CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang riding in tandem na bumaril at nakapatay sa isang 61-anyos na tricycle driver habang nag-aabang ng masasakyan sa isang terminal sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Efreb Honor y Camerico, 61, ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan. Mabilis namang tumakas makaraan ang pamamaril ang dalawang suspek na nakasuot ng itim na kapote at itim na bonnet at lulan ng itim na motorsiklong Honda Wave.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MBHTE DEALS PINASISILIP SA MALAKANYANG, COA
HINILING ng isang grupo na imbestigahan ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil umano sa mga kaduda-dudang transaksyon nito. Kabilang sa mga nais ipasilip sa Office of the President (OP) at Commission on Audit (COA) ang pagpapalabas ng P1.7 billion mula sa kaban ng BARMM sa loob lamang ng isang araw para sa Learner’s Kits at Teacher’s Kits noong Marso 7, 2025. Hindi umano dumaan ang transaksyon sa Finance Division Chief para sa rebyu at lagda ng hepe nito…
Read MoreP23-M DROGA SA FOOD DELIVERY BOXES NASAMSAM NG NBI
TINATAYANG P23-milyong halaga ng umano’y shabu at imported marijuana o kush ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) sa isang repacking at distribution hub sa Davao City noong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat ni NBI Director Jaime Santiago, nagsagawa ng anti-drug operation ang NBI-SEMRO XI, sa pamumuno ni Regional Director Atty. Arcelito Albao, bandang alas-5:00 ng madaling araw noong Hunyo 8, 2025, sa isang residential unit sa Cabantian, Davao City kung saan inire-repack umano ang mga ilegal na droga, matapos makatanggap…
Read MoreNagtalo sa bayad sa gate pass PANADERO BINARIL NG SEKYU, PATAY
LAGUNA – Patay ang isang 26-anyos na panadero matapos barilin ng isang security guard ng subdivision sa Brgy. Malitlit, Sta. Rosa City nitong Linggo ng umaga. Kinilala ng Sta. Rosa City Police ang biktimang si “Aldrin”, isang master baker. Ayon sa report, dakong alas-4:25 ng umaga, nagmamaneho ng kanyang tricycle pauwi ang biktima matapos ihatid ang mga kasamahan, nang asintahin ito ng 30-anyos na suspek na si “Ronald”, isang security guard sa San Lorenzo Subdivision, na noon ay naghihintay sa kanto. Tinamaan ang biktima ng bala sa likod ng ulo…
Read More5 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA NORTHERN SAMAR
NORTHERN SAMAR – Limang kasapi ng communist New People’s Army ang napaslang ng mga tauhan ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division, Philippine Army, sa nangyaring sagupaan noong Linggo sa bayan ng Catubig sa lalawigan. Kinilala ang tatlo sa limang napatay na communist terrorist na sina Noel Lebico Sr., ng Roxas, Catubig; Arnel Aquino ng Barangay Osmeña, Palapag; at Nonoy Norcio, ng Luneta, Gamay, Northern Samar. Kinumpirma ang pagkakakilanlan ng mga napaslang, ng isang alyas “In-In,” vice squad leader ng Squad 1, Sub-Regional Guerrilla Unit, Sub-Regional Committee Arctic, Eastern Visayas Regional Party…
Read MoreDRIVER ITINUMBA NG RIDER SA BACOOR
CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang isang motorcycle rider na suspek sa pamamaril sa isang driver sa harapan ng kanilang bahay sa Bacoor City noong Linggo ng hapon. Idineklarang dead on arrival sa Cavite East Medical Center ang biktimang si alyas “John”, 48, may asawa, isang driver, ng Brgy. Molino 7, Bacoor City, dahil sa tama ng bala sa katawan. Inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng isang ‘di naplakahang motorsiklo, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa nakasaksi sa insidente, naghuhugas ng mga…
Read MorePUMALAG SA RAPE, APO TINUTUKAN NG BARIL NI LOLO
RIZAL – Arestado ang isang lolo matapos nitong tutukan ng baril ang apong babae nang tumanggi itong makipagtalik sa kanya, sa Sitio Labong, Brgy. Halayhayin sa bayan ng Pililla sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Enteng,” 66, step-grandfather ng biktima na kinilalang si alyas “Shane,” 18, ng nabanggit na lugar. Ayon sa imbestigasyon, lasing umano ang suspek nang yayain nito ang kanyang step-granddaughter na tabihan siyang matulog at inalok pa na bibigyan ito…
Read MoreEX-PCO CHIEF MAGSISILBING COS NI YORME
KINUMPIRMA ni dating Presidential Communications Secretary Cesar Chavez na magbabalik siya sa Maynila bilang chief of staff ni incoming Manila Mayor Francisco ‘ Isko Moreno’ Domagoso. Matatandaang nabanggit na rin ni Chavez na kinausap siya ni Domagoso bago magsimula ang local campaign para sa May 12 elections. “Sabi niya dito na tayo, dito na tayo tatanda,” kwento ni Chavez nang muli siyang makadaupang palad. Nang matapos ang halalan, sinabihan aniya siya ni Yorme bilang kanyang chief of staff sabay labas ng listahan ng mga gusto agad niyang gawin sa Maynila.…
Read MoreNEGROS POWER NAGHATID NG PAGBABAGO SA ELECTRIC SERVICE
SA loob lamang ng siyam na buwan mula nang i-takeover ang electric service sa Central Negros, malawakang pagbabago sa imprastraktura at kalidad na serbisyo ang agad na naipatupad ng Negros Electric and Power Corporation (Negros Power). Sa Report and Dialogue sa business and consumer leaders, inilatag ni Negros Power President at CEO Roel Castro ang comprehensive report na nagdedetalye ng mga nagawa nang proyekto mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong August 2024. “From day one, our goal has been to modernize the system, restore public confidence, and extend reliable,…
Read More