Sa gitna ng gun ban 2 PATAY SA PAMAMARIL SA MAGUINDANAO DEL NORTE

MAS pinaigting ng pulisya ang kanilang police visibility sa bahagi ng Maguindanao del Norte kasunod ng dalawang kaso ng pamamaril-patay sa gitna ng umiiral na total gun ban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao noong Lunes ng gabi. Ayon kay Datu Odin Sinsuat Police Office chief, Lt. Col. Esmael Madin, “Police investigators are still working to determine the motives and identities of the attackers involved in the two incidents, but initial information gathered indicated the attacks were related to illegal drugs.” Ito ang inisyal na nakikitang motibo ng mga…

Read More

PASLIT, BINATILYO NALUNOD SA ILOG

RIZAL – Isang 4-anyos na lalaking paslit at isang binatilyo ang iniulat na nalunod sa ilog sa magkahiwalay na insidente sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan noong Agosto 17, 2025. Ayon sa ulat, bandang alas-10 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang Tactical Operations Center mula sa Casimiro Ynares Hospital kaugnay sa insidente ng pagkalunod ng isang 4-anyos na lalaki. Sa isinagawang imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, bandang alas-11:30 ng umaga nang magkayayaan umano na maligo ang biktimang si Jude Ethan Solina at dalawa pang ‘di pinangalanang kalaro. Ayon…

Read More

SULU MOST WANTED PATAY, 4 SUNDALO SUGATAN SA GRANADA

SULU – Napatay ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang tinaguriang most wanted person ng Sulu kasunod ng engkuwentro nitong nakalipas na linggo na ikinasugat din ng apat na sundalo sa Barangay Kapok Punggol, bayan ng Maimbung ng nasabing lalawigan. Kinilala ang napaslang na notorious lawless element na si Alganer Dahim alyas “Wangbu,” ikalawa sa most wanted persons sa lalawigan, matapos ang operasyon ng militar at pulisya. Samantala, may apat na sundalo mula sa 41st Infantry Battalion ang nasugatan sa pagsabog ng granada na inihagis ng suspek kaya…

Read More

HALOS 10K PULIS IPAKAKALAT SA BARMM ELECTION SA OKTUBRE

MAGPAPAKALAT ng 9,731 tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao parliamentary elections. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief P/Gen. Nicolas Torre III, ang nasabing bilang ng deployment ay para sa parliamentary elections na gaganapin sa Oktubre 13, upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa rehiyon. Nagpatupad na rin ng gun ban ang COMELEC sa rehiyon ng BARMM na nagsimula noong Agosto 14 at magtatapos sa Oktubre 25. Naniniwala si Torre na magiging matagumpay ang isasagawang eleksyon sa BARMM. (TOTO…

Read More

DPWH, MMDA PINAEETSAPWERA SA FLOOD CONTROL PROJECTS

SA gitna ng mga anomalya sa flood control projects, nais ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tanggalin sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang responsibilidad sa nasabing proyekto. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 3107 na inakda ni Surigao del Norte Rep. Bernadette Barbers para sa pagbuo ng National Flood Control Authority o NFCA na siyang mangangasiwa sa lahat ng flood control projects. Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil sa kabila ng trilyong piso na ginastos sa flood…

Read More

MURDER SUSPECT SUMUKO SA NBI

ZAMBALES – Sumuko sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan District Office, ang isang most wanted person sa bayan ng San Antonio, sa lalawigan. Kinilala ni NBi Director Jaime B. Santiago ang sumuko na si alyas “Chot”, nasa hustong gulang, may kasong murder at frustrated murder. Ayon sa ulat ng NBI-DADO, noong Agosto 5 ay nakatanggap sila ng “surrender feeler” mula sa kampo ng suspek kaya kinabukasan ay agad nagtungo sa lugar ang mga awtoridad. Kasama ang isang kaibigan, nakipagkita ang suspek sa mga awtoridad sa dalampasigan sa…

Read More

STORE CREW ‘NILAMON’ NG TALON SA CAVITE

CAVITE – Patuloy na pinaghahanap ang isang 26-anyos na store crew ng isang convenience store, na hinihinalang nalunod nang maligo kasama ang ilang kaibigan sa isang talon sa bayan ng Maragondon sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Nakipag-ugnayan na ang Maragondon Municipal Police Station sa Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang nawawalang biktimang si Annbert Dimaapi y Cortez, 26, binata, residente ng Brgy. Mabato, Maragondon, Cavite. Nabatid sa ulat, bandang alas-3:50 ng hapon, nagtungo ang biktima at ilang kaibigan sa Ragatan falls, sa Brgy. Mabato, Maragondon, Cavite upang maligo.…

Read More

LASING NA LOLO NA-TRAP SA SUNOG, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 70-anyos na lolo nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay dahil sa kalasingan sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Eduard” ng Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-12:38 ng madaling araw nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Ramirez compound, Brgy. Buhay na Tubig, at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay. Tinatayang 19 na pamilya ang nawalan ng tirahan na kinabibilangan ng 55 na indibidwal at isang casualty. Base sa report, lasing…

Read More

DRIVER SUGATAN SA KARAMBOLA NG 2 TRUCK AT BUS

QUEZON – Nasugatan ang isang driver ng truck matapos na ang minamaneho nito at ang isa pang bus ay maatrasan ng kanilang sinusundang isa namang cargo crane truck sa Quirino highway, Brgy. San Francisco, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigan noong Huwebes ng umaga. Ayon sa report ng Tagkawayan Police, nangyari ang insidente dakong alas-4:15 ng umaga habang ang isang cargo crane truck na minamaneho ni Michael Balisi, 43, ay bumabaybay sa paakyat na kurbadang bahagi ng kalsada patungong Bicol. Kinapos umano ang makina ng truck at bigla na lang…

Read More