BATANGAS – Patay ang dalawang lalaking rider nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa national highway sa bayan ng Lemery, sa lalawigang ito noong Huwebes ng gabi. Kapwa ideklarang dead on arrival sa ospital sina Ronnel Catenio, 36, at at Kevin De Castro, 29, parehong ng bayan ng Lemery. Batay sa report ng Lemery Police, magkasalubong na tumatakbo ang dalawa sa Ramon Diokno Highway ngunit pagsapit sa Barangay Payapa Ibaba ay nagkasabitan ang mga ito dakong alas-10:25 ng gabi. Lumabas sa imbestigasyon na medyo nasakop umano ng motorsiklo ni Catenio ang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 KOREANO NATAGPUANG PATAY SA SAUNA ROOM
BATANGAS – Wala nang buhay ang dalawa sa tatlong lalaking Korean national nang matagpuan sa sauna room ng isang resort sa bayan ng Mabini sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa inisyal na report ng Mabini Police, ang tatlong Korean ay guest sa Sea Spring Resort sa Brgy. Mainit, Mabini. Kinilala ang dalawang namatay na sina Sun Tae Kim, 67, at Yun Seok Seo, 63-anyos. Lumalabas sa imbestigasyon, pawang lasing ang tatlong Korean nang pumasok ang mga ito sa sauna room ng resort. Makaraan ang ilang oras…
Read MoreNAG-AGAWAN SA BARIL, TULAK PATAY SA PARAK
CAVITE – Patay ang isang 28-anyos na lalaki na may kasong ilegal na droga, nang tamaan ng bala habang nakikipag-agawan sa baril ng isang pulis nang pumalag habang sinisilbihan ng arrest warrant sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Randy”, residente ng Brgy. Talaba 6, Bacoor City, Cavite Ayon sa ulat ni Police Staff Master Sergeant Roberto Lacasa ng Bacoor City Police, dakong ala-1:30 ng hapon, nagtungo ang mga operatiba ng Warrant Section ng Bacoor Component City Police Station, sa Bagong Kalsada, Brgy. Zapote…
Read MoreDRUG GROUP MEMBER, 2 PA LAGLAG SA BUY-BUST
CAVITE – Swak sa kulungan ang tatlong hinihinalang tulak, kabilang ang isang miyembro ng Castillo drug group, makaraang makumpiskahan ng tinatayang P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Gerry”, miyembro ng Castillo drug group, alyas “Noli” at alyas “Federico”, pawang nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 kamakalawa ng hapon nang madakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Kawit Municipal Police Station sa Brgy. Gahak, Kawit, Cavite si alyas “Gerry”,…
Read MoreINMATE SA RIZAL NAGSAKIT-SAKITAN, NAKATAKAS
RIZAL – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang inmate na tumakas habang dinadala sa ospital noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ng nakatakas na si Ryan Caballa Lozano, inmate sa Teresa, Rizal Municipal Police Station custodial facility, nakulong dahil sa kasong illegal drugs. Ayon sa report ng Teresa Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang makatalon at makatakbo ang inmate habang sakay ng patrol car sa Corazon C. Aquino Ave. sa Brgy. Prinza, sa naturang bayan. Dadalhin sana ito sa Rizal Provincial Hospital, sa bayan ng Morong matapos na dumaing ng pananakit…
Read MoreNAGLAKAD SA RILES, PWD PATAY SA TREN
QUEZON – Patay ang isang lalaking person with disability (PWD) nang masagasaan ng PNR train sa Brgy. Inaclagan, sa bayan ng Gumaca, sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Danilo Caperiña, 65-anyos. Ayon sa report ng Gumaca Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang masagasaan ng Bicol bound train ang biktima habang naglalakad sa mismong riles. Ayon sa mga nakasaksi, sunod-sunod na ang pagbusina ng operator ng train na si Gregorio Sevilla subalit hindi umano ito napansin ng biktima na napag-alamang may kapansanan sa pandinig. Tuluyan itong…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIOT NG KABATAAN
QUEZON – Patay ang isang 17-anyos na binata sa labo-labo ng walong mga kabataan sa Port of Polillo sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Polillo, sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Jennoel Garcia, residente ng Barangay Sibulan. Ayon sa report, pasado alas-11:00 ng gabi nang magpang-abot ang dalawang grupo ng mga kabataan sa nasabing lugar na halos 300 metro lamang ang layo mula sa police station. Naunang dumating ang grupo ng biktima subalit mula sa madilim na…
Read MoreBUS NAHULOG SA BANGIN;17 PATAY, 12 SUGATAN
ANTIQUE – Umakyat na sa 17 ang bilang ng mga namatay habang 12 naman ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang isang passenger bus sa bayan ng Hamtic sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Ayon sa Antique Police, 17 ang namatay kabilang ang driver, at inspector ng bus, at isang 17-anyos na estudyante na nasagi ng bus. Naging pahirapan ang pagkuha sa mga bangkay ng driver at inspector ng bus dahil kapwa naipit ang mga ito nang bumulusok ang bus sa malalim na bangin. Una nang nilinaw ng Vallacar…
Read MoreKlase sa lahat ng antas sinuspinde PANGIL, LAGUNA BINULABOG NG BOMB THREAT
SINUSPINDE nitong Martes ni Pangil, Laguna Mayor Gerald Aritao ang pasok sa lahat ng eskwelahan at munisipyo dahil sa bomb threat. Sa post ng alkalde sa kanyang Facebook page dakong alas-9:00 ng umaga, sinabi nito na ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa buong bayan ng Pangil, ay sinususpinde dahil sa bomb threat. Agad din itong humingi ng tulong sa Laguna Police Provincial Office para magpadala ng bomb squad at imbestigahan ang nangyaring bomb threat. Samantala, sa panayam kay Corporal Chester Allan Dator,…
Read More