PNP NAGSIMULA NANG MANGOLEKTA NG DNA SA MGA NASAWI SA MV TRISHA KERSTIN 3

NAGSIMULA na ang Philippine National Police (PNP) sa pangongolekta ng DNA samples mula sa mga pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 upang makatulong sa pagkilala sa mga bangkay. Ayon sa PNP, mahigit isang linggo na ang lumipas mula nang lumubog ang Ro-Ro vessel at patuloy pa ring may nare-recover na mga bangkay, dahilan upang maging mas mahirap ang visual identification ng mga biktima. Batay sa ulat ng mga local disaster risk reduction and management office at ng Philippine Coast Guard (PCG), umaabot na sa 45…

Read More

OPLE DAY GINUNITA SA BULACAN

GINUNITA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna nina Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro ang ika-99 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Blas F. Ople kasama ang pamilya nito sa ginanap na seremonya nitong Martes, Pebrero 3. May temang “Gat Blas F. Ople: Huwaran ng Pinanday na Isipan, Inspirasyon ng mga Kabataan”, sinimulan ang unang bahagi ng programa sa pag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Ople sa pangunguna nina Fernando at Castro kasama si Susanne Laurie Ople Osorio, ang apo ng tinaguriang bayani na siya ring…

Read More

4 CONVENIENCE STORES SA BATANGAS, QUEZON SUNOD-SUNOD HINOLDAP

APAT na sangay ng convenience store sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon ang halos magkakasunod na hinoldap ng umano’y iisang pares ng riding-in-tandem, ayon sa pulisya. Unang nangyari ang insidente dakong alas-9:40 ng gabi noong Lunes sa isang sangay ng convenience store sa Barangay Inosluban, Lipa City kung saan tinangay ang tinatayang P20,000 cash. Sumunod dakong alas-10:00 ng gabi ay hinoldap ang isa pang sangay ng tindahan sa Barangay Banaybanay, Lipa City kung saan nakuha ang humigit-kumulang P50,000 cash at personal na gamit ng mga empleyado. Dakong alas-10:55 ng…

Read More

BARKO NASUNOG; 3 CREW SUGATAN, 92 PASAHERO NASAGIP

SURIGAO DEL NORTE – Tatlong crew ang sugatan habang 92 katao ang nailigtas nang masunog ang isang pampasaherong barko. Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG), mabilis silang tumugon sa nasunog na MV Maria Felisa na naglalayag mula Port of Benit, San Ricardo Southern Leyte patungong Lipata Port, Surigao City sa lalawigan. Dumanas ng minor injuries ang tatlong crew dahil sa first-degree burns. Dalawa rito ang parehong dinala sa Caraga Regional Hospital habang tumanggi namang magpa-ospital ang isa pa kaya binigyan na lamang ng first aid ng CDRRMO. Ayon sa PCG,…

Read More

KACH UMANDAP, ITINANGHAL NA GLOBAL FILIPINO ICON SA DUBAI

DUBAI, UAE — Muling ipinamalas ng isang Pilipina ang husay at kakayahang kinikilala sa pandaigdigang entablado matapos tanghaling Global Filipino Icon 2026 si Kach Umandap sa ginanap na The Global Filipino Icon Awards sa Kempinski Central Avenue Dubai. Matapos ang masusing proseso ng nominasyon at ebalwasyon, higit sa 200 Pilipino mula sa iba’t ibang bansa ang isinailalim sa mahigpit na pagpili. Mula sa mga ito, sampung (10) indibidwal lamang ang napabilang sa hanay ng mga finalist—mga Pilipinong nagpakita ng pambihirang liderato, propesyonalismo, at makabuluhang ambag sa kanilang komunidad at industriya.…

Read More

NANLOOB SA EGGS AND CHICKEN SUPPLIER NABARIL

CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang hinihinalang akyat-bahay nang barilin ng isang negosyante makaraang tangkain nitong pagnakawan ang isang establisyementong nagsu-supply ng mga itlog at manok sa Bacoor City noong Linggo. Nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog District Hospital ang suspek na si alyas “Ryna”, 30, binata, ng Talaba 1, Bacoor City, Cavite dahil sa tama ng kalibre .40 Glock 27 Gen 5, mula sa complainant na si alyas “Roberto”, 54, negosyante ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang DK PRO DUCK na…

Read More

CPP-NPA CHIEF SA NEGROS, 3 PA NAPATAY NG MILITAR

NEGROS OCCIDENTAL – Tuluyan na umanong napilay ang nalalabing puwersa ng Communist Party of the Philippines at armadong galamay nito na New Peoples Army sa lalawigan ng Negros, nang mapatay ng militar ang umano’y pinakamataas na pinuno ng teroristang grupo at tatlo pang rebelde sa nangyaring engkwentro sa bayan ng Binalbagan sa lalawigan. Kinilala ni Brig. Gen. Ted Dumosmog, commander ng 303rd Infantry Brigade, ang napaslang na rebel leader na si Reynaldo Erecre alias “Amik,” sekretaryo ng Komiteng Rehiyon–Negros ng CPP-NPA. “That’s a major blow to the rebel movement,” ani…

Read More

2 DRIVERS SA VIRAL BUGBUGAN SA KALSADA IPINATAWAG NG LTO

NAG-ISYU ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Orders laban sa dalawang may-ari ng sasakyan at kanilang mga driver na sangkot sa insidente ng road rage sa Cainta, Rizal. Sinimulan ang imbestigasyon matapos kumalat sa social media ang isang video na nagpapakita ng pagsusuntukan ng dalawang driver sa gitna ng kalsada na nagdulot ng abala sa trapiko. Batay sa LTO, makikita sa video na may dalang baseball bat ang isang driver at nagpakita ng agresibong pag-uugali na nauwi sa suntukan. Natuklasan din na expired ang rehistro ng isa sa…

Read More

P3.9-M PANG MARIJUANA SINUNOG SA BENGUET

TINATAYANG mahigit sa P3,980,000.00 halaga ng marijuana plants ang winasak at sinunog sa patuloy na eradication campaign ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan ng Benguet. Sa ipinadalang ulat sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, apat na marijuana plantation na nasa bulubunduking lugar, ang sinalakay ng PDEA-Cordillera (PDEA-CAR), katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI)-CAR, PROCAR Benguet Province Police Office- PDEU, Benguet Highway Patrol Group, at Kibungan Municipal Police Station sa Sitio, Batangan, Tacadang, nitong nakalipas na linggo. Saklaw ng apat na plantasyon ang lupain na umaabot…

Read More