LAGUNA – Walong mga nakaw na motorsiklo ang nabawi matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang lugar sa Barangay Looc, Calamba City, na ginagawang bagsakan ng nasabing nakaw na mga sasakyan noong Huwebes ng hapon. Arestado rin sa operasyon ang dalawang suspek na kinilalang sina “Mark”, 21, at “Ay-R”, 25, kapwa residente ng Brgy. Looc, Calamba City. Ang operasyon ay bunga ng impormasyong ibinunyag din ng mga suspek, na ang nasabing lokasyon ay ginagawang dismantling area o chop-chop area ng mga nakaw na motorsiklo. Nagsimula ang intelligence-driven operation noong Martes, Agosto 12, ng mga tauhan Calamba City…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
BEBOT DINAMPOT, 5 BATA NASAGIP SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION
BULACAN – Arestado sa mga tauhan ng NBI-Violence Against Women and Children Division (NBI-VAWCD) ang isang babae sa kasong online sexual exploitation sa mga bata sa bayan ng Marilao sa lalawigan. Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, kinilala ang suspek na si alyas “Tisay”, inaresto sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9208 as amended by R.A. No. 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022), R.A. No. 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM), at R.A. No. 7610…
Read MoreSAKO-SAKONG SHABU LUMUTANG SA BATAAN
INIIMBESTIGAHAN ng pamunuan ng Philippine National Police ang sako-sakong shabu na natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Bataan. Inihayag ni Central Luzon Police Regional Director, BGen. Rogelio Penones Jr., ipinag-utos niya ang pagsisiyasat at pagmamanman matapos na may naglutangan na namanng mga shabu sa dagat. Nabatid na natagpuan ng isang residente ang anim na sako na naglalaman ng hinihinalang shabu sa karagatan, malapit sa isang lighthouse sa Barangay Sisiman, Mariveles. Sa pagresponde ng mga pulis, agad nagsagawa ng inventory ang mga ito sa nilalaman ng mga sako. Lumabas na aabot…
Read MoreDRUG DEN OPERATOR, 5 PA ARESTADO
PAMPANGA – Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency isang drug den operator at limang iba pa, sa ikinasang anti-narcotics operation sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao sa lalawigan. Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General, Undersecretary Isagani Nerez, bandang alas-3:40 ng hapon noong Miyerkoles, naglunsad ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PDEA – Pampanga Provincial Office sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Lubao. Sa operasyong ito ay nahuli si alyas Nono, 53, na siyang nangangasiwa umano sa sinalakay na drug den; kasama…
Read MoreSa BARM Parliamentary election COMELEC ‘DI PA NAGDEDEKLARA NG ELECTION HOTSPOTS
HINDI pa nagdedeklara ang Commission on Elections (Comelec) ng anomang lugar sa Bangsamoro bilang election hotspots. Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang pahayag sa nagpapatuloy na preparasyon nito para sa kauna-unahang BARMM elections kung saan naglatag na ng checkpoints at nakikipag-ugnayan sa pulisya at militar upang masiguro na ligtas ang publiko sa panahon ng kampanya. Sinabi pa ni Garcia, tatawag ng isang ‘extremely urgent’ meeting kasama ang pitong accredited na Bangsamoro regional parties at election watchdogs, sa susunod na linggo upang talakayin ang “none of the above” option sa…
Read More160 menor de edad nasagip KANONG PASTOR ARESTADO SA CHILD ABUSE
PAMPANGA – Isang American national na pastor ang inaresto sa umano’y child abuse na inihain sa kanya kasunod ng pagkakaligtas sa 160 menor de edad nitong Huwebes ng hapon sa Pandacaqui sa bayan Mexico sa lalawigan. Kinilala ni PLt. Col. Pear Joy Gollayan, hepe ng Mexico Police Station, ang inarestong pastor na si Jeremy Ferguson, American national, 48, may asawa, Founder ng New Life Baptist Church na nakabase sa nasabing lugar. Sa paunang imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng hapon, nagsagawa ng operasyon ang Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Mexico…
Read MoreE-SABONG TALAMAK SA OBET CAYETANO FARM SA BRGY PULONG BAYABAS, SAN MIGUEL, BULACAN
BULACAN – Nanawagan ang netizens sa lalawigang ito na linisin ng kapulisan ang talamak na online gambling, partikular ang kilalang online sabong na umano’y sumisira sa maraming pamilya, maging mga batang mag-aaral. Ang panawagan ay ipinaaabot nila kay DILG Secretary Jonvic Remulla at kay PNP Chief Nicolas Torre at sa Cybercrime Investigations and Coordination Center na sinasabing nangunguna sa kampanya ng gobyerno para puksain ang mga illegal online platforms. Itinuturo ng isang opisyal ng Kapitolyo rito na ang lugar na pinagdarausan umano ng ilegal na sabong sa internet ay isang…
Read MoreMakaraang manaksak ng 3 biktima NANG-HOSTAGE NG MENOR DE EDAD ARESTADO
BULACAN – Kalaboso ang isang lalaki makaraang manaksak ng tatlo katao at mang-hostage ng isang menor de edad nitong Miyerkoles ng madaling araw sa bayan ng Baliwag sa lalawigan. Batay sa ulat ng Baliwag City Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap kaugnay sa nangyaring hostage-taking dakong ala-1:40 ng madaling araw sa Baliwag Public Market. Kaagad namang nagresponde ang mga tauhan ng Baliwag City Police Station sa loob ng tatlong minuto at nakipagnegosasyon sa suspek subalit tumanggi itong sumuko. Nang makakuha ng pagkakataon si PMSg. Francis Damia, dinamba nito ang…
Read MoreOBRERO PATAY SA RETIRADONG NAVY
CAVITE – Patay ang isang construction worker nang pagbabarilin ng isang retiradong miyembro ng Philippine Navy matapos magtalo habang nag-iinuman sa Brgy. Lapitario, Trece Martires City sa lalawigan noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Marlon Pareja Velaso, 47, ng Brgy. Lapidario, Trece Martires City, Cavite. Samantala, hawak na ng pulisya ang suspek na kinilalang si alyas “Ric”, 59, tubong Occidental Mindoro at residente ng Brgy. Lapidario, Trece Martires City, nahaharap sa kasong murder. Ayon sa ulat, bandang alas-2:40 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Lapidario habang…
Read More