ILLEGAL POGO HUB NALANSAG NG NBI XI, 8 DAYUHAN ARESTADO

DAVAO CITY – Bilang pagtalima sa utos ni NBI Director Jaime Santiago na lansagin ang lahat ng nalalabing Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa at criminal networks nito, ipinasara ng National Bureau of Investigation – Southeastern Mindanao Regional Office (NBI SEMRO XI), sa ilalim ng liderato ni Regional Director Atty. Arcelito C. Albao, ang illegal POGO hub na nag-ooperate sa isang residential property sa Davao City. Isinagawa ang operasyon makaraang magreklamo ang isang residente hinggil sa kahina-hinalang aktibidad na nangyayari sa loob ng isang bahay sa Gardenia Street, Montclair…

Read More

VAULT NG CONVENIENCE STORE NILIMAS NG KAWATAN

CAVITE – Uminom muna ng tsokolate saka nilimas ang laman ng vault ng isang lalaki na nanloob sa isang kilalang convenience store sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, itim na short at yellow t-shirt at nakasuot ng face mask. Ayon kay Nocon Inique, 31, store crew ng convenience store sa Marsiela Road, Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite dakong alas-7:00 ng umaga nang natuklasan nito ang panloloob sa tindahan nang napansin nito ang ilang bote ng tsokolate…

Read More

TIRADOR NG MOTOR NAHULI NANG MAAKSIDENTE

NAHULI ng mga awtoridad ang isang babaeng nagnakaw ng motorsiklo sa lalawigan ng Quezon matapos maaksidente sa Sto. Tomas City sa Batangas habang tumatakas. Ang suspek ay kinilalang si Rhea May Ibañez Marquez, 24, residente ng Bulacan. Ayon sa report, nitong Lunes ay personal na nagtungo ang biktimang si Jovan Paul Masongsong, 26, taga-San Antonio, Quezon, sa Tiaong Municipal Police Station upang i-report ang pagkawala ng kanyang motorsiklo. Iniwan umano niya ang kanyang Honda Click na nakaparada sa tapat ng isang lying-in clinic sa Sitio Sambat, Brgy. Talisay, Tiaong nang…

Read More

PAWNSHOP NILOOBAN, EMPLEYADA PINATAY

LAGUNA – Natagpuang patay at tadtad ng saksak ang isang empleyada ng sanglaan ng mga gadget ilang minuto makaraan nitong i-report sa kanilang manager ang hinggil sa nangyaring panloloob sa kanilang establisyemento sa Cabuyao City. Ayon sa report ng Cabuyao City Police, nangyari ang krimen dakong alas-9:40 ng umaga noong Lunes at kinilala ang biktimang si alyas “Jona”, 27, nadatnan ng mga katrabaho na walang buhay na nakahandusay sa sahig at may tatlong saksak sa leeg, kaliwang balikat at tiyan. Sa pagsisiyasat, sinasabing pinakaunang pumasok sa trabaho ang biktima at…

Read More

GURO BINARIL SA ULO NG IBINAGSAK NA ESTUDYANTE

LANAO DEL SUR – Binaril sa ulo ng isang estudyante ang kanyang guro nang ibagsak siya nito sa isang subject, sa loob ng campus ng Balabagan Trade School sa Barangay Narra, sa bayan ng Balabagan Ayon sa ulat ng pulisya, binaril sa ulo si Danilo Barba, 34-anyos, ng kanyang estudyante na si alyas “Juan”, 20-anyos na Grade 11 student, dahil lamang sa hindi nito pagpasa sa isang subject. Ayon sa Balabagan Municipal Police Station, inako ng suspek ang pagpaslang sa kanyang guro bunsod ng matinding galit sa ibinigay na failing…

Read More

2 BARKO NG CHINA NA HUMABOL SA PCG NAGBANGGAAN

SA halip na magalit dahil sa tangkang pagbomba ng water cannon at ginawang peligrosong pagmamaniobra ng isang China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy, nag-alok pa ng tulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga Tsinong marino nang magsalpukan ang kanilang mga barko sa paghabol sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng “Kadiwa Para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” operation malapit sa Bajo de Masinloc. Sa inisyal na ulat na ibinahagi ng Philippine Coast Guard, nagbanggaan ang barko ng Chinese Navy at China Coast Guard bunsod ng…

Read More

P.5-M MARIJUANA NASABAT SA TULAK

CAVITE – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Kuya”, nasa hustong gulang, ng Brgy. Habay 1, Bacoor City. Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang Regional Police Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni PLt. Col. Wilfredo Jimenez Jr., kasama ang Bacoor Component City Police Station, sa Tirona Highway, Brgy. Habay 1, Bacoor City, bandang alas-12:50 ng gabi. Nang nag-abutan na ng ilegal na droga…

Read More

3 TERORISTA PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPS

TATLONG lawless element na sinasabing kasapi ng Daulah Islamiyah terror group, ang napatay sa inilunsad na joint law enforcement operation ng pulisya at militar sa bayan ng Lumbayanague, Lanao del Sur nitong nakalipas na linggo. Ayon sa ulat, patay ang tatlong hinihinalang kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiya-Lanao nang makipagbarilan sila sa mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army na planong maghain ng warrant of arrest. Nabatid na sa kasagsagan ng putukan ay nadakip din ng mga awtoridad ang tatlong iba…

Read More

SANGGOL, INA PATAY SA RATRAT; LOLA SUGATAN

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police na alamin ang motibo sa likod ng pagpatay sa isang ginang at pitong buwan na sanggol nito na ilang ulit na pinagbabaril habang naghahapunan sa kanilang bahay sa Barangay San Gregorio, San Pablo City sa Laguna. Inutos sa Laguna PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at kilalanin ang suspek na walang awang bumaril sa sanggol ng tatlong ulit habang anim na tama naman ng punglo ang kumitil sa ina nito. Lumitaw sa imbestigasyon, bandang alas-8:00 ng gabi, karga ni Rhea Lunar, 30-anyos, ang…

Read More