MAGSASAKA TINADTAD NG BALA SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang binatang magsasaka matapos na tadtarin ng bala sa tabi ng taniman ng tubo sa Brgy. Salao, sa bayan ng Rosario, sa lalawigang ito. Kinilala ng Rosario Police ang biktimang si Renan Rosales, 33-anyos. Ayon sa report ng pulisya nitong Linggo, nadiskubre na lamang ang ng biktima na wala nang buhay at tadtad ng tama ng bala ng baril habang nakatimbuwang sa tabi ng kanyang motorsiklo malapit sa isang tubuhan. Ayon sa mga kaanak nito, huli itong nakitang buhay dakong alas-09:00 ng gabi noong Sabado. Patuloy…

Read More

MWP SA RAPE SWAK SA REHAS SA BATANGAS

BATANGAS – Himas rehas ang isang regional most wanted person ng Calabarzon matapos na matimbog ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion 1, sa bayan ng Bauan, sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kinilala ng naaresto na si John Mark Bisa, 23, factory worker, at residente ng Bauan, Batangas. Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Bauan Municipal Police Station, kasama ang Regional Intelligence Unit 4A – Provincial Intelligence Team Batangas, Regional Intelligence Division 4A, at ng iba pang PNP units ng Batangas, sa bisa ng warrant of arrest na…

Read More

Dating pulis tiklo sa buy-bust AKTIBONG PULIS HULI SA DOUBLE MURDER

BATANGAS – Isang dating pulis at isang aktibong pulis ang naaresto ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon dahil sa magkaibang kaso sa lalawigan ng Batangas at sa Rizal noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Calabarzon Police Regional Office, sa unang operasyon sa Sto. Tomas City, Batangas, timbog ang dating pulis na kinilala lamang sa pangalang “Jun Rey”, sa drug buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Brgy. San Rafael, alas 11:20 ng gabi. Ang suspek ay nakatala bilang high value individual drug personality sa PNP drug…

Read More

RIDER HUMAMPAS SA POSTE, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 37-anyos na driver nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang konkretong poste sa gilid ng kalsada sa Gen. Trias City noong Lunes ng gabi. Isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Fernando Bersola Dacles, ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Christopher H. Dumalo ng Gen. Trias City Police, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na Yamaha TFX 150, at binabagtas ang Arnaldo Highway, Brgy. Santiago, Gen. Trias City dakong alas-11:40 ng…

Read More

3 PATAY SA AKSIDENTE SA MOTOR SA CAVITE

CAVITE – Patay ang tatlo katao sa tatlong aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng motorsiklo sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Victoriano”, 60, construction worker; alyas “Wilson”, at alyas “John”. Ayon sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga nang mangyari ang isang insidente sa Saloysuy City Land Road, Purok 7, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City. Minamaneho ni alyas “Dio” ang kanyang motorsiklo na Suzuki Raider at naka-angkas si alyas “Victoriano”, habang motorsiklong Honda TMX ang minamaneho ni alyas “Delfin” at…

Read More

3 CONTRACTUAL WORKERS TIMBOG SA QUALIFIED THEFT

CAVITE – Arestado ang tatlong contractual workers nang ipuslit ng mga ito ang tinatayang mahigit sa P11,000 halaga ng mga gamit ng kumpanya sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi. Nahaharap sa kasong qualified theft ang mga suspek na sina alyas “Rey”, “Ruel” at “Liza” dahil sa reklamo ni Marvin Munar. Ayon sa ulat, palabas ng gate ng planta sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City ang mga suspek na pawang maintenance crew, sakay ng isang Isuzu pick-up na may plakang UBZ 703, dakong alas-7:45 ng gabi. Ngunit nang…

Read More

DRIVER NIRATRAT SA TRICYCLE

LAGUNA – Dead on the spot ang isang driver matapos na pagbabarilin ng riding in tandem gunmen habang sakay ng tricycle sa harap ng isang mall sa Sta. Rosa City, Laguna noong Linggo ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Marlo Bautista Caguimbal dahil sa mga tama bala sa katawan. Ayon sa report ng Santa Rosa Police, dakong alas-8:00 ng gabi, nasa Gate 2 ng mall ang tricycle ng biktima nang harangin ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril. Agad ding tumakas ang mga suspek patungo sa…

Read More

3 SUGATAN SA SUNOG SA PILA, LAGUNA

LAGUNA – Tatlo katao ang nasugatan sa sunog na tumupok sa ilang kabahayan at establisyemento sa isang residential area sa Barangay Sta. Clara Sur, sa bayan ng Pila, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa Pila Police, sumiklab ang sunog sa bahay ng dalawang pamilya, ang Umali at Gonzales family, at kumalat sa ilan pang kabahayan dakong alas-10:48 ng gabi. Nadamay rin sa sunog ang isang sofa bed factory. Agad nagtulong-tulong ang mga residente para sugpuin ang apoy. Ilang minuto pagkaraan ay nagresponde ang mga tauhan ng Pila…

Read More

SENIOR SINAKSAK NG KAPWA DRIVER

CAVITE – Naospital ang isang 60-anyos na senior citizen nang pagsasaksakin ng gunting ng kapwa nito driver makaraang nagtalo dahil sa away-kalsada dulot ng gitgitan ng sasakyan sa Gen. Trias City, noong Sabado ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Joseph Ramos Aviles dahil sa saksak sa katawan gamit ang gunting ng suspek na si alyas “Reynaldo”, 31, ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City. Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City, dakong alas-2:00 ng hapon nang mangyari ang…

Read More