PITONG kalalakihan ang nailigtas ng Philippine Coast Guard matapos tumaob ang sinasakyan nilang pump boat sa karagatang sakop ng Kilometer 10, Barangay Sasa, Davao City. Ayon sa Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM), namataan ng mga tripulante ng MV Mae Wess 4 at Coast Guard Sea Marshal ang mga sakay ng lumubog na pumpboat na nagpupumilit manatiling nakalutang sa dagat. Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Coast Guard at nailigtas ang pitong sakay ng bangka. Dinala ang mga biktima sa Mae Wess Port sa Island Garden…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Sa tulong ng German expertise PNP PINALAWIG KAKAYAHAN KONTRA KIDNAPPING
PINURI ni PNP chief, PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., ang Anti-Kidnapping Group (AKG) makaraang makumpleto ang dalawang linggong pagsasanay. Simula noong Hulyo, 20 hanggang 31, nagsagawa ng pagsasanay ang (AKG) sa Summit Hotel and Resort sa Lungsod ng San Juan. Tinalakay sa nasabing pagsasanay ang komunikasyon at pakikipagnegosasyon, victim-based risk analysis, pakikipagnegosasyon sa social media, paggamit ng artificial intelligence (AI), at financial investigation. Sa pakikipagtulungan ng German Embassy, matagumpay na nakumpleto ang dalawang linggong Specialized Training on Investigations and Negotiations in Kidnapping Situations. Nagsagawa rin ang mga German expert…
Read More4 PATAY SA LANDSLIDE SA TS MAYMAY, HABAGAT
MAY apat na katao ang iniulat na nasawi sanhi ng magkahiwalay na landslide na naganap bunsod ng tuloy-tuloy na mga pag-ulan dala ng Bagyong Maymay at ng pinalakas na Southwest monsoon o Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes. Ayon kay Diego Agustin Mariano ng Office of Civil Defense, sa inisyal na report na nakarating sa OCD, may dalawang nasawi at isa ang sugatan sa nangyaring landslide sa La Trinidad, Benguet. Nangyari ang landslide sa La Trinidad bandang alas-9:00 nitong Huwebes ng umaga. Dalawa rin…
Read MoreTunawan ng bakal sa Pampanga pinaiimbestigahan MGA EMPLEYADO NABINGI, NANLABO PANINGIN
PINAIIMBESTIGAHAN ni Magalang, Pampanga Vice Mayor Eller Pecson sa National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang isa pa umanong ilegal na steel melting facility na nag-ooperate sa isang barangay sa nasabing bayan. Nauna rito, sinalakay ng nasabing awtoridad ang Chuangxing Steel Incorporated noong Hulyo 18, 2026, kung saan nadiskubre rito ang P3-bilyong halaga ng radioactive-bearing industrial materials, contaminated production equipment at structurally substandard finished products sa nasabing bayan. Sa nasabing pagsalakay, 4 company officers ang inaresto habang 347 Filipino at 37 Chinese workers ang nailigtas…
Read MoreHAGUPIT NG TS MAYMAY RAMDAM SA HILAGANG LUZON
LUMAKAS at naging tropical storm ang Bagyong Maymay nitong madaling araw ng Miyerkoles, Agosto 5, dahilan upang itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa ilang bahagi ng Northern Luzon. Sa 4:00 a.m. weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyong may international name na Kujira sa layong 170 kilometro kanluran-hilagang-kanluran ng Bacnotan, La Union. Taglay nito ang lakas ng hanging 65 kilometro kada oras, pagbugsong hanggang 80 kph, at mabagal na kumikilos patimog-silangan. Nakataas ang TCWS No. 2 sa…
Read More5 CHINESE NATIONALS ARESTADO SA AGUSAN
DINAKIP ang limang Chinese nationals ng Bureau of Immigration (BI), sa tulong ng 10th Infantry (Agila) Division ng Philippine Army, dahil sa umano’y paglabag sa Philippine immigration laws sa Trento, Agusan del Sur. Ayon sa ulat, nagsagawa ng Law Enforcement Support Operations (LESO) ang mga tauhan ng 67th Infantry Battalion (67IB) upang suportahan ang operasyon ng BI na nagresulta sa pagkakaaresto sa limang dayuhan. Isinagawa ang joint law enforcement operation sa Mayokada Enterprise Compound sa Purok 4, Barangay Pulang Lupa, Trento, sa pangunguna ng Bureau of Immigration, katuwang ang Philippine…
Read MoreP700-M FAKE BRANDED SHOES NASAMSAM NG PNP, BOC
KATUWANG ang Bureau of Customs, nasamsam ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tinatayang P700 milyong halaga ng mga pekeng produkto sa isang warehouse sa Imus City, Cavite, sa ikinasang operasyon laban sa umano’y smuggled contrabands. Ayon sa ulat na ipinarating sa PNP headquarters at maging sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, nakumpiska ng mga operatiba ng PNP-CIDG kasama ng Bureau of Customs (BOC), na sinuportahan ng Cavite Police Provincial Office, Cavite Maritime Group, at ng Philippine Coast Guard (PCG), ang mga umano’y smuggled na…
Read MoreMANGINGISDA KINATAY NG TIYUHIN
DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang mangingisda makaraang pagtatagain ng kanyang tiyuhin sa Sipalay City, Negros Occidental. Kinilala ang biktimang si “Marijoe”, 44-anyos, habang ang suspek ay si “Roger”, 52-anyos, kapwa mangingisda ng Purok Calangcang, Brgy. 4, Sipalay City. Ayon sa ulat ng Sipalay City Police Station, noong Lunes ng hapon, Agosto 3, habang nakaupo sa kanyang pumpboat ang biktima kasama ang kapatid at anak nang dumating ang suspek. Bigla na lamang umanong sinaksak ng tiyuhin ang kanyang pamangkin sa likod at tiyan. Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang…
Read MoreTARGET SA DRUG BUST SA CAVITE MALL NAKATAKAS
NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) PRO3 sa Cavite Land Transportation Office (LTO) upang matukoy ang pagkakakilanlan ng may-ari ng isang pulang Toyota Innova na sinakyan ng isang target ng buy-bust operation makaraang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba sa parking area ng isang kilalang mall sa Bacoor City, Cavite noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA PRO3 sa pamumuno ni IA I Richard T. Saure, sa parking area ng isang mall ngunit nang mapansin ng…
Read More