CAVITE – Arestado ang isang hinihinalang tulak at nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang mahigit sa P.2 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Nino”, 33, isang tricycle driver, ng Brgy. Talaba 4, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-11:50 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Bacoor Component City Police Station (CCPS) sa Brgy.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
DRIVER INATAKE, JEEP BUMANGGA
TAGAYTAY CITY – Hinihinalang inatake sa puso ang isang pampasaherong jeepney driver kaya nabangga nito ang isang sasakyan sa lungsod noong Lunes ng umaga. Naisugod pa sa Mendez Specialist Hospital ang biktimang si alyas “Lito”, 56, ng Brgy. Upli, Alfonso, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Napag-alaman, minamaneho ni alyas “Dante”, 53, ang kanyang sasakyan habang nakasunod naman ang minamanehong pampasaherong jeepney ng biktima at binabagtas ang kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Road, Brgy. Mendez, Crossing West, Tagaytay City patungo sa direksyon ng Manila. Ngunit pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay bigla…
Read MoreHabang may load limit sa San Juanico Bridge SAMAR PORT PAGANAHIN – DOTr
HINILING ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa mga opisyal ng Eastern Visayas na paganahin ang Amandayehan port sa Basey, Samar sa loob ng dalawang linggo para tugunan ang mga hadlang sa logistics sa gitna ng San Juanico Bridge load limit. Noong Linggo ay binisita ni Dizon ang Tacloban at Amandayehan ports, kung saan sinabi nito na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang ‘uninterrupted movement’ ng mga suplay sa pagitan ng Leyte at Samar provinces sa kabila ng limited access sa mahalagang tulay. “This is…
Read MoreNEGOSYANTENG TRANSWOMAN, HINALAY NG CHINESE SA RESORT
BATANGAS – Isang 25-anyos na negosyanteng transwoman ang hinalay umano ng isang Chinese national sa isang resort sa Barangay Ligaya, sa bayan ng Mabini sa lalawigan noong Sabado. Ayon sa report ng Mabini Police, personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang kinilalang si “Larc”, residente ng Las Piñas City, upang i-report ang insidente. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente, dakong ala-1:00 ng madaling araw, nakatanggap ng banta ang biktima mula sa suspek, na kinilalang si Ehrron Sy, 23, Chinese national, at isa ring negosyante, na ipakakalat…
Read MoreSuspek na ex-tanod, nag-suicide 3 BRGY. OFFICIALS ITINUMBA SA FLAG RAISING CEREMONY
CAVITE – Patay ang tatlong barangay officials makaraang pagbabarilin sa gitna ng isinasagawang flag raising ceremony, ng isang dating barangay tanod at pagkaraan ay nagbaril sa sarili ang suspek sa insidenteng nangyari sa Dasmariñas City nitong Lunes ng umaga. Pawang isinugod sa magkakahiwalay na ospital ang mga biktimang sina alyas “Raul”, barangay chairman; “Marvin”, 54, barangay kagawad, at “Jose”, 65, barangay kagawad, pawang ng Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, subalit pawang idineklarang patay na dahil sa tama ng bala sa katawan. Malubha namang nasugatan si alyas “Christine”, SK secretary, na…
Read MoreNUEVA VIZCAYA GINGER CAPITAL NG PILIPINAS – DA
UPANG mas mapaunlad ang produkto ng luya, opisyal na idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang Nueva Vizcaya bilang “Ginger Capital ng Pilipinas,” hudyat ng mas nakatutok na pagsisikap ng gobyerno na i-channel ang resources tungo sa pagpapalakas ng produksyon ng high-value crop na ito sa Cagayan Valley region. Sinabi ng DA, paulit-ulit na binibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangangailangang itaas ang produktibidad sa agrikultura, lalo na para sa mga pampalasa tulad ng luya, bilang pundasyon ng layunin ng kanyang administrasyon na pasiglahin ang ekonomiya sa mga kanayunan…
Read More2 PAF PERSONNEL NA NAGREKLAMO NG RAPE DAPAT ALAMIN KUNG FIT SA FLYING MISSION
ITO ang isa sa mga concern ng abogado ng dalawang Philippine Air Force personnel na umano’y naging biktima ng rape at attempted rape ng isang PAF Major General. Ayon kay Atty. Nico Robert Martin, abogado ng dalawang junior officers ng Air Force na nakararanas ng severe trauma at depression, lumapit at humingi ng tulong ang mga ito sa mga abogado na nasa ilalim ng Unified Legal Aid Service (ULAS) ng Supreme Court. “My clients were diagnosed with stress disorder and depression. After the incident, they were seen by a psychiatrist.…
Read MoreBOMB EXPERT NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Tuluyan nang isinuko ng isang kilalang bomb expert mula sa hanay ng lokal na grupong terorista, ang kanyang sarili sa pamahalaan sa pamamagitan ng 1st Brigade Combat Team (1BCT) nitong nakalipas na linggo sa bayan ng Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ayon kay Brigadier General Jose Vladimir Cagara, commander ng 1BCT, hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng nasabing indibidwal para sa kanyang seguridad. Ang 35-anyos na dating rebelde ay boluntaryong sumuko bunsod ng matinding takot sa kanyang kaligtasan dulot ng sunod-sunod…
Read MoreMINDANAO SOLON PUMALAG SA TRAVEL ADVISORY NG AMERIKA
PINALAGAN ng isang Mindanao solon ang travel advisory ng Estados Unidos (US) na nagbabala sa mga Amerikanong may planong bumiyahe sa Pilipinas, partikular na sa Mindanao, dahil sa panganib na kakaharapin umano ng mga ito. Hindi matanggap ni Cagayan de Oro City representative Rufus Rodriguez ang travel advisory na ito ng Amerika na itinuturing ng Pilipinas na mahigpit na kaalyado kaya inatasan nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) na iprotesta ito. “This is an unfair, shotgun warning. There are certainly many places in our country that are safe to…
Read More