ARESTADO ang tatlong lalaki matapos madiskubre at mapasok ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Aplaya Laiya, San Juan, Batangas.
Dakong alas-12:15 ng madaling araw noong Linggo, Setyembre 13, isinagawa ng PDEA Batangas Provincial Office at San Juan Municipal Police Station ang buy-bust operation sa lugar.
Ayon sa PDEA, ang mga naaresto ay tatlong lalaki na may edad na 43, 32, at 27-anyos, pawang residente ng Barangay Laiya Aplaya.
Nakuha sa operasyon ang walong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 10.1 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68,680.
Nakumpiska rin ang iba’t ibang drug paraphernalia at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap ang tatlong suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(NILOU DEL CARMEN)
48 