LALAKING NANISID NG TALABA, PATAY

WALA nang buhay ang isang 56-anyos na lalaki nang iahon matapos sumisid upang kumuha ng pang-ulam at pangbentang talaba sa Kawit, Cavite noong Lunes ng hapon.

Dineretso ang biktimang si alyas “Alejandro”, may asawa, ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite, sa isang punerarya matapos ideklarang wala nang pintig ang kanyang pulso ng nagrespondeng mga tauhan ng MDRRMO ng Kawit, Cavite

Ayon sa ulat, sumisid ang biktima upang kumuha ng mga talaba sa Tulay Malamok sa Tirona Highway, Brgy. Kanluran, Kawit, Cavite, bandang alas-2:00 ng hapon pero hindi na ito lumutang.

Sinisid ito at iniahon at binigyan ng first aid ng mga operatiba ng Kawit MDRRMO subalit napansing wala nang pintig sa pulso ng biktima.

Wala namang nakitang anomang sugat sa katawan ng biktima matapos iahon kaya pinaniniwalaang nalunod ito bagama’t patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

(SIGFRED ADSUARA)

55

Related posts

Leave a Comment