Mukhang nagkakalimutan na ukol diyan sa multi-bilyon pisong tax credit scam. Maipaalala ko lang mga kabandila, 1999 hanggang 2001 ako’y nagsilbi bilang press consultant sa Philippine Board of Investments (BOI), isang ahensya ng pamahalaan na naatasang mag-promote ng investment climate sa bansa at humimok ng investors mula sa iba’t ibang nasyon. ‘Yan ding mga taong nabanggit ko na ang isa sa suliranin ng BOI ay ang pagkakadawit nito sa multi-bilyon pisong tax credit scam, na maya’t maya ay naipupukol sa imahe ng ahensya, bagaman sa Department of Finance ito pinal…
Read MoreCategory: OPINYON
HINDI DAPAT GINAGAMIT NI SEN. BATO ANG MGA AWAY-PAMILYA
Kamakailan ay nagkaroon ng pagdinig sa Senado si Sen. Bato dela Rosa kung saan nagsalita ang mga nanay na dinukot umano ang mga anak ng mga progresibong grupo tulad ng Anakbayan. Galit na galit ang baguhang senador at ex-PNP chief Dela Rosa sa mga aktibista dahil sa “brainwashing” umano ng mga ito sa mga kabataan. Ngunit, nagsalita na rin ang mga kabataan at pinabulaanan ang pagdukot sa kanila. Anila, sila ay sumapi sa mga progresibong organisasyon tulad ng Anakbayan upang ipagtanggol ang karapatang pantao na nilalabag ng pulis at militar.…
Read More‘DEMOLITION JOB’
Malinaw kung mismong si Public Attorney’s Office chief Persida Rueda-Acosta ang tatanungin ay simpleng ‘demolition job’ ang akusasyon laban sa kanya ng mga ‘walang bay*#’ na ‘PAO lawyers’ dahil aniya ito’y walang basehan. Sa katunayan, aniya, mismong legitimate PAO lawyers ang lumantad at nagpakita ng todong suporta at tiwala sa kanya kasabay ng kanilang pagtanggi na sila’y may kinalaman sa ‘unsigned complaint of corruption’ na nakarating sa Ombudsman. Nakikita ni Acosta na may gumagalaw na mga maimpluwensyang tao na may koneks’yon o apektado sa kaso na isinampa ng mga pamilya…
Read MoreULAN: BIYAYA O SUMPA?
(Huling bahagi) Baka nalulunod na kayo sa usapang ulan na ito. Kaya’t sisikapin kong tuldukan na ito ngayon. Biyaya man o sumpa ang ulan, nakasalalay sa anggulo ng tumatanaw, o perspektibo, pati na rin sa panahon at pagkakataon. Biyaya ito sa mga magsasakang nakadepende ang pagtatanim sa tamang ulan, sumpa kung labis-labis dahil malulunod ang mga pananim. Mas masaklap kung darating sa halos panahon na nang anihan. Pag sobra ang init sa tag-araw, tila oasis itong maituturing, mainam na pampasigla sa mga nalalantang buhay. Maganda rin itong dahilan ng pamamahinga…
Read MorePOLICE VISIBILITY SA MGA UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO, MASUSING PAG-ARALAN
Magandang edukasyon at proteksyon laban sa krimen ang kailangan ng mga estudyante mula sa ating pamahalaan; huwag silang ituring na kalaban ng estado. Ang planong paglalagay o pagdaragdag ng police visibility sa mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ay hindi makatutulong at manapa’y makagagambala sa pagkatuto ng mga kabataan. Ang mandato ng PNP ay labanan ang kriminalidad at tugisin ang mga gumagawa ng krimen na wala naman sa mga unibersidad at mga kolehiyo kaya hangga’t hindi lumalaban ang mga estudyante sa gobyerno gamit ang armas ay hindi ito maituturing…
Read MorePROBLEMA SA TRAPIKO, HINDI DAPAT ISISI SA MMDA
Dismayado ang maraming motorista at biyahero noong nakaraang linggo dahil sa isang malalang “carmageddon” na nangyari pa-Norte sa EDSA. Inabot ng humigit-kumulang apat na oras ang biyahe mula Quezon City papuntang Lungsod ng Makati dahil sa masikip na trapiko. Nakadagdag pa ang matinding pag-ulan na dala ng isang low pressure area at ang pagkalito ng mga biyahero ukol sa TRO na inilabas ng Korte Suprema patungkol sa implementasyon ng pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA. Malinaw na nawawalan na ng pag-asa ang mga motorista sa Metro Manila at marahil…
Read MorePORT COLLECTOR JOHN SIMON, PINAMAMADALI SA KOREAN GOV’T ANG PAG-REEXPORT SA 500 METRIC TONS NG BASURA
Muling pinaalalahanan ni Mindanao International Container Terminal Oriental, Mindoro Port Collector John Simon ang Korean government na madaliin ang pag-reexport ng hazardous na basura na ilegal na ipinasok ng mga Koreano sa bansa kung saan lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga Filipino lalo na ang mga mamamayan ng Misamis, Oriental. Ayon kay Collector John Simon, ang Korean Ministry ay napakabagal ng kanilang pagkilos para maibalik na sa kanilang bansa ang natitirang 500 metric tons kung saan noon pang last June nagtungo sa ating bansa ang mga opisyal ng Korea at…
Read More25 PINAY NA KINULONG NG EMPLOYER
Nakatanggap ako ng video at sulat mula sa halos 25 mga Pinay na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia na nakikiusap na agad silang mapauwi dahil sila ay kinulong at halos hindi pinapakain ng kanilang employer. Ayon sa kanilang liham, sila ay nag-apply bilang mga visual merchandizer sa International resource Development Corporation na may tanggapan sa Padre Faura, Manila. Ngunit imbes na visa para sa Visual Merchandizer, ay ang ibinigay sa kanilang work visa ay para sa cleaner upang diumano ay mabilis silang makaalis ng bansa. Ayon sa kanilang sumbong, ilan…
Read MorePAGTAAS SA TRANSACTION FEES SA BANK ATMS
Gumagawa na naman ng paraan ang mga bangko para gawing gatasan at pagsamantalahan ang mga maliliit nating mga manggagawa sa kanilang patuloy na pagpapayaman sa pamamagitan ng planong pagtataas sa ipinapataw na transaction fees sa automated teller machines (ATMs) Sapul lahat tayong gumagamit ng ATMs sa planong ito ng mga bangko, subalit higit na mapupuruhan dito ang milyun-milyong minimum wage earners na tumatanggap lamang ng mababang sahod at idinadaan ng kanilang employers sa ATMs. Okey lang ito para sa mga malalaking depositors at may malaking sinasahod, pero para sa mga…
Read More