BULACAN – Patay ang magka-angkas na lalaki at babae sa isang motorsiklo matapos pagbabarilin ng isang lalaking sakay rin ng motorsiklo sa Barangay Lambakin, sa bayan ng Marilao sa lalawigan noong Martes ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang isa mga biktima na si alyas “Edwin”, residente ng Northville 4B, Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng babaeng namatay na nasa edad 20. Base inisyal na report, nangyari ang pamamaslang bandang alas-12:00 ng madaling araw, ilang metro lang ang layo mula sa bahay ng lalaking biktima. Nabatid…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ALERT LEVEL ITINAAS SA PAGPUTOK NG MT. KANLAON
PUMUTOK kahapon ng umaga ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island at nagbuga usok, abo at bato, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense. “Mt. Kanlaon spewed ash plume 4,000 meters high and pyroclastic density current moving south towards Negros Occidental,” ayon sa inisyal na report, habang nanatiling nakataas sa alert level 3 ang bulkan. Ayon kay Director Teresito Bacolcol, chief ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nagsimula ang volcanic eruption bandang alas-5:51 kahapon ng umaga. Inihayag naman ni OCD Task Force Kanlaon chief Raul Fernandez, natapos ang pagputok…
Read MoreHabang nangangampanya sa Abra TSERMAN, KANDIDATO PATAY SA PAMAMARIL
ABRA – Patay ang isang barangay chairman gayundin ang isang kandidato sa Sangguniang Bayan, sa nangyaring pamamaril nitong Linggo dakong alas-7:00 ng gabi sa Barangay Nagtupacan, sa bayan ng Langangilang sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinadala ng Abra Police Provincial Office sa Kampo Crame, kinilala ang napatay na si Lou Salvador Claro, 57, retiradong pulis at kasalukuyang chairman ng Barangay Nagtupacan, habang namatay rin ang suspek na si Manzano Bersalona, 58, kandidato bilang Sangguniang Bayan member at residente rin sa nabanggit na bayan. Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon, umawat lang…
Read MoreCAMILLE TINIYAK SERBISYO SA OFWs
MULING nakipagbakbakan si Camille Villar para sa proteksyon ng overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa kanilang napakalaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa. Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa lalawigan ng Quezon noong weekend, inalala ni Camille Villar kung paano inuuna ng kanyang pamilya ang kapakanan ng mga OFW sa mga nakaraang taon. Ang legal na tulong, repatriation, livelihood opportunities, OFW hotlines, at iba pa, ay kabilang sa mga paraan ng pagtulong ng mga Villar sa mga OFW, ani Camille. Sa 18th Congress, kabilang…
Read MorePLATAPORMA NI FPRRD TULOY SA 2028 – MAYOR BASTE
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUNG papalarin, magpapatuloy ang mga nasimulang plataporma ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa 2028. Ito ang pahayag ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte bago ang pagbabalik sa bansa ni Vice President Sara. Inaasahan umano niyang sa 2028, kung pagbibigyan ng Diyos, muling magkakaroon ng pagkakataon na magpatuloy ang mga plataporma ng amang si Digong sa ilalim ng pamumuno ng kapatid na si Sara. “Baka sa taong 2028, kung pagbibigyan ng Diyos, baka nasa puso ni VP Inday Sara Duterte, makapaglalagay na naman tayo ng pangulo…
Read MoreEMERGENCY CELL BROADCAST SYSTEM (ECBS) GINAGAMIT SA POLITICAL CAMPAIGNING
MARIING kinondena ng Office of Civil Defense ang napaulat na paggamit ng Emergency Cell Broadcast System (ECBS) sa political campaigning ng ilang grupo. “We have referred this matter to the National Telecommunications Commission (NTC) for appropriate investigation and action. The OCD is actively coordinating with relevant agencies to thoroughly investigate these incidents and ensure that those responsible are held accountable to the fullest extent of the law,” ayon sa OCD. Ito ay matapos na makatanggap ng mga ulat ang kanilang tanggapan na maraming residente mula sa mga probinsiya ang nakatatanggap…
Read MoreAGRI, SMEs MANANATILING PRAYORIDAD NI CAMILLE
MAGHAHANAP si Camille Villar ng karagdagang suporta para sa agrikultura, edukasyon at maliliit na negosyo sa sandaling siya ay maluklok sa Senado sa Mayo. Ginawa ni Camille ang pangako sa kanyang pagbisita sa Tagoloan, Misamis Oriental noong weekend. Sa pagtakbo bilang senador sa eleksyon sa Mayo, nagpapasalamat si Camille Villar sa mainit na pagtanggap at suporta sa kanyang pakikipag-usap sa mga lokal na opisyal at alkalde. Itinutulak din niya ang pagsulong ng maliliit at katamtamang laki ng mga negosyo, na aniya ay itinuturing na gulugod ng ekonomiya para sa kakayahan…
Read MoreEXPANDED MAGNA CARTA PARA SA MGA TSUPER ITUTULAK NI BRIAN POE
TITIYAKIN ng FPJ Panday Bayanihan party-list na ganap na maipatupad ang Magna Carta para sa mga driver ng pampublikong transportasyon upang protektahan ang kanilang karapatan at mapaglaanan ng sapat na benepisyo. Sinabi ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ PL, ninanais niyang palawigin ang panukala upang masaklaw ng benepisyo ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan. May nakahaing House Bill 11227, na kilala rin bilang Magna Carta para sa mga Tricycle Drivers at Operators. “Puntirya natin gawing expanded ang panukalang batas na nangangalaga sa lahat ng tsuper para sa mga…
Read MoreP6.8-M SHABU NASABAT SA PAMPANGA
PAMPANGA – Matagumpay ang isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Arayat Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Pampanga Police Provincial Office, na nagresulta sa pagkakaaresto ng high value target at nasamsam ang P6.8-milyong halaga ng umano’u shabu sa Barangay Mapalad, sa bayan Arayat, noong Sabado ng hapon. Ayon kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director, Police Brigadier General Jean S. Fajardo, ang operasyon ay humantong sa pagkakaaresto sa isang 48-anyos na high-value na indibidwal na kinilala lamang sa…
Read More