ILOILO CITY – Kalaboso ang dating barangay tanod kasama ang kanyang live-in partner, sa ikinasang drug buy-bust operation noong Miyerkoles ng gabi sa Zone 1, Sto. Niño Norte, Brgy. Arevalo sa lungsod. Ayon sa ulat ni PCapt. Glenn Soliman, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), nasa priority watchlist ang suspek na si alyas “Toting”, 40-anyos, na target ng nasabing operasyon. Sinabi ni Soliman, dalawang linggo nilang mino-monitor ang suspek bago isinagawa ng drug buy-bust operation na nagresulta ng pagkaaresto nito, kasama ang live-in partner nito na si alyas…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
IKA-127 ARAW NG KALAYAAN GINUNITA SA CAVITE
MAGKASABAY na ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Bayan ng Kawit at Lungsod ng Imus sa lalawigan ng Cavite. Pinangunahan ito nina Chief Justice Alexander Gesmundo, Congressman Jolo Revilla, ang ilang pamilya ng Aguinaldo sa bayan ng Kawit, at Regional Director PBGen. Paul Kenneth T. Lucas na nanguna sa pagpapanatili ng seguridad sa pagdiriwang ng naturang okasyon, at iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang bayan. Sa Alapan, Imus City, Cavite pinangunahan naman nina Mayor Alex A. Advincula at Vice Mayor Homer T. Saquilayan ang pagtaas…
Read MoreONLINE SELLER ITINUMBA NG RIDER
PATAY ang isang online seller na makikipagkita sa kanyang supplier, nang pagbabarilin ng motorcycle rider sa panulukan ng Dagonoy at Radium Streets, San Andres Bukid, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Kyle Mario Castro, 28, ng nabanggit na lugar. Samantala, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek makaraan ang pamamaril. Batay sa naantalang ulat ng Homicide Section ng Manila Police District, bandang alas-5:10 ng hapon habang patungo ang biktima sa nabanggit na lugar nang bigla itong pagbabarilin ng suspek na lulan ng motorsiklo. Patuloy pang iniimbestigahan…
Read MoreSa kabila na idineklarang Abu Sayyaf free PHIL. ARMY MANANATILI SA SULU AT BASILAN
WALA pang planong magbawas ng pwersa ang Philippine Army sa lalawigan ng Sulu at maging sa Basilan na idineklarang Abu Sayyaf free na. “No, it will remain because we still have this role of, to be able to sustain the peace which is very important. The sustaining the peace and making sure development will flow in that area. So, confidence building is now on the works,” ayon kay Army Commanding General Roy Galido. Pormal nang idineklara bilang “ASG-free” o Abu Sayyaf free ang lalawigan ng Basilan, na dati’y kilalang balon…
Read MoreTULAK TODAS SA BUY-BUST OPERATION NG PDEG
PANGASINAN – Patay ang isang umano’y tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban sa mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG), sa isinagawang anti-illegal drug operation noong Martes ng gabi sa bayan ng Urdaneta sa lalawigan. Ayon sa ulat ni PDEG Director Brig. Gen. Jason Capoy, dakong alas-10:30 ng gabi, napagkasunduan ng suspek at police poseur buyer na magkita sa isang lugar. Matapos ang nasabing transaksyon, nagbigay ng hudyat ang police poseur buyer sa kanyang mga kasamahan. Ngunit sa halip na sumuko si alyas “Dupax” ay binunot nito ang kanyang…
Read MoreP.4-M DROGA, BARIL, BALA NASAMSAM SA ZAMORA DRUG GROUP
CAVITE – Tinatayang P400,000 halaga ng umano’y shabu, baril at bala ang nasamsam makaraang madakip ang lider ng Zamora drug group at tatlong iba pa na pawang nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jerome”, lider ng Zamora drug group; “Lea”, “Jason” at “Orlando”, pawang nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement…
Read MoreSa akusasyong illegal logging DATING TANOD SINAMPAHAN NG CYBER LIBEL NG KAPITAN
QUEZON – Nagreklamo ng cyber libel ang isang kapitan ng barangay matapos akusahan sa social media ng umano’y pagkasangkot sa illegal logging ng isang dating tanod sa Tayabas City. Personal na humarap sa himpilan ng pulisya noong Lunes ng hapon, Hunyo 9, ang biktimang si “Rudy”, 56-taong gulang na kapitan ng Barangay Alitao, at ini-report ang serye ng umano ay mapanirang-puri at malisyosong post laban sa kanya. Ayon dito, nagsimula ang paninirang-puri noong Marso 12, 2025, alas 9:30 ng gabi, kung saan nag-post ang suspek na si “Liberato”, dating barangay…
Read MoreMAHIGIT 3K KRIMINAL NAARESTO NG PRO3 SA 5 BUWAN OPERASYON
NAKAPAGTALA ng mahigit sa 3,674 kataong naaresto ang Police Regional Office 3, sa limang buwang operasyon kontra kriminalidad. Sinabi ni PRO 3 Director Police Brig. General Jean Fajardo, may kabuuang 783 most wanted persons habang 2,891 wanted person ang kanilang nahuli mula Enero 10 hanggang Hunyo 8, 2025 taong kasalukuyan. Kabilang sa mga arestado ang 35 most wanted person na may kasong pamamaslang, 155 naman sa kasong panghahalay, 24 sa pagnanakaw, 124 may kaugnayan sa droga, habang 445 ang may iba’t ibang kaso. Kaugnay nito, pinuri ni Fajardo ang kasipagan…
Read MoreSC KINALAMPAG SA KASO NI DATING PAGSANJAN, LAGUNA MAYOR E.R. EJERCITO
KINALAMPAG kahapon ng 39 bangkero ang Korte Suprema para hilingin ang agarang pagpapalabas ng pinal na desisyon sa kaso ni dating Pagsanjan, Laguna Mayor E.R. Ejercito. Nagsagawa ng kilos-protesta ang naturang grupo sa harapan ng gusali ng Supreme Court sa Padre Faura St., Ermita, Manila. Binigyang-diin ng lider na si Rojelio Allas ng United Boatmen of Pagsangjan Inc., aabot sa 1,974 ang kanilang miyembro na pinagsamantalahan ng kasalukuyang elected mayor na si Emilio Ramon Pelayo Ejercito III sa katatapos lang na 2025 midterm elections. Giit ni Allas, taong 2008 pa…
Read More