SENADO BUBUWAGIN SA BAGONG KONSTITUSYON

DPA ni BERNARD TAGUINOD KUMAKALAT ngayon sa social media ang draft ng bagong Saligang Batas na tuluyang bubuwag sa Senado dahil magiging unicameral ang sistemang isinusulong ng mga nasa likod ng pag-amyenda sa 1987 Constitution. Sa ilalim ng bagong saligang batas, Parliament na ang gagawa ng batas kung saan ang mga miyembro nito ay ihahalal sa 254 parliamentary districts na ngayon ay tinatawag nating congressional district. Hindi na sila tatawaging congressmen kundi MP as in Members of the Parliament. Magkakaroon pa rin ng 76 sectoral representatives na tulad ng party-list…

Read More

THESIS SA PRESYONG LIMANG LIBO

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAINGAY ang usapan online lalo na sa X tungkol sa isang content creator na tinatawag ang sarili niysang “Your Thesis Bestie.” Hayagan niyang sinabi na nag-aalok siya ng serbisyo para gumawa ng thesis. Kapalit ng limang libong piso, ginagamit niya ang ChatGPT para buuin ang mga research paper ng mga estudyante. May mga video pa siyang ipinakikita kung paano niya ito ginagawa. May mga natawa, marami ang nagalit, at karamihan ay nagsabing hindi ito tama. Sumasang-ayon ako roon. Ipinagmamalaki rin niya na siya ay…

Read More

DPWH DIST. ENGR. NA NAHULI SA ENTRAPMENT GAGAWING STATE WITNESS

PUNA ni JOEL O. AMONGO NANINIWALA si Batangas 1st District Congressman Leandro Leviste na may mas mataas pa na gumagamit kay Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st District Engineer Abelardo Calalo kaya nagawa nitong tangkain siyang suhulan kamakailan sa Taal, Batangas. Bunsod nito, gusto ni Cong. Leviste na maging state witness si Engineer Calalo para ituro nito ang malalaking isda na nasa likod ng maanomalyang flood control projects sa 1st District ng Batangas. Ayon sa mambabatas, sinabi ni Engineer Calalo na ang ibibigay sanang P3.1 milyong suhol sa…

Read More

KORAPSYON! KORAPSYON! (Gasgas na Ingay)

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MULI na namang nag-aapoy na isyu ang korapsyon sa ating gobyerno. Bibigyang-diin ko ang “muli” dahil hindi lang ngayon nangyari ang mga napabalitang eskandalo at anomalya kaugnay sa dekwatan sa pondo ng pamahalaan. Paulit-ulit na lang ang mga balita tungkol dito. Lumalabas na bahagi na ng ating kultura ang nakawan sa gobyerno. At ngayon, kakabit na ring ibinibilad sa publiko ang mga ebidensya ng nakasusukang kayamanan ng mga korap na opisyales at tauhan ng estado pati na rin ang kanilang mga kasabwat sa…

Read More

BAKIT NASIBAK SA PWESTO SI PNP CHIEF GEN. NICOLAS TORRE III?

RAPIDO ni PATRICK TULFO MARAMI ang nagulat sa biglaang pagsibak kay Gen. Nicolas Torre III bilang PNP chief, ultimo yatang si Gen. Torre ay hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kumalat sa hanay ng mga mamamahayag ang balitang ito kahapon ng umaga, kasama ang sulat kay Torre hinggil sa kanyang relief order at maging ang pagkakatalaga sa kapalit nito sa puwesto na si Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Naging maikli ang naging panunungkulan ni Gen. Torre na tumagal lamang ng halos tatlong buwan. Sayang, may maganda pa namang mga…

Read More

MGA KATIWALIAN SA BAYAN NI MANG JUAN, TULDUKAN NA, ORA MISMO!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA KAILANMAN ay hindi natin kinukunsinti ang mga maling gawain ng mga buwayang traffic enforcer sa kalsada, nariyan na bigla na lang sisitahin at pahihintuin ang mga sasakyan — na nagiging sanhi ng masikip na trapiko — para sa mga paglabag na walang dahilan, kundi ang nais lamang ay makagawa ng paraan para mapuwersa ang isang tsuper na mag-alok ng suhol o lagay. Sa kabila ng ilang insidenteng napanood pa sa telebisyon at naiulat sa radyo at pahayagan ang ilang huli-sa-aktong pangongotong, hindi pa rin…

Read More

KAMPANYA LABAN SA KRIMINALIDAD, MAS PINALALAKAS NG QUEZON PNP

TARGET ni KA REX CAYANONG MALINAW na isang mahalagang tagumpay laban sa kriminalidad ang nakamit ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) matapos ma-neutralize ang dalawang notoryus na gun-for-hire sa isang operasyon sa Calauag, Quezon kamakailan. Sa pamamagitan ng buy-bust operation, nagkaroon ng habulan at palitan ng putok na humantong sa pagkamatay ng mga suspek. Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng mabilis at epektibong aksyon ng kapulisan upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko. Hindi basta-bastang kaso ang kinahaharap ng mga suspek. Lumalabas sa imbestigasyon na sila ay sangkot sa pitong kaso…

Read More

MAS GUMALING ANG MGA BUWAYA

DPA ni BERNARD TAGUINOD AKALA ng marami noong mabuko ang pork barrel scam, na matitigil na ang katiwalian na kinasasangkutan ng mga mambabatas at matuto na ang mga nangongontrata sa gobyerno noong makasuhan at masentensyahan si Janet Napoles. Pero mas lalong gumaling pa pala ang corrupt politicians at mga kontratista dahil ‘yung pork barrel na nagpayaman kay Napoles at mga kasabwat niyang mga kongresista at senador ay barya pala kumpara sa kinikita nila sa flood control projects. Mantakin n’yo ha, P10 billion lamang ang pork barrel scam na kinasangkutan ni…

Read More

PNP 911 EMERGENCY HOTLINE PINALAKAS

PUNA ni JOEL O. AMONGO MALAKING tulong ang ginawa ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapalakas at pagpapalawak ng “DIAL 911 EMERGENCY HOTLINE” nila sa paglaban sa kriminalidad sa buong bansa. Noong nakaraang Huwebes, Agosto 21, 2025, ipinakita ni PNP Command Center (PCC) chief, Colonel Ramon Pranada sa mga kagawad ng media ang opisina kung saan naroon ang “DIAL 911 EMERGENCY HOTLINE” sa Philippine National Police National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City. Nasaksihan natin kung gaano ka-epektibo ang emergency hotline na ito ng Pambansang Pulisya, dahil may direktang kontak…

Read More