Matagal nang binabato ng putik ang mga kinatawan sa Kongreso mula sa Makabayan ukol sa pagiging rebeldeng komunista umano ng mga ito, at hindi na bago ang hamon ni General Antonio Parlade ng isang debate. Ilang beses nang napatunayan sa mga korte na hindi totoo at walang batayan ang akusasyon na ang Bayan Muna at iba pang mga progresibong partido sa ilalim ng Makabayan ay mga rebelde na nais pabagsakin ang gobyerno. Kung ating maaalala noong 2006, kinasuhan ng rebelyon ang mga kinatawan ng Makabayan sa Kongreso ngunit ito ay…
Read MoreCategory: OPINYON
PROBLEMA NG PAMAHALAAN ANG MGA WATER CONCESSIONAIRES
Noong Marso ay umani ng batikos ang Manila Water Company Inc. na pag-aari ng mga Ayala dahil sa kakulangan ng supply ng tubig sa mga sakop nitong lugar sa Eastern zone ng Metro Manila kabilang na ang ilang siyudad at bayan sa lalawigan ng Rizal. Kung hindi pa ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam sa Bulacan ay sobrang hirap sana ang dinanas ng mga nakatira sa Eastern at Southern Metro Manila dahil sa palpak na serbisyo ng Manila Water. Ngayon naman ay pinoproblema…
Read MoreMAS PINAUNLAD NA ATIMONAN
Hindi maitatanggi ang kabutihang dulot sa ekonomiya ng isang probinsya o siyudad kapag ang mga industriya nito – agrikultura at industriyal ay parehong namamayagpag. Ito ay isang malinaw na senyales ng pag-angat ng antas ng kabuhayan at ng kaunlaran sa nasabing lugar. Ang mga epekto ng pag-unlad ng iba’t ibang industriya sa isang lugar ay nagkakaroon ng kabit-kabit na positibong epekto sa mga residente nito at sa lokal na ekonomiya. Ang pag-unlad ng agrikultura sa isang probinsya ay nangangahulugan na tataas ang produksyon ng mga produktong pang-agrikultura. Ang mga ito…
Read MorePITONG ULO
Ang unang ulo ng demonyo ay ang kahirapan at kagutuman, nagpapahirap sa mamamayan, nang-aalipin sa kanilang mga katawan at kaluluwa. Mailap ang saya, malapit masyado ang suliranin, hinahamak ang dignidad, tinatawanan ang katuwiran. Ang bansa ay parang isang ibon na inilagay sa isang hawla, isang sistema na inimbento ng mga nangolonisa at ipinagpatuloy ng oligarkiya upang magpatuloy ang paghahari at masiguradong mapapalamon nito ang sariling pagkaganid magpa-walang-hanggan. Sinisigurado ng sistema na gutom ang tao, na mananatiling sadsad at nahihintakutang nagpupugay sa oligarkiya. Ang ikalawang ulo ng demonyo ay ang pambansang…
Read MoreMAY PAGKAKAIBA BA ANG COLORED PLASTIC BAG AT PLASTIC LABO?
Ano ang pagkakaiba ng mga colored plastic bag at supot kaysa plastik labo na karaniwang ginagamit natin bilang pambalot ng pagkain, paninda at iba pang paggagamitan nito. Ang katanungang ito ay nabuo sa isip natin dala na rin sa nakikita nating mga nagkalat at naglilipanang gamit ng mga plastik labo sa mga basurahan, lansangan, sa daluyan ng mga tubig at sa kung saan-saan na nadadaanan natin na dati ang nakikita natin ay may iba’t ibang kulay na plastik. Kung matatandaan na taong 2012 kauna-unahang nagpasa ng ordinansa ang Muntinlupa City…
Read MoreHUWAG NA SANANG BUMALIK ANG M/V EMERALD
Mabuti naman kung hindi na matutuloy ang dredging project sa Lobo, Batangas at hinarang na ito ng lokal na pamahalaan doon. Ito kasi ang pinakahuling ulat sa ngayon na alam natin, na kahit paano ay lulusaw sa pangamba ng mga residente ng Lobo. Kahit papaano ay makakahinga na ang mamamayan ng Lobo at may kapanatagan na rin ang bansa. Gayunman, dapat alerto at nakahanda pa rin tayo sa anumang puwedeng mangyari dahil maaaring bumalik ang foreign dredging vessel na M/V Emerald at magpatuloy ito sa kanilang layunin. Nilisan ng dredging vessel ang naturang lugar…
Read MoreITULOY ANG CENTRALIZED TERMINAL SYSTEM SA MGA PROVINCIAL BUS
Pabor tayo sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na maglagay na lang ng common terminal sa bawat dulo ng Kamaynilaan para sa ating mga provincial bus. Ito naman kasi ang nararapat na sistema dahil talaga namang perwisyo ang dulot ng mga ito lalo na kapag humihimpil sa kanilang sariling terminal. Halos araw-araw ay umiinit ang aking bumbunan dahil sa mga provincial bus na may mga terminal sa bandang Taft Avenue malapit sa Buendia dahil pati kalsada ay inaangkin na nila at tinatambayan. Ang resulta ay napakatinding traffic samantalang…
Read MoreBILYONG TUBO SA TUBIG MULA SA TUYONG GRIPO
Nagulat ang marami nang mag-anunsyo kamakailan ang magkapatid na bilyonaryo na sina Jaime Augusto at Fernando Zobel de Ayala na inaako nila ang kasalanan sa naging pahirap na water shortage sa milyun-milyong residente ng Metro Manila nitong nakaraang buwan at bilang parusa ay inililibre nila ang bayad sa tubig doon sa mga lugar na tinamaan ng total cut-off. Isa ako sa mga hindi magbabayad ng water bill sa buwan ng Marso dahil isang oras kada araw sa loob ng dalawang linggo lang ang aming water supply sa Mandaluyong. Pero sa…
Read MoreLUPA NA IPINAMANA NAGLAHONG PARANG BULA!
Misyon Aksyon, nais ko pong idulog sa inyo ang problema ng aming pamilya sa lupa mula sa aking mga ninuno. Nang mabili po ng lola ko ang property ay hindi nagawang mailipat sa pangalan niya. Sa halip ay ipinagkatiwala namin sa aming abogado ngunit wala pong nagawa. Ngayon ay ayaw na pong ibalik sa amin ang titulo sa pinagtiwalaan namin. Ang mga katanungan ko po ay kung mayroon po bang prescribed period ang pagpaparehistro ng lupa mula nang ito ay nabili at pagsasampa ng kaso? Ang masakit po nito, nang…
Read More