CAVITE – Sinunog ng limang ‘di kilalang kalalakihan ang isang sasakyan na panghakot ng mga basura sa DasmariΓ±as City noong Sabado ng umaga. Ang sinunog ng limang kalalakihan ay isang 10 wheeler HOWO truck na may plakang NH B8625, na pagmamay-ari ng isang Nelson Ching ng Metro Waste Solid Waste Management Corporation. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang sunugin ng limang kalalakihan ang nasabing dump truck habang nakaparada ito sa Silang-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1, DasmariΓ±as City, Cavite. Agad namang ini-report ang nasabing insidente sa DasmariΓ±as Component…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MAGSASAKA ITINUMBA SA TABI NG ANAK
CAVITE – Patay ang isang 58-anyos na magsasaka nang pagbabarilin ng isang lalaking sakay ng isang sasakyang sedan, habang kumakain sa isang canteen kasama ang kanyang anak sa tabi ng isang sabungan sa Tagaytay City noong Sabado ng umaga. Isinugod ang biktima na si alyas “Robert” ng Brgy, Matabungkay, Lian, Batangas, sa Mendez Specialist Hospital sa Brgy. Galicia 3, Mendez, Cavite subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa tama ng ‘di nabatid na kalibre ng baril. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng isang…
Read More2 TIMBOG, 4 PA TINUTUGIS SA HOLDAPER NA ‘PULIS’
PATULOY ang manhunt operation ng mga tauhan ng Philippine National Police sa grupo ng kalalakihan na nagpanggap umanong mga pulis at nanghoholdap ng mga convenience store. Ito ay matapos maaresto ang dalawa sa anim na kabilang sa umano’y gumagamit ng uniporme ng mga parak at nag-o-operate sa Central Luzon, Rizal at Metro Manila, sa ikinasang hot pursuit operation ng pulisya sa Pampanga matapos na pasukin ang isang 24/7 store sa Taytay, Rizal. Ayon sa ulat kay Bulacan Police director, PCOL. Relly Arnedo, ikinasa ang operasyon ng Bulacan Provincial Intelligence Unit…
Read More3 ARESTADO SA ILLEGAL MINING SA CAMNORTE
CAMARINES NORTE – Tatlong indibidwal ang isinelda ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation β Environmental Crime Division (NBI-EnCD) sa isinagawang follow-up sa ipinatupad na Cease-and-Desist Order sa mining activities sa Barangay Tayabas, sa bayan ng Paracale sa nasabing lalawigan. Kinilala ni NBI Director JaimeSantiago ang mga suspek na sina Archel Armillos, Bobby Loyola at Judy Deauna Ang tatlo ay pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7943 (Philippine Mining Act of 1995) at Section 77 ng Presidential Degree 705 (Reform Forestry Code of the…
Read MoreAHENTE NG LUPA, TODAS SA RIDING IN TANDEM
LUCENA CITY – Patay ang isang 60-anyos na lalaking ahente ng lupa nang pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem sa Brgy. Ilayang Talim sa lungsod noong Huwebes ng gabi. Agad nalagutan ng hininga habang nakaupo sa passenger seat ng sinasakyang kotse ang biktimang si Manuel Sanchez Pilarca, residente ng Villafuerte Subd., Brgy. Ibabang lyam, Lucena City. Ayon sa report ng Lucena City Police, dakong alas 6:30 ng gabi, pasahero ang biktima ng kotseng Toyota Wigo na minamaneho ng kasama nitong isa ring ahente, nang pagbabarilin ito ng backrider ng…
Read MoreDRIVER NG SUV TUGIS SA PAMAMARIL
CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang driver ng isang itim na Toyota Fortuner na responsable sa pamamaril sa isang lalaki na kausap nito sa harapan ng bahay ng huli sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Ang suspek na si alyas “Mario”, driver ng itim na Toyota Fortuner na may plakang DAI 7670, ay tumakas matapos pagbabarilin ang biktimang si alyas “Allan” ng Brgy. Aligaro, Gen Trias City, idineklarang dead on arrival sa Gen. Trias Medical Center. Ayon sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi nang mangyari ang insidente…
Read MoreSUNDALONG TRAINEE BUMAGSAK, PATAY
CAVITE β Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ng isang candidate soldier na nag-collapsed habang sumasailalim sa swimming lesson sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Unang isinugod sa Medical Dispensary saka inilipat sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Candidate Soldier Joel V. Jimena. Ayon sa naantalang ulat, sumailalim sa Swimming Lesson with Practical Application ang mga sundalo kabilang si Jimena sa Katungkulan Beach Marine Barracks sa Gregorio Lim, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite bandang alas-7:10 umaga nang bigla umano itong bumagsak.…
Read MoreSERBISYO SA TAGA-MONTALBAN PINABILIS NI NOGRALES
BINISITA ang Amityville Subd., Brgy. San Jose, Montalban, Rizal ni Congressman Fidel Nograles upang maghatid ng tulong pinansyal, tulong pangkabuhayan, tulong medikal, at tulong pang-edukasyon sa mga residente sa nasabing lugar. Mahigit dalawang libong kapos-palad nating senior citizens, kababaihan, at mag-aaral ang nabigyan ng ayuda mula sa mambabatas ng Montalban. Ayon pa sa kanya, alam niyang mahirap ang buhay ngayon, kaya sa pinansyal o personal na problema, ginagawa niya ang lahat upang kahit papaano ay makatulong siya agad, at patuloy siyang kumikilos upang matugunan ang mga kahilingan ng ating mga…
Read MoreSINGLE PARENTS SINAGIP SA HUMAN TRAFFICKING
SINAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 kababaihan, karamihan ay single parents, pawang mga biktima ng human trafficking, sa isang establisimyento sa Mandaue City. Sa pangunguna ng NBI-Cebu District Office, sinalakay ng mga awtoridad ang isang bar sa A.S. Fortuna Street sa Barangay Banilad, Mandaue City, na nagresulta sa pagkakasagip sa mga kababaihan. Arestado naman ang umano’y supervisor ng bar na kinilalang siΒ Rizal Novela na maaaring maharap sa kasong paglabag sa anti-human trafficking law. Nag-ugat ang operasyon sa tip ng isang concerned citizen na umano’y…
Read More