Pagkabasted ‘di matanggap ESTUDYANTE BINARIL NG KAKLASE SA CAMPUS

CAGAYAN – Grabeng nasugatan ang isang babaeng estudyante matapos barilin ng kanyang kaklase sa parking lot sa loob mismo ng campus ng kanilang eskwelahan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si “Althea”, residente ng Ilagan City, Isabela at 3rd year Medical Technology student ng St. Paul University sa Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan. Ayon sa report ng Tuguegarao City Police, nakita ng mga guwardiya ang biktima kasama ang suspek na si “Kristian” sa loob ng kotse ng huli. Nang mapansin na tila nag-aaway ang dalawa, nilapitan ang mga ito…

Read More

RORO VESSEL TUMAGILID, 448 PASAHERO NASAGIP

NAKATAKDANG isailalim sa masusing imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang RoRo vessel na MV Filipinas CDO, matapos itong tumagilid habang naglalayag sa baybayin sa bisinidad ng Laguindingan, Misamis Oriental noong Linggo ng gabi. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PCG, patungong Cebu ang barko nang tumagilid ito nang 30-degree dahil sa malakas na hangin bunsod ng masamang panahon. Iniulat ng Coast Guard Station Cagayan de Oro (CDO), bumalik na ang barko at ligtas na nakarating sa CDO Port, bandang alas-11:20 ng gabi. Nasa 448 pasahero ang kanilang tinulungan…

Read More

Hindi Chinese nationals taliwas sa ulat NATAGPUANG NAKAGAPOS NA 2 BANGKAY, LIVE-IN PARTNERS

LAGUNA – Kinilala na ng kanilang mga kaanak ang bangkay ng lalaki at babae na natagpuang nakagapos at itinapon sa construction site ng TR4 SLEX Extension sa Brgy. San Miguel, sa bayan ng Alaminos sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Tiniyak din ng Alaminos Police na hindi Chinese nationals ang mga biktima kundi mag-live-in partner na mga residente ng Barangay Marketview, Lucena City. Base sa isang intelligence report, unang inakala na mga Chinese ang mga biktima dahil sa facial features ng mga ito. Ayon sa Alaminos Police, noong Linggo…

Read More

Natagpuang epektos tawas pala ‘DOUBLE CROSSER’ NA TULAK, ITINUMBA

CEBU CITY – Patay ang isang umano’y drug personality makaraang dalawang beses na barilin ng riding in tandem sa Sitio Santo Niño, Barangay Labangon sa lungsod na ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rico Entoma Filoteo, 32, residente sa nasabing lugar at sangkot umano sa illegal drug trade sa lungsod. Ayon sa report, nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada nang dumating ang motorsiklo ng mga suspek dakong alas-8:00 ng gabi. Bumaba ang backrider nito at saka binaril ng dalawang beses ang biktima. Isinugod ang biktima sa…

Read More

SANGGOL PATAY SA HOSTAGE TAKING

NUEVA ECIJA – Patay ang isang taong gulang na sanggol habang nasugatan ang kanyang 8-anyos na kapatid na babae matapos silang i-hostage ng isang lalaki sa kanilang bahay sa Barangay Concepcion West, sa bayan ng Zaragoza sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Ayon sa Philippine National Police, nagsimula ang hostage taking pasado alas-siyete ng gabi at nagtapos dakong madaling araw kinabukasan, matapos ang mahigit limang oras na negosasyon. Nabatid sa report, bigla na lamang pumasok ang 38-anyos na suspek na si Julius Cesar Ton sa bahay ng mga…

Read More

NANALONG KAPITAN NAMAHAGI NG LUPA

CAMARINES SUR – Maagang pamasko ang inihandog ng isang incumbent at muling nanalong barangay chairman para sa kanyang mga kabarangay sa Brgy. Camagong, sa bayan ng Tinambac sa lalawigang ito. Ito ay matapos mamahagi ang kapitan na si Ruben Bondad, ng isang ektaryang lupain para sa 70 pamilya sa kanyang nasasakupang barangay. Ayon kay Kapitan Bondad, tig-100 square meters ang mapupunta sa bawat pamilya mula sa kanyang farm lot na hinati-hati niya na tila isang subdivision. Mayroon din itong mga ‘right of way’ na may mga sukat na dalawang metrong…

Read More

DRIVER HINAHANTING SA HIT AND RUN

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang driver ng isang pulang Mitsubishi Garage na may plakang NBW-5557, matapos layasan ang isang babae na kanyang nasagasaan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Marian Kreitia Ysabelle Ortiz Lacson, nasa hustong edad, nilalapatan ng lunas sa San Pedro Calungsod Hospital. Nakipag-ugnayan naman ang Kawit Police sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng nagmamaneho ng nasabing sasakyan. Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi, habang tumatawid ang biktima sa Kalayaan Road, Brgy. Magdalo-Potol, Kawit,…

Read More

DRUG GROUP LEADER, PATAY SA ENCOUNTER

LUCENA – Patay ang lider umano ng drug group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa firearm buy-bust operation ng mga awtoridad sa Maharlika highway, Brgy. Ibabang Iyam sa lungsod na ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ang napatay na si Armando Tagle Armiendo, 47, residente ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City. Ayon sa Quezon Police Provincial Office, dakong alas-11:45 ng umaga nang isagawa ng intelligence operatives ng Lucena City Police Station ang firearm buy-bust subalit natunugan ng suspek na mga pulis ang ka-deal kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon. Nagkaroon…

Read More

CHICKEN COOKING MACHINE SUMABOG, OPERATOR PATAY

QUEZON – Patay ang isang operator nang masabugan ng cooking machine na kanyang kinukumpuni sa isang chicken processing center sa Barangay Lagalag, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ranier Caraan, 31, ng nasabing lugar. Ayon sa report, inaayos ng biktima ang hindi gumaganang chicken cooking machine sa Johannas Chicken Processing Center nang bigla itong sumabog. Tinamaan ang biktima ng nagtalsikang mga bahagi ng makina naging dahilan ng grabeng pinsala sa kanyang ulo at katawan. Isinugod ng mga kaanak at ng staff…

Read More