LADY TRADER SUGATAN SA AMBUSH NG RIDER

CAVITE – Sugatan ang isang 61-anyos na negosyanteng ginang makaraang pagbabarilin ng isang motorcycle rider habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa Gen. Trias City noong Linggo ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si alyas “Norma”, ng Brgy. Biclatan, Gen. Trias City, dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib. Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na isang motorcycle rider na armado ng .45 kalibreng baril. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang Isuzu Max na may plakang DAE 8870, kasama ang…

Read More

9 PATAY SA KAMBAL NA ROAD TRAGEDY

LIMA ang patay nang mawalan ng preno ang isang truck sa national road sa Lower Mesolong, Brgy. Sto. NiΓ±o sa bayan ng Talaingod sa Davao del Norte noong Linggo ng umaga. Ayon sa Davao del Norte PPO, kabilang sa nasawi ang tatlong menor de edad. Batay sa imbestigasyon, nasa 25 tao ang sakay sa Isuzu truck at patungo sa beach sa bayan ng Mabini, Davao de Oro. Ngunit pagsapit sa palusong at kurbadang bahagi ng kalsada, nawalan umano ng preno ang truck. Tuluyang nawalan ng kontrol ang driver sa minamaneho…

Read More

GULONG NG TRUCK SUMABOG, KAGAWAD PATAY

CAGAYAN – Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isang tauhan ng vulcanizing shop matapos mauwi sa kamatayan ng motorcycle rider na isang barangay kagawad, ang pagsabog ng gulong ng truck na bino-vulcanize nito sa lalawigan. Kinilala ang vulcanizing crew na si Edison Garcia, 44-anyos, residente ng bayan ng Camalaniugan ng nasabing lalawigan Habang ang biktima ay kinilalang si Demi Balianca, 67-anyos, barangy kagawad ng Cullit, Lal-lo, Cagayan. Ayon kay PCapt. Jessie Alonzo, hepe ng Camalaniugan Police, matinding napinsala ang katawan ng biktima nang sumabog ang gulong ng…

Read More

RANK 8 MWP REGIONAL LEVEL, HULI SA CAMSUR

NAGTUNGO sa probinsya ng Camarines Sur ang mga operatiba ng Silang Municipal Police Station (MPS) upang maaresto ang isang rank no.8 most wanted person, regional level, sa kasong murder noong Miyerkoles ng gabi. Nasa kustodiya na ng Silang MPS ang suspek na si alyas “Jim”, ng Brgy. Balubad 1st, Silang, Cavite. Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Silang MPS na ang suspek ay nagtatago sa Barangay Manguiring, Calabanga, Camarines Sur. Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Andy S. De Vera, ng Regional Trial Court Branch…

Read More

HVI ARESTADO SA P187K SHABU

CAVITE – Tinatayang P200,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong indibidwal na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Silang noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-7:15 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Silang Municipal Police Station, sa Brgy. Biga 1, Silang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Jayson”. Nakumpiska sa suspek ang apat na sachet ng umano’y shabu na tinatayang 27.60 gramo ang…

Read More

BAHAY, MOTOR SINALPOK NG TRUCK, 3 PATAY

BATAAN – Tuluyan nang hindi nagising ang natutulog na dalawang babae, at isang rider ang namatay rin makaraang araruhin ng trailer truck ang isang motorsiklo at isang bahay sa Purok 5, Barangay Bangal, sa bayan ng Dinalupihan sa lalawigan. Dead on the spot ang tatlo matapos na salpukin ng truck ang isang motorsiklo bago nagtuloy-tuloy sa isang bahay kung saan natutulog ang dalawang biktima. Ayon sa ulat ng Dinalupihan Municipal Police Office, kinilala ang namatay na motorcycle rider na si Eunice Ann Gonzales, 26, ng Olongapo City, namatay naman sa…

Read More

KAGAWAD PATAY SA RUSSIAN ROULETTE

CAVITE – Patay ang isang incumbent kagawad nang maglaro ng Russian roulette habang nakikipag-inauman sa kanyang mga kaibigan sa bayan ng Indang sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Poblete Hospital ang biktimang isang barangay kagawad ng Brgy. Circa, dahil sa tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa kanyang lalamunan. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Michael Crisostomo ng Indang Police Station, bandang alas-7:35 ng gabi nang mangyari ang insidente. Nakikipag-inuman umano ang biktima sa ilang kaibigan para sa selebrasyon ng kapistahan sa Brgy. Tambo Kulit, Indang,…

Read More

TRAVEL AGENCY SA MALOLOS IKINANDADO NG DMW

AGAD na ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency na umano’y naging illegal recruiter ng overseas Filipino workers (OFW), sa Malolos, Bulacan kahapon, Biyernes. Mismong si Undersecretary for Licencing and Adjudication service Bernard P. Olalia ang nanguna sa pagkandado ng nasabing establisyemento sa Barangay Catmon sa Lungsod ng Malolos. Base sa mga reklamo at sumbong na nakarating sa ahensiya ng DMW mula sa mga nabiktima ng umano’y illegal recruitment, kumpirmado ang natanggap nilang report kaya agad na isinagawa ang pagsalakay sa High Dreamer Travel and Tours…

Read More

DALAW SA KULUNGAN, HULI SA PASALUBONG NA DROGA

CAVITE – Deretso sa kulungan ang isang babaeng dalaw sa isang preso makaraang mahulihan ng ilegal na droga na nakasiksik sa pagkaing dala nito sa piitan sa Imus City, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Jemie”, isang dalaw sa Imus City Component Station Lock-up Cell. Ayon sa ulat, bandang alas-5:40 ng hapon nang dumalaw si Jemie sa Imus City Police Station Lock-up cell sa Brgy. Malagasang 1G, Imus City, bitbit ang pagkain at ilang personal na gamit para sa isang Person Under Police Custody (PUPC) na…

Read More