Ang State of the Nation Address o SONA ay pag-uulat tungkol sa kalagayan ng ating bansa sa nagdaang taon. Ayon sa Malacañang, ibibida ng pangulo ang mga programa laban sa kahirapan, Build Build Build Program, at pagsugpo sa armed conflicts. Pag-uusapan din dito ang legislative agenda ng pangulo sa susunod na taon. Kung kaya’t malalaman din natin kung sino ang susunod na House speaker na magsusulong nito. Ngunit, kung mayroong BIDA, mayroon ding mga kontrabida. Nakaabang ang kanyang mga kritiko na babatikos sa kanyang mga polisiya at programa. Gaya na…
Read MoreCategory: OPINYON
OVERSEAS LABOR OFFICERS ACADEMY, ISUSULONG SA DOFW
Labis-labis na kagalakan ang naramdaman ng overseas Filipino workers (OFWs) matapos na ihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng Department of OFW sa loob ng taong ito. Gayundin, may OFW community leaders naman ang nababahala na kung halimbawa na maitatag na ang bagong departamento, ay baka kung sinu-sino na lang ang maitalaga para manungkulan dito. Isa sa mga ipinapahiwatig ng kilalang OFW community leaders ay dapat daw na bigyang prayoridad ang OFWs o dating OFW para manungkulan bilang labor attache, assistant labor attache, welfare officers at maging assistant…
Read MoreSI NCRPO CHIEF GEN. ELEAZAR AT MM MAYORS
Tama lang ang ginagawa ni National Capital Region Police Office director PMajGen Guillermo T. Eleazar na isa-isang puntahan at kausapin ang mga bagong halal na alkalde ng 16 na lungsod at nag-iisang munisipalidad sa Metro Manila. Malaking bagay ang kanyang inisyatiba na tiyak na magiging paborable sa district directors at police station chiefs dahil mas makasisiguro sila ng todong suporta sa local chief executives na obviously ay mga excited na makadaupang-palad itong si PGen Eleazar na batid nilang walang kapaguran sa pagtatrabaho, maghapon at magdamag. Kilala ng marami itong si…
Read MoreTULONG SA MGA ESTUDYANTE, TULONG SA BAYAN
Maganda itong isinusulong na panukalang batas ni Senator Sonny Angara para sa kapakanan ng mahihirap na mga estudyante ng bansa. Ang Senate Bill No. 132 o ang proposed Underprivileged Student’s Discount Act of 2019 ay naglalayong matulungan ang mahihirap na mga magulang para maging malawak pa ang oportunidad ng kanilang mga anak na estudyante na makapag-aral nang maayos. Kapag tuluyang maging batas ito ay tunay na magko-compliment ito mismo sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ang Free College Law. Malaking kaagapay ito ng marami nating kababayang mahihirap…
Read MoreSALUDO KAMI SA SUPORTA NI MAYOR VICO SA ZAGU WORKERS
Nakatutuwang balita na ang bagong mayor ng Pasig City na si Vico Sotto ay nagpakita ng kanyang pagsuporta sa mga naka-strike na manggagawa ng Zagu. Ang mga manggagawang nabanggit ay nakapiket dahil sa kontraktwalisasyon na isinasagawa ng kompanyang ito. Saludo ang mga kinatawan ng Bayan Muna, kabilang sina Rep. Ferdie Gaite at Eufemia Cullamant sa pagkilala ni Mayor Vico sa karapatan ng manggagawa. Bihira ang mga lokal na opisyal na magpakita ng pagkilala at pagsuporta sa mga nakikibakang manggagawa para sa kanilang karapatan. Saludo kami sa iyo! Dapat tularan ng…
Read MoreHINDI DAPAT MABAHALA SA UNHRC RESOLUTION
Kung si dating presidential spokesperson Harry Roque ang tatanungin, hindi dapat mabahala ang pamahalaan sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nagpapaimbestiga sa naging kondukta ng drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Toothless tiger” ang deskripsyon ng international law expert na si Atty. Roque sa UNHRC dahil isang “shaming mechanism” lang ang mga resolusyon nito at hindi naman kayang ipatupad ito nang walang pagsang-ayon ang mga bansa na subject ng human rights inquiry gaya ng Pilipinas. Sa saligan, ang naturang resolusyon ng UNHRC ay manipesto lang ng 18 bansa na…
Read MoreBUHAY PINOY
Nasa $2.6 billion ang naitalang remittance ng overseas Filipino workers para nitong nakaraang buwan ng Mayo. Mayaman ang Pilipinas sa remittance na hinihigop naman ng mga multi-bilyonaryong negosyante sa bansa. Pero kung pamimiliin ang OFWs kung mayroon lamang ding trabahong makasasapat sa pangangailangan at makatutustos sa mga pangarap nila rito sa bansa ay pihadong mas gugustuhin nila rito. Ating busisiing bahagya kung bakit umabot na salat sa trabaho sa mahal nating bansa na nagtutulak sa ating mga kababayan na makipagsapalaran sa ibayong dagat, kung bakit nasa 50% ng ating mga…
Read MoreMGA ABOGADO NG MGA PETITIONER SA WRIT OF KALIKASAN LABAN SA DENR ET AL, PUMALPAK
Hayan kasi hindi pulido ang pagkagawa ng rekisitos nabutata tuloy sa kanilang laban sa Kataas-taasang Hukuman. At baka kastiguhin pa ng Kataas-taasang Hukuman itong si Atty. Jose Ferdinand Diokno at itong si Atty. Adrien Palacios bilang kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines dahil sa mistulang panloloko nila sa korte ng palabasin nila na ang lahat na nakapirmang mangingisda sa petisyon ng abogado et al vs Department of Environment and Natural Resources (DENR) et al ay kanilang nakapanayam at alam ang naturang petisyon gayung hindi naman pala. Lumabas kasi sa…
Read MoreBAWAL NA ANG MGA MANYAKIS AT BASTOS SA TRABAHO AT INTERNET
Bilang na ang araw ng mga manyakis at bastos na mga lalaki hindi lamang sa lugar ng trabaho o opisina kundi maging sa malawak na “cyberspace” kung saan nagaganap ang maraming pambabastos sa mga kababaihan. Ito’y matapos maging ganap na batas ang Republic Act 11313 na kilala rin sa tawag na “Safe Spaces Act” na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon pang Abril 17 pero nitong Lunes lamang inilabas ng Malacañang. Kilala rin ang RA 11313 bilang “Bawal Bastos” Law na nagpapataw na ng parusa sa sinumang gagawa ng “catcalling”…
Read More