NUEVA ECIJA – Patay ang pitong rebeldeng komunista makaraang maka-engkwentro ang tropa ng 84th Infantry “Victorious” Battalion ng Philippine Army, sa Pantabangan sa lalawigan, na nagresulta sa pagkakabawi sa sampung high powered firearms. Ayon kay Philippine Army spokesperson, Col. Louie Dema-ala, base sa ulat na isinumite ng Northern Luzon Command kay CGPA Lt. Gen. Roy Galido, pitong miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng Communist Terrorist Group (CTG) ang napaslang ng kanilang mga tauhan sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Batay sa impormasyong ibinahagi ni Lieutenant Colonel…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P117K NG POULTRY SUPPLY SHOP ITINAGO NG DELIVERY BOY
CAVITE β Swak sa sa kulungan ang isang delivery boy ng isang poultry supply shop nang tangkain nitong ibulsa ang P117,000 na kita ng tindahan sa bayan ng Magallanes sa lalawigan noong Martes ng umaga. Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si alyas “Dave”, ng Brgy. Caluagana, Magallanes, Cavite, dahil sa reklamo ng kanyang amo na si alyas “Cris”, may-ari ng poultry supply shop. Ayon sa ulat, dakong alas-11:20 ng umaga nang dumating si Cris sa tindahan at sinabi sa kanya ng kanilang kahera na si “Rose” na nawawala…
Read MoreGRUPO NI ‘BOSS TOYO’ NASALISIHAN SA CAVITE
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite City Police hinggil sa insidente ng salisi sa grupo ng social media influencer na si “Boss Toyo” sa Cavite City noong Martes ng umaga. Ang imbestigasyon ay bunsod ng FB Live ni Boss Toyo na sinabing tinangay ang ilang mga gamit ng kanilang artist, model at mga dancer sa harapan ng isang supermarket sa Barangay 55, Cavite City bandang alas-11:30 ng umaga nang nagtungo ang grupo sa lugar. Agad namang ipinag-utos ni Police Lt. Col. Christopher Guste, hepe ng Cavity Component City Police…
Read MoreBOLANG INANOD SA ILOG SINUNDAN, LALAKI NALUNOD
CAVITE – Nalunod ang isang lalaki nang sundan nito ang bola na kanyang nilalaro nang anurin ng malakas na agos sa isang ilog sa Imus City noong Martes ng gabi. Isinugod sa Ospital ng Imus ang biktimang si alyas “Kim” subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat, nagkayayaan ang tropa ng biktima at ilang mga kaibigan na maligo sa Imus River sa Brgy. Tanzang Luma 2, Imus City, bandang alas-12:05 ng hapon. Kasabay ng kanilang paliligo ay naglaro ng bola ang mga ito hanggang anurin ito ng malakas na…
Read More‘MONSTER’ NG CCG NAMATAAN MALAPIT SA BRP SIERRA MADRE
NAMATAANG gumagala sa paligid ng Philippine Navy BRP Sierra Madre malapit sa Ayungin Shoal ang tinaguriang “The Monster”, ang China Coast Guard 5901 na pinakamalaking barko ng coast guard nitong Martes, Hunyo 25. “We have noted reports of a large China Coast Guard (CCG) vessel passing near the BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal,” ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines. Ayon sa Hukbong Sandatahan ang presensya ng CCG vessel sa lugar ay “illegal, coercive, and contrary to the spirit of maintaining peace and stability in the region.”…
Read MoreNakawalang aso hinabol PUMASOK SA BAKURAN NG IBA, PINAPUTUKAN
CAVITE β Inaresto ang isang 63-anyos na senior citizen nang paputukan ang kanyang kapitbahay na pumasok sa kanyang bakuran habang hinahabol ang nakawalang aso sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Nahaharap sa kasong attempted murder at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang suspek na si alyas “Jerome” ng Brgy. Batas, Silang, Cavite matapos ireklamo ng kanyang kapitbahay na si alyas “Michael”, isang negosyante . Ayon sa ulat, nakawala sa kanilang bahay ang aso ni Michael. Hinabol ni Michael ang kanyang…
Read MoreDALAW SA PIITAN TIMBOG SA PASALUBONG NA SHABU
CAVITE β Arestado ang isang dalaw na babae makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga na inihalo sa pagkain na pasalubong sa kanyang kinakasamang isang Persons Under Police Custody (PUPC) sa Imus City noong Lunes ng umaga. Nasa kustodiya na ng ng Imus City Police Station ang suspek na si alyas “Shiela”. Ayon sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga, habang nagsasagawa ng inspeksyon si Pat. Paul Michael Falculan sa mga dala ng mga dalaw sa Imus Component City Lock-Up Cell sa Brgy. Malagasang 1-G, Imus City, nang may mapansin ito sa…
Read MoreGULONG NG PAMPASAHERONG VAN PUMUTOK, 11 SUGATAN
QUEZON β Umabot sa 11 ang sugatan kabilang ang driver, nang sumabog ang gulong ng isang passenger van at sumalpok sa concrete barriers sa Maharlika Highway, Brgy. Balubad sa bayan ng Atimonan sa lalawigan, noong Lunes ng hapon. Ayon sa report ng Atimonan Police, galing sa Camarines Sur ang Toyota Hi-Ace commuter van at patungong direksyon ng Lucena City, nang biglang sumabog ang hulihang kaliwang gulong nito. Nawalan ng kontrol ang driver nitong si Roel De De Leon Tablizo, residente ng Talisay, Camsur, at napunta ang van sa shoulder ng…
Read More2 NPA MEMBERS TODAS SA ENGKWENTRO SA BATANGAS
BATANGAS – Tatlong mga miyembro umano ng rebeldeng grupong New People’s Army ang napatay sa engkwentro sa militar sa sa Sitio Maligas, Barangay Acle, at Barangay Bolbok, sa bayan ng Tuy sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Ayon sa 59th IB ng Army, dalawang beses na nagsagupa ang mga tropa nila at ang mga rebelde dakong alas-6:30 ng umaga. Unang nasabat ng nagpapatrolyang mga tauhan ng 59th Infantry (PROTECTOR) Battalion ang siyam na armadong miyembro ng teroristang NPA sa nagsangang ilog sa Sitio Maligas, Barangay Bolbok, Tuy, na nagresulta sa…
Read More