HINDI pa talaga rumaratsada ang tag-ulan nagkasira-sira na ang tinatayang P500-M o kalahating bilyong pisong “slope protection project” sa kahabaan ng Sta. Rita River na tumatagos mula Brgy. Old Cabalan hanggang Brgy. Kalaklan ng Olongapo City. Tingnan Natin: ang “slope protection project” ay panlaban sa pagguho ng lupa na, bukod sa panganib sa mga kabahayang matitibag, ay panlaban din sa pagbabaw ng ilog at resulta nitong pagbaha. Binuhusan ito ng pondo at gana-gana ang mga contractor, at malamang, sina Edi – alam niyo na. Pero sa kabila nito, balahura ang…
Read MoreCategory: OPINYON
SAMU’T SARI MULA SA MALAYO
Nahirapan akong makabuo ng artikulo ngayon, marahil pagod ang katawan at isip dahil sa napakasiksik na pagkakasunod ng mga aktibidades dito sa ibayong-dagat. Ngunit hayaan ninyo lang akong ilahad ang mga natural na dumadaloy sa utak ko ngayon—walang pagtatangka na iorganisa o bigyan ito ng istruktura. Ika nga sa isang teorya sa aking disiplina, hayaang tumakbo lang ang aking “stream of consciousness.” oOo Sabi ng marami ng nagdaang pamahalaan sa bansa, bagong bayani ang overseas Filipino workers (OFWs). Sila ang nagsalba at nagsasalba pa rin sa ekonomiya. Siya nga. Sa…
Read MoreSALN NG DUQUE BROS. ILABAS KUNG WALANG ITINATAGO
Matapos ang pagsampa ng kasong plunder sa magkapatid na sina Health Secretary Francisco Duque III at Atty. Gonzalo Duque, gusto naman ng mga nagngingitngit na kamag-anak ng Dengvaxia victims na isapubliko ng mga ito ang kanilang 2001-2018 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). May lohika ang mga ito, na nagkakaroon ng tibay ng loob dahil na rin sa suporta ng Public Attorneys’ Office lalo sa pinuno nito na si Chief Percida Rueda-Acosta, dahil anila rito makikita ang patunay kung kanilang idineklara ang kanilang family-owned business na Educational and…
Read MorePAGLABAG SA KARAPATAN SA EDUKASYON ANG PAGPAPASARA NG 55 LUMAD SCHOOLS
Kamakailan ay iniutos ng Department of Education na ipasara ang 55 ‘lumad schools’ sa Davao Region, na nasa ilalim ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center o Salugpungan. Iniutos ni Davao City Department of Education Officer on Charge na si Evelyn Fetalvero ang pagpapasara ng mga paaralan ng mga Lumad matapos akusahan ni retired AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon at ngayon ay National Security Adviser at Vice Chair of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na ang Lumad schools ay hindi sumusunod…
Read MoreSEN. GO, WALA KA BANG IBANG BATAS NA IPANUNUKALA?
Hindi natin maintindihan kung saan kumukuha ng lakas at inspirasyon si Sen. Bong Go at pati iyung pagpapaliban sa Barangay at SK election na nakatakda sa 2020 ay kanyang pinagkakaabalahan? Napakaraming mga batas na dapat unahin at atupagin ng senador para ipanukala Senado nang sa gayon ay mapakinabangan ng sambayanang Filipino. Mas mahalaga pa ba sa senador ang extension of office ng mga opisyal ng barangay kaysa sa mga Filipino na nagugutom na hindi mabigyan ng ayuda ng gobyerno? Ilang mga kababayan natin ang nagugutom lalo na iyung mga nasa…
Read MoreBAGONG ALKALDE, BAGONG PAG-ASA PARA SA MAYNILA
Kasisimula pa lamang ng panunungkulan ni Mayor Isko Moreno ngunit tila nagpapasiklab na ito at nagpapakilala hindi lamang sa Maynila kundi pati sa buong bansa. Inumpisahan niya agad ang paglilinis at pagpapaluwag sa mga lansangan ng Maynila na tila ba wala nang pag-asa. Ang dating napakarumi, napakasikip, at napakaingay na Divisoria ay tila nagmukhang parke sa linis at luwang. Maaari palang maging ganoon kalinis ang Divisoria. Hindi ito himala. Ito ay kagagawan ng bagong alkalde ng Maynila. Ipinakita agad ni Mayor Isko na determinado siyang ibangon at baguhin ang hindi…
Read MorePARA-PARAAN AT TIIS-TIIS MULI
Heto na naman tayo muli sa kawalan. Mawawalan na naman kasi ng tubig at kuryente sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at ibang panig ng Luzon. Kapag ganito talaga ang problema ay paunti na rin nang paunti hangang masaid na naman ang pasenya natin sa mga kompanyang tagahatid ng mga pangunahing kailangan ng mga tao. Ang interruption sa tubig ay magsisimula sa araw na ito at tatagal ng pito hanggang 19 oras habang ang malawakang blackout ay mararamdaman ngayong linggo. Sana marami sa ating mga kababayan ngayon ang nakapag-ipon…
Read More18TH CONGRESS: MANAIG SANA ANG INTERES NG MAMAMAYAN
Parang hindi pa rin plantsado ang agawan at gapangan sa kandidato sa speakership race sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kabila na nangialam na si Pangulong Rodrigo Duterte. Akala ko ‘wagi’ na ang panukala ni Duterte na ‘term-sharing’ sa pagitan nina Taguig Cong. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco na magiging speakers para sa nalalabi pang 3 taon ng kanyang administrasyon. Parang nagkataon din ang dalawa, dahil pareho pa silang may Alan sa kanilang pangalan. Kasi sa kabila nang nasabing ‘kasunduan’ tila may humahabol pa rin sa…
Read MorePRES. DUTERTE 3-IN-1 ANG PASASALAMAT SA OFW
Mistulang naging 3-in-1 ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagsasalita sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa mga OFW na ginanap sa Camp Aguinaldo noong Biyernes. Sa simula pa lamang ng programa ay maraming OFW leaders na nananalangin na sana ay magbanggit si Pres. Duterte ng mga programa na matagal nang hinihiling ng mga OFW katulad ng Department of OFW at OFW Hospital. Kabilang sa mga ipinahayag niya ay ang mabilis na pagbuo ng mekanismo para sa pagkakaroon ng Department of OFW. Iniutos kay Department of…
Read More