LAGUNA – Patay ang isang hindi pa kilalang babae makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa San Pablo City noong Martes ng gabi. Ayon sa report ng San Pablo City Police, bago ang pamamaril, may nakitang isang kotse na huminto sa pinangyarihan ng insidente sa Brgy. San Lucas 1, dakong alas-10:15 ng gabi. Lumapit dito ang biktima at kinakausap ang dalawang sakay na lalaki, subalit mula kung saan ay dumating ang mga suspek na magka-angkas sa motorsiklo. Bumaba ang backrider at pinagbabaril nito ang babae at saka mabilis na sumakay…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
EX-KAPITAN, ANAK PATAY SA AMBUSH
LEYTE – Patay ang isang dating kapitan ng barangay at menor de edad na anak nito matapos na tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Barangay Casilion, sa bayan ng Villaba, sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang si Danilo Mates, 57, dead on the spot, at ang 7-anyos nitong anak na si Dan Kyle na nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Gatchalian Hospital sa Ormoc City. Ayon sa report, sakay sa motorsiklo ang dating kapitan, angkas ang kanyang misis at ang anak nilang batang…
Read More2-DAY TRANSPORT STRIKE SA CALABARZON KASADO NA
KASADO na ang malawakang transport strike ng grupong STARTER-PISTON sa Southern Tagalog ngayong Huwebes at Biyernes, Disyembre 14-15. Ayon sa grupo, target nila na 100% na maparalisa ang major routes sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Batangas. Ayon pa sa grupo, nagkumpirma na ng paglahok ang iba’t ibang mga JODA at sectoral organizations sa nasabing mga probinsya. Kabilang sa inaasahan nilang magiging chokepoints ang Kalinisan, Bacoor; Paliparan, Robinson Pala Pala, at Bulihan sa Cavite. Sa Laguna, ang strike centers ay sa Kapitolyo extension at ang chokepoints ay sa Waltermart,…
Read MoreHEART ATTACK IKINAMATAY NG 2 KOREANO SA SAUNA
BATANGAS – Heart attack at hindi suffocation ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang Koreano noong Huwebes sa Sea Spring Resort, Brgy. Mainit, sa bayan ng Mabini sa lalawigan. Ayon kay Major Arwin Baby Caimbon, Mabini chief of police, base sa mga doktor na tumingin sa dalawang Koreano, “acute myocardial infarction (heart attack) secondary to heat stroke” ang ikinamatay ng dalawang turista taliwas sa unang report na umano’y dahil sa suffocation. Matatandaan noong Huwebes, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang matagpuan sina Sun Tae Kim, Yun Seok Seo at Hak…
Read More2 PATAY SA MOTORCYCLE CRASH SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang isang pulis at ang isa pang rider sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa mga bayan ng Taal at Calaca sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Dead on arrival sa ospital ang pulis na kinilalang si PCMS Simeon De Leon, nakatalaga sa Taal Municipal Police Station, matapos makasalpukan ng kanyang motorsiklo ang kasalubong na isa ring motorsiklo na minamaneho ng 27-anyos na si Jeremy Agno, sa national road sa Brgy. Tulo, Taal dakong alas-6:40 ng gabi. Parehong isinugod sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery…
Read MoreBATA PATAY SA NALULON NA GUMMY BALL CANDY
ANTIQUE – Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos mabulunan ng gummy ball candy sa Barangay Poblacion, sa bayan ng San Remigio sa lalawigan. Ayon sa tiyahin ng biktimang si “Tristan”, nagpabili ito ng gummy ball candy sa kanyang inang si “Ara” sa tindahan. Nang makabili ang nanay, agad kinain ng bata ang candy subalit laking gulat ng ina nang makita itong nahihirapan sa paghinga makaraan ang ilang sandali. Hindi sinasadyang nalulon pala nito nang buo ang bilog na candy. Agad itong isinugod ng mga kaanak sa ospital at…
Read MoreKATAWAN NG OBRERO NAHATI SA BACKHOE
BATANGAS – Nahati ang katawan ng isang construction worker matapos na tamaan ng bucket tooth ng backhoe sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Ricardo Domanais, tubong Prieto Diaz, Sorsogon at residente ng Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas. Ayon sa report, dakong alas-8:30 ng umaga nang tamaan umano ang biktima ng ngipin ng backhoe na ino-operate ng isang nangangalang “Marjun” sa construction site sa Nasacosta resort sa Sitio Aplaya, Barangay Natipuan. Nagpapatag ng nakatambak na lupa ang operator ng backhoe nang hindi nito…
Read MoreMAHIGIT P1-M SHABU NASAMSAM SA PAMASKONG REGALO
CAVITE – Swak sa kulungan ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), matapos nahulihan ng mahigit P1 milyong halaga ng umano’y shabu na nakabalot na parang pamaskong regalo, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan, noong Sabado ng hapon. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Dimanatan”, nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Dann Czar Rosales ng GMA Police Station, dakong alas-3:40 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug…
Read MoreRIDER SUMALPOK SA PADER, PATAY
CAVITE – Patay ang driver ng isang motorsiklo habang sugatan ang angkas nito nang bumangga sa kongkretong pader ng isang gusali sa bayan ng Tanza, sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Isinugod sa Tanza Specialist Medical Center ang biktimang si alyas “Jordan”, 20, driver ng motorsiklo, ngunit nalagutan ng hininga dahil sa grabeng pinsala sa katawan, habang nilalapatan ng lunas ang angkas nitong si alyas “Jerwin”, 25-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Barangay Amaya 3, Tanza, Cavite. Patungo ang motorsiklo…
Read More