(Ikalawang bahagi) Marami pa akong positibong ala-ala sa tag-ulan bilang bata. Gaya ng gaano ko nakitang nadadalian sa paglalaba ang mga kababaihan dahil sa pagkabuhay ng mga batis. Pati ang pag-isis ng mga inuling na kaldero at kaserola ay napapadali pag kukuskusin lang siya ng tinipak na piraso ng isang klase ng medyo malambot pero magaspang na bato sabay ng mabilis na anlaw sa tubig-batis na rin. Ngunit ‘di naglaon, nang medyo naging abnormal na ang dating ng mga ulan at bagyo, tila nagkaroon ng bagong mukha ang ulan para…
Read MoreCategory: OPINYON
DIPLOMATIC PROTESTS VS CHINA, PAKIKINGGAN KAYA?
Maghaharap ng panibagong diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kontra sa China kaugnay sa tila hayagang pambabatos sa ating bansa. Kung matutuloy, ito’y pangatlo nang diplomatic protest na ihahain ng gob¬yerno ng Pilipinas laban sa China simula June ng taong kasalukuyan. Ang unang protesta ay bunsod sa umano’y pananad¬ya na banggain ng Chinese vessel ang fishing vessel ng mga mangingisdang Pinoy habang nagpapahinga ang mga ito sa isang bahagi ng Philippine Exclusive Economic zone at tinangkang lunurin ang may 22 mangingisdang sakay.…
Read MoreHAMON NG ENDO
NANanatiling malaking hamon sa administrasyon ang pagbabaklas sa Endo, ito pa nga ang ibinubutas sa pangulo ng nga kritiko. Ngunit ang katotohanan, hindi naman talaga pwedeng baklasin ito sa pangkalahatan. Sa ibang industriya ay maaaring nararapat lamang na panatilihin ito. Sa usapin ng Endo ay kinapanayam ko ang dalawang eksperto, sina Labor Arbiter Marcial Galahad T Makasiar ng National Labor Relations Commission at Atty. Pearlito Campanilla, na isa namang batikang Labor lawyer at Labor university professor. Ayon kay Arbiter Makasiar, noong panahon ni Labor Minister Blas Ople ay may industrial…
Read MoreTESDA, DEDMANG AKSYUNAN ANG PEKENG CERTIFICATE
Nagsadya ang Misyon Aksyon sa tanggapan ng TESDA upang makunan ng panig ukol sa reklamo ni Salvador Francisco ng Cainta, Rizal sa mga pekeng ipinamahaging sertipiko mula sa Guiguinto, Bulacan. Nang makausap namin ang staff ng Public Information Department, ipinasa at ipina-receive ang sulat nitong July 18, sa tanggapan ng Records Section ni Maria Michelle Genito. Makaraan ang isang linggo, nakatanggap kami ng email noong July 23 mula kay Jasmin Gomez ng Office of Directorial General (ODG) na kanilang sagot. “This is to acknowledge the receipt of your letter bearing…
Read MorePAKITANG-TAO LANG ANG ILANG METRO MAYOR
Sa kanyang ginawang State of the Nation Address ay nagpalabas ng ultimatum si Pangulong Duterte sa mga pakaang-kaang na mga pinuno ng mga lungsod sa Metro Manila na kanilang lalansagin ang illegal vendors at mga nakaparadang mga sasakyan at iba pang uri ng mga harang sa mga kalsada. Bago pa man ay naging laman ng balita itong si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa kanyang matagumpay na clearing operation laban sa illegal vendors sa kanyang nasasakupan. Nitong katapusan naman ay naglabas ng kautusan ang Department of Interior and Local Government…
Read MoreBUWAN NG WIKA
Masyado nating sineryoso ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na “ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Kaya naman kahit nagpabagu-bago ang Konstitusyon, pumirma ng mga proklamasyon ang iba’t ibang pangulo upang ipagpatuloy ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa iba’t ibang henerasyon na pinagdiriwang ngayong Agosto. Ang tema para sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino”. Kamakailan lang, nasubok ang ating pagiging isa sa wika at panitikan. Nitong nakaraan, binigyang diin ng Supreme Court ang desisyon…
Read MoreDAPAT WALANG ‘NINGAS-COGON’ SA IMBESTIGASYON NG KONGRESO SA DENGVAXIA CASE
Sana hindi maging ‘ningas-cogon’ ang plano ng Kongreso na muling buksan at palawakin ang imbestigasyon hinggil sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine upang mapanagot ang mga responsable lalo noong panahon ni ex-president Noynoy Aquino III sa pagkamatay ng maraming batang nabakunahan nito. Mismong ang House Committees on Good Government and Public Accountability at Health ay nais ma-review ang P3.5-B na kontrata ng gobyerno lalo na ng Department of Health (DOH) sa Sanofi Pasteur Inc. at Zuellig Pharma Corp. at malaman na rin kung talagang may bisa o wala ang Dengvaxia. Nirekomenda…
Read MoreOFW SA KUWAIT DINODROGA BAGO GAHASAIN?
Isang sumbong ang nakarating sa akin noong nakaraang Linggo kung saan isang domestic helper sa Kuwait ang umano ay dinodroga muna ng kanyang employer bago halinhinan na halayin ng kanyang employer kasama ang iba pa nitong kaibigan. Para sa kanyang proteksyon ay itago na lamang natin ang ating kabayani sa pangalan na “BPJ” at ayon sa sumbong na kanyang ipinadala ay na-deploy o nakarating s’ya sa bansang Kuwait sa pamamagitan ng PJV Human Resources Service Company habang ang kanyang Kuwait agency naman ay ang Ali Hamad Alenezi for Recruitment of…
Read MoreDENGUE AT ANG SUPLAY NG DUGO
Umangat na naman ang Pilipinas sa “pinaka”. Pero ang bagong balita ay nakalulungkot at nakaaalarma dahil ang Pilipinas ngayon ang may pinakamaraming kaso ng dengue sa Southeast Asia sa taong ito. Ang bilang kasi ng kaso ng dengue sa ngayon ay sumampa na sa 146,062 at nakapagtala na rin tayo ng mga pasyenteng namatay rito sa bilang na 622. Ang nakalulungkot pa rito, may area o sangay ng Philippine Red Cross (PRC) na namumroblema ngayon sa suplay ng dugo para maitulong sana para sa blood transfusion ng mga pasyente na…
Read More