MOTORSIKLO SUMEMPLANG SA BATANGAS, 2 TODAS

BATANGAS – Patay ang dalawang kabataan nang sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Maharlika Highway, Brgy. Balibago, sa bayan ng Lian sa lalawigan noong Miyerkoles, ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina JR Manalo Calixtro, 22, nagmamaneho ng motorsiklong Suzuki Raider 150, at John Carlo Gomez, 20, angkas, kapwa residente ng Brgy. Real, Calatagan, Batangas. Ayon sa report ng Lian Police, dakong alas-9:50 ng gabi, nawalan ng kontrol sa manibela ang nakainom na driver habang papunta sa bayan ng Lian, at posibleng dahil sa madulas na kalsada. Malubhang napinsala sa…

Read More

Umararo sa 5 sasakyan sa Imelda Avenue LASING NA JEEPNEY DRIVER KAKASUHAN NG CAINTA LGU

KAKASUHAN ni Mayor-elect at Cainta municipal administrator Keith Nieto ang jeepney driver na nawalan umano ng kontrol at inararo ang mga sasakyan sa kanyang unahan na nagresulta sa pagkasugat ng limang indibidwal sa kahabaan ng Imelda Avenue noong Miyerkoles. Ayon sa ulat, dalawang kotse at isang motorsiklo ang binangga ng driver ng jeep na may rutang Binangonan-Sta. Lucia. “Tinutukan ko ang kaso mo kahapon. Nakainom ka pala habang nagmamaneho. Siniguro ko lang na masampahan ka at makulong sa perwisyong nagawa mo sa mga nasaktang tao at nasirang sasakyan. Pinabigyan ko…

Read More

BUS SUMALPOK SA CARGO VAN; 1 PATAY, 3 SUGATAN

QUEZON – Patay ang isang lalaki habang tatlo ang sugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa kasalubong nitong cargo van sa Maharlika Highway, Brgy. Angeles sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report ng Atimonan Police, nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi nang tangkaing iwasan ng isang Philtranco bus na patungong southern direction, ang isang tumawid na pedestrian. Subalit nahagip at nasagasaan din ang pedestrian na nagdulot ng pagkamatay nito bago pa man mairating sa ospital. Dahil naman sa pag-iwas, sumalpok ang bus…

Read More

AKYAT BAHAY HULI SA CCTV

CAVITE – Timbog ang isang hinihinalang akyat-bahay nang namukhaan sa footage ng closed circuit television (CCTV) makaraang pumasok sa isang bahay at tumangay ng cash at mga alahas sa bayan ng Magallanes sa lalawigan noong Martes ng madaling araw. Nasa kustodiya na ng Magallanes Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si alyas “Ariel” na nahaharap sa kasong robbery at paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 at 10591 in relation to Omnibus Election Code. Ayon sa biktima, mahimbing siyang natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. Tua, Magallanes, Cavite bandang…

Read More

10 BARIL NASABAT NG CIDG SA GUNRUNNER

KALABOSO ang isang lalaki makaraang ikasa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang buy-bust operation sa Davao Del Sur na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek. Kinilala ni CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III ang suspek na si “Hassan”, residente ng Brgy. Linuk, Madalum, Lanao del Sur, umano’y isang gunrunner na ang mga kliyente ay mga politiko sa buong Mindanao. Inaresto ang suspek bilang bahagi ng pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms at gunrunning activities sa buong bansa, ng CIDG Davao City Field Unit kasama ang…

Read More

Sa maugong na pag-aalburuto ng kasundaluhan NO COUP SHALL HAPPEN, NOT ON MY WATCH – BRAWNER

“WALANG kudeta na magaganap hanggang ako ang namumuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.” Ito ang mariing pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr., kasunod ng pagtiyak sa hindi matatawarang paninindigan ng militar sa kanilang sinumpaang tungkulin na paggalang sa Konstitusyon at sa ‘chain of command’. “As long as I serve as Chief of Staff, no coup shall happen. Not on my watch. We will not be shaken by rumor, nor outmaneuvered by noise,” pahayag ni General Brawner, bunsod ng muling paglutang…

Read More

BOSES NG KABATAAN HINANAP SA DUTERTE YOUTH

“IS there no one else in Duterte Youth who can speak?” Tanong ito ng Kabataan party-list na kinakatawan ni Rep. Raoul Manuel sa Kamara dahil mula noong 2019 ay tanging si dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema ang nagsasalita para sa grupo. Unang nanalo ang Duterte Youth noong 2019 subalit hindi nakaupo si Cardema bilang kinatawan ng kanilang organisasyon dahil 33-anyos na ito noon kaya ang kanyang misis na si Ducielle Suarez Cardema ang kumatawan sa mga ito sa Kamara hanggang 2022. Sinabi ng grupo ni Manuel na…

Read More

Jeep nahulog sa bangin 2 BIYAHERO NG BABOY PATAY, 3 SUGATAN

DEAD on the spot ang dalawang biyahero ng baboy habang kritikal na nasugatan naman ang tatlong kasamahan nila nang mahulog sa bangin ang sinasakyang nilang jeep na kargado ng mga baboy sa bahagi ng Brgy. Lenneng, Conner, Apayao. Ayon sa Apayao Provincial Police Office, patay sa pagkahulog sa bangin ang hog buyer na sina alyas “Mike” at “Noli” habang sugatan naman ang driver at dalawang iba pang kasamahan nito na pawang residente ng Barangay Andarayan South, Solana, Cagayan. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng isang passenger type jeep ang…

Read More

P1-B SHABU NADISKUBRE SA ABANDONADONG BAHAY SA ANGELES CITY

NATAGPUAN ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Angeles City Police Station 2 ang nasa 155 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 bilyon sa loob ng isang bahay sa Angeles City, Lunes ng hapon. Batay sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-4:00 PM nang ikasa ang operasyon sa isang bahay na matatagpuan sa Block 7 Lot 5A Orchid Street sa Timog Hills Subdivision sa Barangay Pampang, Angeles City sa pangunguna ni PDEA intelligence service agent Bayani Alpon at ACPS chief PMaj Rodolfo Quiroz. Armado ng search…

Read More