MISTER NA GUMAHASA, NAGPASAK NG BOTE SA ARI NI MISIS ARESTADO

RIZAL – Hindi nakapalag nang arestuhin ng mga awtoridad ang isa sa most wanted persons sa lalawigan, sa kasong qualified object rape. Kinilala ang suspek na si alyas “Allan,” 52, isang foreman, at residente ng Brgy. San Juan, Cainta, Rizal. Ayon sa ulat na natanggap ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director, dakong alas-2:10 ng hapon noong Huwebes, Hunyo 5, 2025, nang matunton at arestuhin ng mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station ang akusado sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta. Si Allan ay may kasong qualified object rape at maaaring…

Read More

DIABETIC NAGBARIL SA ULO, PATAY

CAVITE – Hinihinalang nagbaril sa sarili ang isang lalaki na natagpuang wala nang buhay ng kanyang ina sa kanilang bahay sa Trece Martires City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Marlon” ng Purok 4, Brgy. Osorio, Trece Martires City. Ayon sa salaysay ng ina, bandang alas-9:30 ng gabi nang dumating siya sa kanilang bahay nang madiskubre niya ang kanyang anak habang nakahiga sa kama, may dugo sa ulo at wala nang buhay. Sa salaysay ng ilang kapitbahay ng biktima, nakarinig sila ng putok ng baril mula sa…

Read More

KOTSE NAKALADKAD NG TRUCK, MAG-ANAK PATAY

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang mag-asawa at ang kanilang tatlong taong gulang na anak matapos masangkot sa madugong aksidente sa lansangan ang sinasakyan nilang Mitsubishi Mirage 4 at isang prime mover trailer truck sa national highway sa Barangay Talus, Malungon noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Abdulmajid Sarapudin, 35, dating pulis; kanyang asawang si Ivy Lou, 33, at ang kanilang anak na babae, pawang residente ng Barangay Labangal, General Santos City. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ng padre de pamilya ang kotse nang mabangga…

Read More

MGA SUSPEK SA RAPE-SLAY SA SLOVAKIAN NATIONAL KINASUHAN NA

SINAMPAHAN na ng kasong rape with homicide ang mga suspek na gumahasa at pumaslang sa isang Slovakian national sa Boracay Island sa Malay, Aklan noong Marso 1, 2025. Kinumpirma ni Aklan Police Provincial Office (APPO) PCol. Arnel E. Ramos, pormal na nilang sinampahan ng kaso ang mga suspek noong May 20, 2025, kasunod ng isinagawang malalimang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) Michaela Mickova. Sinabi ni Ramos, naging susi sa paglutas ng nasabing insidente ang pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno at suporta ng lokal na komunidad ng Aklan.…

Read More

BASAG-KOTSE GANG MULING UMATAKE SA CAVITE

CAVITE – Makaraan ang ilang buwang pagtatago, muli na namang umatake ang mga miyembro ng “basag-kotse” gang at nabiktima ang isang dalaga na tinangayan ng tinatayang P29,000 halaga ng cash at alahas sa General Trias City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-7:50 ng gabi nang mangyari ang insidente sa F. Manalo St., Brgy. Navarro, General Trias City saan nabiktima si alyas “Aletah”, dalaga, ng Brgy. Biclatan, Gen. Trias City, Cavite. Ayon sa salaysay ng biktima, ipinarada niya ang kanyang sasakyan na isang Toyota Vios na may…

Read More

COPS KILLER PATAY SA ENGKWENTRO

DEAD on the spot ang sinasabing responsable sa pagpatay sa dalawang Bulacan police noong Marso 8, 2025, kasunod ng sagupaan sa Zone 7, Barangay Bacagan, Baggao, Cagayan nitong Miyerkoles, Hunyo 4, 2025. Kinilala ang suspek na si alyas “Xander”, may kinahaharap na warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang kina PSSg. Dennis G. Cudiamat at PSSg. Gian George N. Dela Cruz, parehong miyembro ng Bocaue Municipal Police Station. Nabatid na napatay ang suspek sa isinagawang law enforcement operation ng pinagsanib na puwersa ng Baggao Police Station (lead unit), Regional Intelligence Division…

Read More

4 COMMUNIST-TERRORIST GROUP MEMBERS NAPATAY, 7 FIREARMS NABAWI

PATAY ang apat na mga miyembro ng Communist-Terrorist Group (CTG) matapos ang magkakasunod na engkwentro sa mga tauhan ng Philippine Army sa Barangay Nagoocan, Catubig, Northern Samar. Ayon sa ulat ng 8th Infantry Division at Joint Task Force Storm ng Philippine Army, tinatayang nasa 30 rebelde ang nakasagupa ng mga sundalo sa nasabing lugar. Una rito, nakatanggap ng intelligence information ang 8th ID hinggil sa presensya ng mga armadong rebelde na umano’y nangingikil sa komunidad. Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na mga rebelde na pinaniniwalaang kasapi ng NPA…

Read More

KAWATAN NANLABAN, SUGATAN SA EX-PARAK

CAVITE – Sugatan ang isang construction worker nang barilin ng isang retiradong pulis makaraang magnakaw umano ng LPG mula sa bahay ng huli sa bayan ng Rosario sa lalawigan. Hawak na ng Rosario Police Station ang suspek na si alyas “Referendum”, 50, ng Brgy. Pechayan 22, Noveleta, Cavite dahil sa reklamo ni Robinson Pico, isang negosyante at retiradong pulis, ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite. Ayon sa kapitbahay, nakita niya ang suspek na tumangay ng isang LPG tank mula sa bahay ni Pico sa Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite, ngunit…

Read More

DATING MAYOR SA ABRA PATAY SA AMBUSH

PATAY sa pamamaril ang dating alkalde ng Lagayan, Abra habang nakaupo sa harap ng kanilang bahay nitong Martes ng umaga sa Bangued, Abra. Kinilala ang biktimang si Jendricks Luna, 54-anyos, anak ni dating congresswoman Cecilia Luna, na tumakbong Sangguniang Panlalawigan nitong nagdaang halalan ngunit hindi pinalad. Ayon sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, habang nakaupo ang biktima dakong alas-8:22 ng umaga sa harapan ng kanilang bahay ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng apat ng mga suspek. Matapos ang pamamaril, kaagad na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang…

Read More