KALAMIDAD NA ANG NAGPAPATUNAY, NAKAMAMATAY ANG KORUPSYON

PUNA ni JOEL O. AMONGO KALAMIDAD na mismo ang nagpapakita o nagpapaalala na dapat tigilan ng mga nasa gobyerno ang kanilang pagsalaula sa kalikasan at pagnanakaw sa kaban ng bayan. Iba ang ganti ng kalikasan, walang makapipigil at walang magagawa ang mga tao, pero maaaring maibsan ang tama nito depende sa mga tao rin. Tulad ng pananalasa ng Bagyong Tino nitong nakaraan, sa komunidad na mismo ng Cebu City dumaloy ang tubig-baha na may dalang naglalakihang mga bato, punong kahoy at iba pa na humambalang sa gitna ng nasabing siyudad…

Read More

AMA SALAMAT NA PINAHINA MO ANG BAGYONG UWAN

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS PINASASALAMATAN natin ang Amang nasa langit na bagama’t napakalawak at napakalakas ng Bagyong Uwan ay walang masyadong nagbuwis ng buhay sa ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar na sinalanta nito. Sana ay hindi na madagdagan pa ang naiulat ng Office of Civil Defense (OCD) na dalawa katao lang ang nagbuwis ng buhay sa pananalasa ng Bagyong Uwan sa nakalipas na mga oras. Kung pagbabasehan natin ang reports ng weather agencies ng bansa, ang lawak ng sakop ng Bagyong Uwan ay mula Surigao sa…

Read More

PAGWASAK SA KALIKASAN, PAGWASAK SA BUHAY

EDITORIAL  TUWING may bagyong dumaraan sa Pilipinas, pare-pareho ang balita — mga bahay na nilulubog ng baha, mga bundok na gumuho, at mga pamilyang nawawalan ng tahanan sa isang iglap. Ngunit sa likod ng mga trahedyang ito, may mas malalim na dahilan: ang unti-unting pagkasira ng ating kalikasan dahil sa sobrang pagku-quarry at pagkakalbo ng kagubatan. Ang mga pagbaha ay hindi lamang likha ng kalikasan, kundi bunga rin ng kasakiman ng tao. Sa iba’t ibang lalawigan, ang mga bundok na dating luntian ay ngayo’y kalbo at sugatan. Kinayod ng quarrying…

Read More

APEKTADO NA EKONOMIYA SA TALAMAK NA KATIWALIAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO BUMAGAL ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa 4% nitong third quarter ng taon. Ito ang pinakamababang lebel sa loob ng higit isang dekada kung hindi isasama ang panahon ng pandemya. Ayan, isa raw sa dahilan ang korupsyon sa flood control projects at ang epekto ng mga kalamidad. Naku, hindi pa mawawala ang isyu ng eskandalo ng korupsyon kaya malabong makamit pa ang paglago ng ekonomiya sa 5.5 hanggang 6.5 porsyento ngayong taon. Dahil lugmok ang ibang nasalanta ng mga kalamidad ay rerendahan din nila ang…

Read More

TULONG NA WALANG PATID AT SERBISYONG ABOT-KAMAY MULA SA PCSO

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malinaw na patunay ng tunay na malasakit ng pamahalaan sa mga Pilipino ang pakikiisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa programang Lab for All sa Tanza, Cavite nitong Nobyembre 4. Sa pangunguna nina PCSO General Manager Mel Robles at Chairman Felix Reyes, kasama sina Directors Jennifer Guevara at Janet Mercado, mahigit 1,500 Charitimba ang naipamahagi. Isa itong konkretong tulong para sa mga pamilyang nangangailangan ng kaagapay sa kalusugan at pang-araw-araw na buhay. Hindi lingid sa publiko ang malaking layunin ng Lab for All,…

Read More

DEPORTEES NG BI, HOLDAP MUNA BAGO DEPORT?

BISTADOR ni RUDY SIM SA pagtatapos ng APEC Summit na dinaluhan ng iba’t ibang lider ng bansa ay naging usap-usapan sa social media ang tila paglabag sa protocol ni PBBM upang makamayan si Chinese President Xi Jinping. Gayunpaman ayon sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay pinilit nitong lapitan ang lider ng Tsina upang magpakita ng magandang ugnayan ng dalawang bansa kahit na mayroong hidwaan sa West Philippine Sea. Matatandaang naging laman ng SONA ni PBBM kamakailan, ang pag-ban sa lahat ng Chinese nationals sa bansa na involved sa POGO, kung…

Read More

UPDATE SA MAKATI EXPRESS, TAG, ACCE AT CARGOPLUS

RAPIDO ni PATRICK TULFO PATULOY po ang dagsa ng mga mensaheng aming natatanggap mula sa mga kababayan natin na nabiktima ng Makati Express Cargo, at sa pinakahuling panayam natin kay Asst. Comm. at tagapagsalita ng Bureau of Customs, sinabi nito na target nilang mailabas ang unang batch ng mga container ng Makati Express Cargo ngayong Disyembre. Muli rin namin itinanong kay Atty. Maronilla, ang suspensyon ng akreditasyon ng naturang cargo company, at kinumpirma nito na suspendido ang Makati Express Cargo ng animnapung araw (60) dahil sa pag-abandona ng 90 containers…

Read More

MABIGAT NA PASOK NG NOBYEMBRE AT KWENTONG BUWAYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang Oktubre — buwan ng lindol, baha, at eskandalo. Ilang ulit tayong niyugyog ng kalikasan, pero mas malakas pa rin ang pagyanig ng mga katiwalian sa flood control projects na hanggang ngayon ay bumabayo sa tiwala ng taumbayan. Nobyembre na. Lapit na ng Pasko, pero parang ang himig ng buwan ay hindi “Jingle Bells” kundi “Dagdag Presyo Na Naman.” Kahit hindi pa dumarating ang kasiyahan ng Kapaskuhan, marami na ang humihinga nang malalim sa bigat ng gastusin at pagod sa araw-araw. Tapos na ang…

Read More

MAY SAKIT NA OFW HUMIHINGI NG TULONG PARA MAKAUWI

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP  ISANG panawagan ng tulong ang ipinaaabot ng pamilya ni Delia Siacor, isang overseas Filipino worker (OFW) na kasalukuyang nagtatrabaho bilang domestic helper sa bansang Bahrain, makaraang lumala ang kanyang almoranas (hemorrhoids) na nagdudulot ng labis na kirot at hirap sa paggalaw. Ayon sa impormasyon na ibinahagi ng kanyang hipag na si Evangeline Secang Siacor ng Sitio Elnama, Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato, si Delia ay nahihirapang umupo, maglakad, at dumumi, at sa ngayon ay dumudugo tuwing dumudumi dahil sa lumalalang kondisyon. Nais na…

Read More