BATANGAS – Patay ang isang incumbent barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga. Kinilala ni Major Fernando O. Fernando, hepe ng Taal police, ang biktimang si Erasmo “Resty” Divino Hernandez, chairman ng Barangay Poblacion, Zone 10, Taal, Batangas. Batay sa report ng Taal police, nakatayo si Hernandez sa harap ng kanilang barangay hall nang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril bandang alas-7:20 ng umaga. Naisugod pa sa Lemery Doctors Medical Center si Hernandez pero nalagutan ng hininga habang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
22 SUGATAN SA NABANGGANG MINIBUS
CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang 21 pasahero at ang driver ng isang minibus makaraang mabangga ng isang Mitsubishi Fuso van sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Pawang isinugod sa Binakayan Hospital ang mga biktimang sina Crissa Ocampo Feliciano, Madeline Theressa Rodriguez Olmoguez, Teresita Centero Kraus, Myrna Centero Romero, Riza Jane Sevegan Berondo, Mark Joseph Alfaro Amar, Jurisa Bandarlipe Luna, Airis Bandarlipe Luna, Seandale Bandarlipe Donato, Rodolfo Lagarto Bandarlipe, Salvacion Ilao Bandarlipe, Judy Lucban Ocampo, Annaliza Tulao Catimbang, Mary Jean Amor Sumagdon, Nashnine…
Read More2 DRIVER PATAY SA SUWAGAN NG 2 MOTORSIKLO
BATANGAS CITY – Kapwa patay ang dalawang rider nang magsalpukan ang kanilang motorsiklo sa provincial road sa Batangas City noong Linggo ng gabi. Magkasunod halos idineklarang dead on arrival sa ospital ang mga driver na sina Luciano Mahaguay, 31, ng Brgy. Balagtas, Batangas City, at Joven Atienza, 26, ng Brgy. Catandala, sa nasabi ring lungsod. Ayon sa report ng Batangas City police, magkasalubong na tumatakbo ang motorsiklo ng dalawa ngunit pagsapit sa Brgy. San Pedro ay nagsalpukan ang mga ito dakong alas-9:30 ng gabi. Sa lakas ng salpukan, parehong natumba…
Read MoreSariling panabong pinalitan ng taring walang talim 2 SABUNGERO PUMUSTA SA KALABAN, ARESTADO
CAVITE – Nabuking ang pandaraya ng dalawang sabungero na natuklasang may inilalabang manok ngunit sa kalaban pumusta, nang mabatid na pinalitan ng tari na walang talim ang kanilang panabong sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 318 (Other Deceits) ng Revised Penal Code, ang mga suspek na sina Ronnie Marito y Del Castillo at Sherwin Remulla y Espiritu, pawang nasa hustong edad, dahil sa reklamo ng pamunuan ng Cavite Coliseum sa Revilla Business Park. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong…
Read MoreMAGKAPATID, PINSAN NALUNOD SA BEACH SA NEGROS ORIENTAL
NEGROS ORIENTAL – Nalunod ang magkapatid na menor de edad at isa nilang pinsan habang naliligo sa beach sa Bayawan City sa nasabing lalawigan. Ayon sa Negros Oriental Provincial Police Office, napaulat na nawawala ang tatlong biktima noong Sabado matapos na matangay ng malalaking alon habang nagpi-picnic sa beach kasama ang kanilang pamilya sa Sitio Camaya-an, Brgy. Malabugas dakong alas-2:00 ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Genealyn Primor Villagracia, 11, Helmar Primor Villagracia, 7, at ang pinsan nilang Lalance Villagracia, 7-anyos. Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang…
Read More1 PATAY SA NABUWAL NA NARRA, 1 PATAY RIN SA ROCKSLIDE SA ILOILO
NAMATAY ang isang 46-anyos na tricycle driver habang sugatan ang pasahero nito nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng narra habang bumibiyahe sa Gen. Trias City, Cavite noong Sabado ng hapon. Isinugod sa Gen. Trias City Medicare Hospital ang biktimang si Abelardo Garcia Adriano, 46, subalit hindi umabot nang buhay, habang sa Gen. Trias Medical Center naman isinugod ang pasahero nito na si Bonn Carlo Rubia, 20, dahil sa sugat sa katawan. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Tierra Nevada Road, Brgy. San Francisco,…
Read More2 MWPs NATUNTON SA MEYCAUAYAN JAIL
NATUNTON ng mga operatiba ng Tracker Team ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang dalawang most wanted person sa kasong robbery holdup, sa male dormitory ng Meycauayan City Jail sa Barangay Camalig, Meycauayan City, Bulacan. Base sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander, bandang alas-5:35 ng hapon nang magtungo sa nasabing piitan sina Police Captain Vianny Ortiz at Police Captain Ramel Lucero at ilan nitong mga tauhan upang isilbi ang arrest warrant sa dalawang suspek na sina Roland Dela Cruz, 44, at…
Read More5 CAFGU PATAY SA AMBUSH NG ‘BICOLANO NPA’ SA QUEZON
QUEZON – Limang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang namatay habang dalawang sundalo ang nasugatan nang tambangan ng mga rebeldeng kasapi ng Bicol Regional Party Committee of the Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA) ang nagpapatrolyang mga tauhan ng 85th IB ng Army at CAFGU sa Sitio Pag-Asa, Brgy. Mapulot, malapit sa boundary ng bayan ng Tagkawayan, Quezon at Labo, Camarines Norte, dakong alas-7:00 ng umaga nitong Biyernes. Ayon sa inisyal na report ng Quezon Police Provincial Office, base sa opisyal ng Army detachment, nagsasagawa…
Read MoreLALAKI TINUSOK SA ULO NG MANUGANG
CAVITE – Inoobserbahan sa ospital ang isang 43-anyos na lalaki makaraang tarakan sa ulo ng kanyang manugang na nagalit nang sunduin ng biktima ang kanyang anak na kinakasama ng suspek, para iuwi sa kanilang bahay, sa Imus City, noong Huwebes ng gabi. Nakaratay sa ospital ng Imus ang biktimang si Jonathan De Vera y Yumang, vendor, ng Carsadang Bago 2, Imus City, dahil saksak sa ulo mula sa kinakasama ng kanyang anak na si Teofilo Wilmer Corro y Fernandez, 32, ng Brgy. Bucandala 3, Imus City, Cavite. Napag-alaman, nag-text ang…
Read More