregorio na nag-aambisyon pang pumasok sa politika na nag-umpisa lang sa toilet issue, aba’y feeling VIP ang dating at tila gusto n’yang ang marami ang mag-sakripisyo sa kanyang ginustong kalagayan. ‘Di naman maipagkakailang normal na tao itong si Gregorio pero pinili n’ya kung ano s’ya nga-yon, eh bakit kailangang ang iba ang mag-adjust? Ano’ng gusto n’ya special treatment, sinus’werte ka! Sabi nga ng isang ne¬tizen, kung may…
Read MorePAGLIPAT NG BULACAN INMATES SA DRT REFORMATION CENTER
BULACAN – Sa isang pagtitipon ng Bulacan Press ay ipinahayag ni Gobernador Daniel Fernando ang paglipat ng Bulacan inmates sa DRT Reformation Center. Ayon sa datos ng Bulacan Provincial Jail umaabot na sa 4,500 ang inmates sa loob ng Provincial Jail na kung saan 80% ay may kasong droga. Kung kaya’t isinusulong ng masipag na gobernador ng Bulacan, Gobernador Daniel Fernando sa pamamagitan ng ordinansa, request at mga dokumento sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan kasama ang dating Gov. Willy Alvarado na inilatag nila sa BJMP national at kay Pangulong Rodrigo…
Read MoreISSUE NG GCTA DAPAT HUWAG BITAWAN
Ang sambayanan ay nakatutok ngayon sa kontrobersyal na isyu ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at sa balita ukol sa napipintong paglabas ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez. Si Sanchez ay nakulong dahil sa pitong hatol ng reclusion perpetua dahil sa pagpaslang at panggagahasa sa UPLB student na si Eileen Sarmenta at pagpaslang sa kapwa UPLB student nito na si Allan Gomez noong 1993. Kaya’t hindi kataka-takang napakatindi ng mga negatibong reaksyon ang inani nito mula sa publiko lalo na sa social media. Kabi-kabila ang balita ukol dito at lahat…
Read MoreNAKALIPAD NA, PAANO NA IYAN?
Masama at masakit na balita. Inihayag kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nakarating sa kanila ang balita na ilan sa mga napalayang mga bilanggo dahil sa Good Conduct Time Allowance ay wala na sa Pilipinas. Ito ay mga nakalipad na sa ibang bansa at tuluyan nang nagpakalaya-laya. Paano na iyan? Sana bumalik sila o mapabalik ng ating pamahalaan at harapin ang kanilang isyu sa bansa. At kung hindi sila makababalik, parang pinalaya na lamang basta ang karapatan at hustisya sa mga biktima ng krimen.…
Read More