NAKAPAGTALA ng anim na patay at 1,290 kaso ng dengue ang lalawigan ng Bulacan mula Enero hanggang Mayo kasabay ng pagdiriwang ng National Dengue Awareness Month. Ito ang kinumpirma ni Dr. Hjordis Marushca Celis, Provincial Public Health Officer II ng Bulacan kung saan ang nasabing dengue records ay nasubaybayan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Bulacan mula January 1 to May 27 ng taong ito. Nabatid na ito ay 41% lower kumpara last year na nakapagtala ng 2,195 cases at apat ang nasawi, ayon sa PESU. Ito ay naitala sa mga barangay ng Kaypian, Muzon at Sto. Cristo sa City of San…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
HUSTISYA SA PINAS NAIIMPLUWENSYAHAN NG MGA POWERFUL?
DUDA ang mga kaalyado ni dating Sen. Leila de Lima sa Kamara na naiimpluwensyahan ng mga makapangyarihang tao sa lipunan ang hustisya sa bansa. “Denying bail to Senator De Lima, despite her poor health condition and the lack of evidence against her, is a clear indication that justice in this country is influenced by powerful interests,” ani House Deputy Minority Leader, Rep. France Castro. Hindi nagbanggit ng pangalan ang mambabatas kung sino ang kanyang tinutukoy subalit si De Lima ay kilalang vocal critic sa ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi…
Read MoreCHINA DAPAT NA RING LUMAYAS SA WPS
DAPAT na ring umalis sa West Philippine Sea (WPS) ang China. Ito ang iginiit ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez matapos umalis ng mga ito sa 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Vietnam. Ayon sa mambabatas, tuluyan nang nilisan ng research ship ng China na Xiang Yang Hong 10 at escort vessels ang territorial water ng Vietnam matapos magprotesta ang nasabing bansa. “I don’t know what prompted the Chinese to leave Vietnam’s territorial waters, whether it was the Vietnamese protest or the US-China talks. But whatever it was,…
Read MoreTOMADOR BUKING SA ALAK SA SHORTS
TAGAYTAY CITY – Hindi umubra ang pag-iiskandalo ng isang 50-anyos na lalaki upang pagtakpan ang itinagong dalawang mamahaling alak sa kanyang shorts, na kanyang inumit sa isang establisyemento sa lungsod na ito noong Miyerkoles ng umaga. Kasong theft thru shoplifting ang kinahaharap ng suspek na si Rex Andrada, ng Brgy. Rizal, Blumentritt, Manila dahil sa reklamo ni Nico Cacao, 25, ng Brgy. Silang Crossing, Tagaytay City, Cavite. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Joseph Ryan D. Bascugin ng Tagaytay City Police, dakong alas-11:50 ng umaga nang pumasok ang suspek sa nasabing…
Read More6-ANYOS TOTOY NASAGASAAN PATAY
CAVITE – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki nang masagasaan ng isang Mitsubishi Xpander sa loob ng isang subdivision sa Dasmariñas City noong Linggo ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Saint Paul Hospital ang biktima dahil sa malubhang pinsala sa katawan. Kinilala naman ang driver ng Mitsubishi Xpander na si Joven Jersey Francisco, 37-anyos. Ayon sa ulat, minamaneho ni Francisco ang kanyang sasakyan sa loob ng Makati Drive City Homes sa Brgy. Sampaloc 4 at papalabas sa nasabing subdibisyon nang nabangga nito ang bata na naglalakad sa kalsada dakong alas-2:30…
Read MoreOR MINDORO GOV. DOLOR HINAMONG PANINDIGAN PAGPAPATIGIL SA JUETENG
HINAMON ng mga taga Oriental Mindoro ang kanilang gobernador na si Humerlito Dolor na panindigan ang pagpapatigil sa operasyon ng jueteng sa lalawigan. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon, ilang araw nang tigil ang operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro matapos mapatay nitong Mayo 31, ang radio broadcaster na si Cris Bunduquin. Gayunman, duda ng mga impormante ay posibleng pansamantala lang ito habang pinaplantsa umano ng hindi pinangalanang maimpluwensyang politiko ang operasyon ng ilegal na sugal. Ayon sa mga nagrereklamo laban sa jueteng, kailangan kumilos si Dolor upang mabura sa…
Read MoreMORE POWER NAGSIMULA NANG MAG-REFUND NG BILL DEPOSIT SA CONSUMERS
NAKAKUHA na ang ilang consumers ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) sa Iloilo City ng refund sa kanilang bill deposit. Sa simpleng seremonya sa tanggapan ng MORE Power ay tatlong consumers ang unang nabigyan ng refund kabilang sina Emmanuel Improgo, Baby Jean Agustin at Barangay Chairman Romeo Losario Jagorin Jr. ng Brgy. Sambag, Jaro, Iloilo City. Ang Bill deposit ang ibinabayad ng mga consumer kapag nag-apply ng kanilang electric meter, alinsunod sa Article 7 ng Magna Carta for residential electric consumers, ang bill deposit ay kailangang ibalik ng…
Read MoreTULAK SA TONDO, 2 PA SWAK SA SELDA
SWAK sa selda ang target na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kasama ang isang security guard at vendor, sa ikinasang buy-bust operation sa panulukan ng Delpan St. at Claro M. Recto Avenue, Barangay 12, Tondo Manila, noong Sabado ng madaling araw Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses III, commander ng Manila Police District- Moriones Police Station 2, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ilatag ang buy-bust operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si alyas “Aye”, 25-anyos, gayundin ang kasama nitong sina alyas “Altazim”…
Read MoreCOASTAL ROAD/SEAWALL PROJECT SA QUEZON DUMAAN SA TAMANG PROSESO
ANOMANG araw ay maaari nang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon III District Engineering Office ang bahagi ng 4.75 kilometrong Coastal Road at Seawall sa kahabaan ng coastal areas ng Catanauan, Quezon. Inaasahan na malaki ang maidudulot na pakinabang ng proyektong ito sa mga residente at turistang dumaraan sa lugar na ito ng Catanauan at maging sa progreso ng nasabing lugar sa usapin ng komersyo, kalakalan at turismo. Nabatid mula sa officer-in-charge ng mahigit P96M project na si District Engr. Jorge C. Pasia, dumaan sa tamang…
Read More