KAILANGANG BANTAYAN ANG DAGDAG-PORK BARREL SA 2020 BUDGET

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Noong ika-28 ng Agos­to, binawi ni Deputy Speaker LRay Villafuerte ang House Bill 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill (GAB). Ang withdrawal ng GAB ay tunay na nakababahala para sa lahat ng Filipinong galit sa korapsyon. Ang GAB ay ang panukalang batas na nagdidikta kung saan at paano gagastusin ang taunang badyet ng bansa, na galing sa buwis ng mamamayan o ‘di kaya ay utang na mga Filipino pa rin ang magbabayad. Sa kasalukuyang panukalang badyet na iprinisinta sa Kongreso na nagkakahalaga ng P4.1 trilyon, napansin na ng Bayan…

Read More

DAPAT MA-REPEAL AGAD ANG R.A. 10592

SIDEBAR

Sa mga resource persons sa pagdinig ng Senate committee on justice and human rights hinges sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA), tanging si dating Justice Undersecretary Reynante Orceo lamang ang nakapagbigay-linaw sa natu­rang usapin na pumutok sa media matapos mapabalita na ang kontro­bersyal na dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ang isa sa mga mapapalaya dahil sa GCTA. Ayon kay Orceo, ang GCTA na nakasaad sa Republic Act 10592 ay naibibigay kapangyarihan sa Bureau of Corrections (nasa ilalim ng Department of Justice) at Bureau of Jail Management and Penology…

Read More

INANG-BAYAN

FOR THE FLAG

Sisikat din ang araw bayan ko, malilipol din ang mga demonyong sumuso sa kinabukasan ng mga kabataan, mga kampon ng demonyong hinubadan at kinalbo ang mga bundok at kagubatan, lalabas din ang wika ng paglaya na pupunit sa korapsyong bumabalot sa kaluluwa ng bansa. Bubukas din ang hawla ng pagkakakulong sa sumpa ng trapiko, lalandas din ang mga eroplanong magbabalik sa mga mahal sa buhay mula sa pagpapaalipin sa ibayong dagat. Bubukadkad na muli ang bango ng kaluluwa ng tunay na pagka-Filipino, matutuwang lalanghapin ng langit ang bango ng kanyang…

Read More

JOSE L. PAVIA HUWARANG MEDIAMAN

FOR THE FLAG

Minsan may isang beat reporter na naibulalas na walang nangyayari kaya wala siyang nai-file na istor-ya, isang mortal sin ito sa larangan ng pamamahayag. Naulinigan ito ng yumaong batikang journalist na si Joe L. Pavia, o JLP, at sa termino namin noon nabembang ng katakut-takot ang nasabing reporter. Para sa isang mamamahayag na katulad ni JLP walang imposible sa larangan ng journalism. Minsan naikwento niya ang isang batikan ding komentarista na si Ruther Batuigas na nagsilbi sa kanya bilang photo-journalist noong nagsisimula pa lamang si Batuigas sa industriya. Binigyan ni…

Read More

ANG TRAHEDYA NI GEN. TOMOYUKI YAMASHITA

SIDEBAR

Sa pamamagitan ng Republic Act No. 11216, idineklara ang Setyembre 3 ng taong kasalukuyan at mga susunod na taon bilang isang national holiday para gunitain ang pagsuko ni Gen. Tomoyuki Yama­shita na siyang commanding general ng Imperial Ja­panese Army sa Pilipinas sa pagtatapos ng World War II. Special working holiday sa buong bansa ang Set­yembre 3 ayon sa RA 11216 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 13. Ibig sabihin, holiday pero may pasok at lalong walang holiday pay sa mga manggagawa. Si Baguio City Rep. Mark Go ang…

Read More

APELYIDONG REYES, MAY POSIBILIDAD NA MAGING SUSUNOD NA CJ SA SC

PRO HAC VICE

Ayon kasi sa mapagkakatiwalaang source ng inyong lingkod na bagama’t most senior justice si Associate Justice (AJ) Diosdado Peralta ay may problema umano ito at malabong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Punong Mahistrado ng Supreme Court. Ito ay dahil sa bukod sa ayaw sa kanya ng mga taga-San Beda na malapit kay Pangulong Duterte ay mayroon itong dalawang drug case na pinonte at na-turn off si Pangulong Duterte. Paliwanag ng source na alam naman kasi ng lahat ng Pinoy na ang ilegal na droga ang pangunahing programa ng…

Read More

BAKIT PINASASARA ANG MGA PAARALANG LUMAD?

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sa loob ng ilang taon, malaking usapin sa hanay ng mga Lumad ang pagpapasara ng mga Lumad schools sa buong Mindanao. Ito ay mga paaralang tinayo nila dahil sa kanilang malalayong lugar, halos walang mga paaralan ang naitatayo ng pamahalaan. Ngunit, imbes na suportahan ng pamahalaan ang mga paaralang itinayo ng mga Lumad at kilalanin ang kanilang karapatan upang paunlarin ang kanilang mga komunidad ayon sa kanilang sariling sikap at pagpapasya, ay inaatake ang mga ito sa maraming prontera. Ang pinakahuli sa mga atakeng ito ay nang pagpaparatang muli ng…

Read More

KAAWA-AWANG TINGNAN PERO DAPAT MANAGOT SA BATAS

EARLY WARNING

Halos iika-ika na, may sakit at sadyang kaawa-awa nang tignan itong si Reynaldo Aguilar, 68, pero hindi ito dahilan para hindi siya arestuhin ng Navotas Police sa kanyang pinagtataguan sa isang bahay sa Porac, Pampanga sa kasong statutory rape sa isang batang babae may tatlong taon na’ng nakararaan. Binigyan din agad ng recognition ni City Police chief PCol Rolando Balasabas sina Warrant and Subpoena Section chief PEMS Alvin Bautista, PSMSgt Generoso Cagatiga, PCpl Mark Anthony Diaz, PCpl Jerwin Layco at NUP Maria Elisa ‘Isang’ Orsolino, asawa ng napaslang na media…

Read More

ANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS

Psychtalk

(Ikalawang bahagi) “Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko. ‘Di naman makatayo, ‘di naman makaupo…”  Paunang linya ‘yan sa mga unang kantang itinuro sa amin noong ako’y nag-aaral sa mababang paaralan sa isang probinsya sa Norte. Para sa isang bata gaya ko noon, hindi ko gaanong mawari ang ibig sabihin ng kanta tungkol sa pagiging mahirap ng gawaing pagtatanim ng palay. Dahil ‘di ko naman direktang naranasan ito, bagkus ay nanonood lang ako sa mga may edad  na babae sa pagbubunot ng mga punla (bunobon sa aming dialect) at mga lalaki…

Read More