ARESTADO ng mga awtoridad ang isang dating kasambahay na suspek sa pagpapasabog sa bahay ng anak ng kanyang employer na ikinamatay ng babaeng amo, sa manhunt operation ng Tayabas PNP sa Brgy. Lalo, Tayabas City noong Sabado ng ng madaling araw. Ayon sa Tayabas PNP, ang suspek na kinilalang si Rhea Coroza Dalde, 36-anyos, residente ng nasabing lugar, ay tinaguriang most wanted person sa provincial level at nakapagtago sa batas sa loob ng halos 14 taon. Nahuli ang suspek dakong alas-4:00 ng madaling araw noong Sabado sa pamamagitan ng isang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
NAGNAKAW NG ADOBO TINANGAY PATI KALDERO
NUEVA VIZCAYA – Arestado ang apat na lalaki matapos tangayin ang isang kalderong adobo sa isang karinderya sa bayan ng Bagabag, sa lalawigan. Kaagad namang natimbog ang apat matapos makilala ang mga ito dahil sa kuha ng CCTV ng establisyemento. Sa nasabing footage ng CCTV, nakita na magkakasunod na dumating ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo. Isa sa mga motorsiklo ang huminto sa tapat sa karinderya at bumaba ang nagmamaneho na nakasuot ng itim na t-shirt at puting sumbrero at pumalit sa kanya ang backrider na nakasuot ng basketball…
Read More3 MINORS ARESTADO SA MOTORNAPPING
CAVITE – Nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang tatlong menor de edad na mga estudyante na naaresto makaraang tumangay ng nakaparadang motorsiklo sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (carnapping) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Cedric”, 15, “Levi”, 16, at “King”, 17, pawang mga estudyante at residente ng Talon, Las Piñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi nang iparada ng biktimang si alyas “Jim”, 26, factory worker ang kanyang motorsiklong na…
Read MoreMAGDYOWANG PRANSES, PINAY NATAGPUANG PATAY SA TENT
BOHOL – Natagpuang walang buhay ang mag-live -in partner na isang French national at Pinay sa loob ng isang camping tent na itinayo sa loob ng isang pribadong subdivision sa Tagbilaran City, sa lalawigan nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa inisyal na report ng Bohol Police Provincial Office (BPPO), natagpuan ang mga labi ng French national na may edad 39-anyos, at ng Pinay na may edad 30-anyos, sa loob ng tent na itinayo sa loob ng Camella Homes sa Barangay Bool. Ayon sa BPPO, isang residente ang nagpaabot sa kanila ng impormasyon na may dalawang bangkay ng tao ang natuklasan…
Read MoreP20-M DROGA NASABAT SA 2 BUY-BUST SA CEBU
CEBU – Tinatayang mahigit sa P20 milyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang magkasunod na buy-bust operation sa lalawigan. Naaresto ang dalawang high value individuals (HVIs) at nasamsam sa mga ito ang dalawang kilo ng ilegal na droga. Ayon sa Cebu PNP, isinagawa ang unang operasyon sa Sitio Upper, Barangay Bacayan sa Cebu City noong Martes ng gabi at natimbog ang isang Kenneth Cabajar, 26, na isang regional HVI. Nakumpiska sa suspek ang 15 medium packs ng ilegal na droga na tinatayang may timbang na…
Read More2 PILOTO PATAY SA NAVY TRAINING CHOPPER CRASH
CAVITE CITY – Patay ang dalawang piloto ng Philippine Navy (PN) makaraang bumagsak ang isang training helicopter malapit sa pampublikong palengke sa lungsod nitong Huwebes ng umaga. Isinugod sa Cavite Medical Center si Pilot Lt. John Kyle Borres, 36, tubong Cebu, ngunit idineklarang dead on arrival, habang sa Bautista Hospital dinala si Co-Pilot ENS Izzah Leonah Taccad, 26, tubong Isabela, subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Ang dalawa ay kapwa miyembro ng Philippine Navy (PN) at nakatalaga sa Naval Air Wing, Sangley Point, Cavite City. Ayon sa ulat…
Read MoreJEEPNEY DRIVER PATAY SA PAMAMARIL
BATANGAS – Patay ang isang 41-anyos na lalaki matapos na barilin ng kapwa jeepney driver sa Lipa City sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Jay Labiaga, 41, residente ng Brgy. Lumbang sa lungsod. Ayon sa report ng Lipa City Police, dakong alas-7:30 ng umaga, nag-aayos ng kanyang pampasaherong jeep ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na si alyas “Christopher”, 35, na kanilang kapitbahay, at bigla na lamang siyang pinaputukan ng .45 kalibreng baril. Agad isinugod ang biktima sa Metro Lipa Medical…
Read MoreRIDER, ANGKAS PATAY SA SUMALPOK NA MOTOR
CEBU CITY – Dead on the spot ang driver ng motorcycle taxi at ang pasahero nito matapos maaksidente sa Cebu South Coastal Road, South Road Properties sa lungsod noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Move It rider Brian James Bayarcal, 26, taga Lamintak Norte, Medellin, Cebu, at Chlea Jane Gomez, 28, residente, Mandaue City. Batay sa imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit ng Cebu City Police Office, binabaybay ng motorsiklo ang highway nang sumalpok ito sa center island at tumilapon sa kabilang lane ang dalawang sakay. Nahagip naman…
Read MoreP3.4-M SHABU, NASAMSAM SA PIER SA BATANGAS
BATANGAS CITY – Umabot sa P3.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang naharang ng mga awtoridad sa anti-illegal drugs operation sa Batangas Port sa Barangay Sta. Clara sa lungsod noong Miyerkoles ng hapon. Batay sa report ng PDEA 4A, dakong alas-4:00 ng hapon nang maharang ng kanilang mga operatiba, kasama ang mga tauhan ng Batangas PNP at PDEA SIU Batangas, ang suspek na si alyas “Grace”, 37-anyos, taga Barangay Santiago, Naujan, Oriental Mindoro habang naghihintay ng barko patungong Mindoro. Nakuha sa suspek ang limang piraso ng tied plastic transparent…
Read More