NAPULOT NA P8,550, ISINAULI NG PULIS

KINILALA ng Cavite Police ng ginawang ‘good deeds’ ng isang pulis makaraang personal na isauli sa may-ari ang perang napulot sa gitna ng kalsada sa Trece Martires City noong Miyerkoles ng hapon. Personal na isinauli ni Police Captain Sonny Delos Santos ng Trece Martires City Police, at nakatalaga sa Philippine Commission Office, ang nasabing halaga kay alyas “Alvin”, 48, may-ari ng canteen at comptroller ng isang bus company. Una rito, nagsasagawa ng inspeksyon si Delos Santos sa mga checkpoint nang mapansin nito ang tila isang bungkos na nakalagay sa isang…

Read More

BINATILYO ARESTADO SA LECHON CON SHABU

CEBU CITY – Timbog ang isang menor de edad matapos tangkain nitong magpuslit ng ilegal na droga sa kulungan sa pamamagitan ng pagsingit nito sa karne ng lechon na ibibigay sa kanyang kaibigan sa Cebu City Jail – Male Dormitory noong Miyerkoles. Ayon sa jail officer, ang 17-anyos na suspek ay nagpaalam para magbigay ng pagkain sa kanyang nakakulong na kaibigang lalaki. Dahil araw naman ng dalaw, pinayagan ito ng mga guwardya ngunit nang i-check at hiwain ang dala nitong lechon na nakalagay sa isang disposable plastic container, tinamaan ng…

Read More

MAHIGIT P1-M SHABU, NASABAT SA BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam mula sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang arestadong suspek na si alyas “Jerwin”, nasa listahan ng HVIs ng pulisya. Ayon sa ulat, dakong alas-8:25 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Zone 4, Dasmariñas City, na nagresulta…

Read More

BARANGAY CHAIRMAN NILASLAS NG KAPARTIDO

CAVITE – Sugatan ang isang incumbent barangay chairman nang laslasin sa baba ng kapartido at kasama sa pagtakbo bilang barangay councilor, na nakaalitan dahil sa resulta ng nakaraang BSK election sa Cavite City, noong Martes ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Cavite Medical Center ang biktimang si alyas ‘Rodel’, 51, incumbent chairman ng Brgy. dalahican, Cavite City, dahil sa laslas ng kutsilyo sa kaliwang baba. Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si alyas ‘Ateng’, 73, incumbent barangay councilor sa Cavite City. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant…

Read More

2 PATAY SA SALPOK NG PICK-UP

LAGUNA – Dead on the spot ang dalawa katao matapos na masagasaan ng humaharurot na pick-up habang tumatawid ang mga biktima sa national highway sa Barangay Bubukal, sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Lesly Barrios at Glenford Asmeralde. Ayon sa report ng Sta. Cruz Police, galing ang dalawa sa isang pares/ goto restaurant at patawid sa highway nang mabundol ng Mitsubishi pick-up na minamaneho ng isang kinilala sa pangalang “Johnny” dakong alas-2:00 ng madaling araw. Sa lakas ng…

Read More

NEWLY ELECTED BARANGAY CHAIRMAN PATAY SA AMBUSH

DAVAO DEL NORTE – Patay ang isang bagong halal na barangay chairman sa pamamaril ng riding in tandem gunmen habang nagmamaneho ang biktima ng kanyang kotse sa Purok Mangga, Barangay Datu Abdul Dadia, Panabo City sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Kinilala ng Panabo City Police ang biktimang si Engr. Paul Albert Saquian, residente, at newly elected chairman ng Barangay Datu Abdul Dadia. Ayon sa report, galing sa Barangay New Visayas at nagmamaneho ng kanyang kotseng Nissan Almera sa city road ang biktima pauwi sa kanilang bahay dakong alas-4:30…

Read More

Biktima nakitang duguan sa sasakyan 2 SAKSI SA MISSING BEAUTY QUEEN, LUMANTAD

LUMANTAD na sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawa umanong saksi na aktuwal na nakakita sa beauty queen na si Catherine Camilon habang ito ay duguan sa loob ng isang sasakyan bago ito tuluyang nawala. Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Martes, lumantad sa kanila ang dalawang saksi at nagbigay na rin ang mga ito ng affidavit. Positibo ring kinilala ng dalawang saksi ang pulis na itinuturing na ‘person of interest’ sa pagkawala ni Camilon. Ayon sa kanilang salaysay, nakita nila ang pulis…

Read More

2 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA NEGROS OCCIDENTAL

PATULOY na nababawasan ang armadong galamay ng Communist Party of The Philippines nang malagasan na naman sila ng dalawang New People’s Army cadre sa nangyaring sagupaan sa Negros Occidental, ayon kay Lt. General Benedict Arevalo, pinuno ng AFP Visayas Command. Sa isinumiteng ulat ni 3RD Infantry Division Commander Major General Marion R. Sison, bandang alas-4:25 hapon noong Martes nang mangyari ang sagupaan sa Barangay Yao-Yao, Cauayan sa Negros Occidental sa pagitan ng 15th Infantry Battalion at nalalabing mga kasapi ng NPA’s weakened guerilla front, Southwest Front sa ilalim ng Komiteng…

Read More

2 PANG BANGKAY, ITINAPON SA BANGIN SA MARILAQUE

QUEZON – Dalawa pang bangkay ang nadiskubre sa ilalim ng bangin sa Marilaque Highway sakop ng Sitio Tigkay, Brgy. Magsaysay, sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Lunes ng tanghali. Ayon sa Infanta police, ini-report ng mga barangay official ang pagkakatuklas sa dalawang hindi pa kilalang mga biktima na nakita sa nasa 20 metrong lalim ng bangin sa gilid ng Marilaque Road. Nasa state of decomposition na ang mga ito. Ang mga ito ang ikaapat na bangkay na nakita sa bangin sa kahabaan ng Marilaque Highway sa loob ng…

Read More