2 NASUGATAN SA SUNOG SA ROSARIO, CAVITE

CAVITE – Dalawa katao ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang si Paul John Raquel at isang ‘di pa kilalang ginang, kapwa residente ng Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite. Ayon sa ulat ni SFO1 James Tan ng ng Rosario, Cavite Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-2:00 ng hapon noong Lunes nang magsimula ang sunog sa Block 3 AC, Mercado St., Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite na itinaas sa unang alarma kasunod ng pagdedeklara…

Read More

DELIVERY RIDER BINARIL NG KARNAPER

CAVITE – Sugatan ang isang Lalamove rider na nag-deliver ng lechon makaraang barilin ng riding in tandem at tinangay ang kanyang motorsiklo sa Imus City noong Linggo ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Medical Center of Imus City ang biktimang si Efren Ligtas y Pelegreno, dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na magka-angkas sa isang itim na motorsiklong Honda Click. Ayon sa ulat, tumigil ang biktima at nagpahinga sa gilid ng kalsada sa Brgy. Palico 4, Imus City…

Read More

TSERMAN NIRATRAT SA BARANGAY HALL

PAMPANGA – Patay ang chairman ng Barangay Lacquios sa bayan ng Arayat sa lalawigan nang pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang barangay hall noong Linggo ng gabi, Agosto 11. Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Norberto Lumbang, alyas “Kap Mel”, 57, may asawa, pinagbabaril at napatay dakong alas-8:30 ng gabi. Ayon sa Arayat Police Station, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen na nag-ulat hinggil sa pamamaslang sa barangay chairman ng Lacquios. Nabatid na dumating umano sa barangay hall ang nasabing apat na hindi pa nakikilalang…

Read More

FISHING BAN SA CAVITE, HINILING ALISIN NA

HINIMOK ng grupong Pamalakaya noong Linggo ang gobyerno na alisin na ang fishing ban sa Cavite dahil malala pa aniya ang epekto ng fishing ban kaysa epekto ng oil spill. Sinabi ng grupo na ang langis mula sa lumubog na motor tanker sa Manila Bay ay hindi naman direktang naapektuhan ang mga pangisdaan sa probinsya. Ayon kay Ronnel Arambulo, vise-chairperson ng Pamalakaya, mas nakasasama at mas naperhuwisyo ang kabuhayan ng mga mangingisda sa indefinite fishing ban na ipinatupad sa siyam na baybaying bayan sa Cavite kaysa mismong oil spill. Daing…

Read More

2 KILO NG SHABU HULI SA ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY – Tinatayang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na umaabot sa P13.6 million ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) sa ikinasang anti-narcotics operation sa nasabing lungsod. Ayon kay PDEG Director PBGen. Eleazar Matta, nakumpiska ang ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operations nitong Biyernes ng madaling araw sa Barangay San Jose Gusu ng nasabing siyudad. Naniniwala si Gen. Matta na malaking kawalan sa merkado ang nasabat nilang droga at pagkakadakip sa itinuturing na bigtime drug personality na…

Read More

DRUG PERSONALITY NILIKIDA SA CEBU

CEBU – Dead on the spot ang isang 47-anyos na lalaking umano’y drug personality makaraang pagbabarilin sa Sitio Kadulang, Barangay Marigondon sa Lapu-Lapu City noong Huwebes ng madaling araw. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Christian Torres, spokesperson ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), itinawag sa LCPO Police Station 4 ang nasabing insidente ng pamamaril. Duguan at wala nang buhay nang datnan ng nagrespondeng mga tauhan ng Police Station 4, ang biktima sa gilid ng kalsada. Habang wala na rin sa lugar ang sinasabing bumaril sa lalaki. Tumanggi namang ibigay ng…

Read More

LAWAK NG OIL SHEEN SA MANILA BAY NABAWASAN NA

NABAWASAN ang lawak ng oil sheen sa Manila Bay, o ang bakas ng langis na tumagas mula sa lumubog na motor tanker na MT Terranova sa karagatan ng Limay, Bataan, base sa drone aerial monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG). Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang operasyon para sa paghahanda sa siphoning ng langis sa loob ng barko. Sinabi ni CG Lt. Cmdr. Michael John Encina, nagawa na rin ang metal caps at aalamin nila kung sinimulan na ang paglalagay nito sa mga valve ng MT Terra Nova. Dagdag…

Read More

‘Di nagkasundo sa argumento LALAKI TINARAKAN NG BINATILYO

CAVITE – Hawak na ng mga awtoridad ang isang binatilyo makaraang pagsasaksakin at napatay ang isang lalaki nang nagtalo habang nagkukuwentuhan sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Isinugod sa De La Salle University Hospital ang biktimang si alyas “Elijah” subalit hindi na umabot nang buhay. Nasa kustodiya na ng Dasmariñas City Social Welfare and Development ang suspek na si alyas “Denz” matapos naaresto nang ituro ng isang saksi sa insidente. Ayon sa ulat, bandang alas-10:05 ng gabi nang mangyari ang insidente habang nagkukuwentuhan ang dalawa at isang kaibigan sa…

Read More

BUMBERO PATAY SA SUNOG SA QUEZON

QUEZON – Nagluluksa ang tanggapan ng Bureau of Fire Protection sa lalawigan ng Quezon matapos na pumanaw ang isang miyembro dahil sa pagresponde sa sunog sa bayan ng Pagbilao noong nitong Martes ng madaling araw. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital si FO1 Marlon Atis dahil sa mga sugat sa sunog na nangyari sa isang establisyemento sa Pornobi St., Barangay Sta. Catalina, pasado alas-5:00 ng umaga noong Martes. Si FO1 Atis na miyembro ng Pagbilao BFP, na kasama sa mga nagresponde sa sunog ay namatay matapos na…

Read More