CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ang isang 37-anyos na biktima na nagresulta sa pagkamatay nito sa Dasmariñas City, Cavite nitong Miyerkoles ng madaling araw. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Mark Anthony Domingo y Andag, residente ng Brgy. San Francisco, General Trias City, Cavite. Kinilala naman ang suspek na si Crisanto Calagos Jr., nasa hustong edad at residente ng Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat ni P/Senior Master Sergeant Elmo Caboboy ng Dasmariñas City, Cavite,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PNP MAGDARAGDAG NG PWERSA SA ALBAY
NAKAANTABAY ang support force ng Philippine National Police (PNP) sakaling kailanganin kapag lumala ang sitwasyon sa Albay kaugnay na rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, agad idedeploy ang Reactionary Standby Support Force sakaling magkaroon ng emergency. Sa ngayon ani Fajardo, nakakalat na ang 800 police personnel ng PNP sa Albay. Nakapwesto aniya ang mga ito sa mga itinalagang public school buildings, evacuation centers, at mga estratehikong lugar sa Albay. Pinalawig na ng Albay government sa 7km ang danger zone sa Mayon dahil…
Read MoreQUEZON PROVINCE IDINEKLARA BILANG ‘SIPS’
“HINDI ito isang resolusyong pampapel lang, kailangan isabuhay natin, bigyan ng buhay ang mga titik na nakalagay sa resolusyon, kailangan maramdaman ng ating mamamayan na matahimik, mapayapa, at ligtas ang ating lalawigan.” Bahagi ito ng pahayag ni Gov. Doktora Helen Tan sa kanyang talumpati para mahikayat ang lahat na mapanatili ang probinsya ng Quezon sa pagiging malaya sa karahasan dulot ng mga makakaliwang grupo na CPP-NDF-NPA sa ginanap na Memorandum of Understanding (MOU) at Memorandum of Agreement (MOA) kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Quezon…
Read More2 BLOKE NG MARIJUANA NAKUMPISKA SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P116,000 halaga ng marijuana ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Jovany Bael y Maglangit, alyas “Bani”, nasa hustong edad, ng Brgy. Paradahan, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ehdcel Manalo ng Tanza Police Station, dakong alas-4:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit…
Read MoreBINATA PINATAY SA KANYANG BAHAY
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite police hinggil sa pagkamatay ng isang 31-anyos na lalaki na pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Mark Anthony Santina y Reopino, binata, ng Brgy. Maduya, Carmona, Cavite, habang blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek. Ayon sa ulat ni Police Corporal Rommel Samorin ng Carmona Municipal Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap hinggil sa umano’y biktima ng pamamaril sa kanilang bahay sa Brgy. Maduya, Carmona,…
Read MoreKALAYAAN PANGALAGAAN AT PAGYAMANIN – CHIEF JUSTICE GESMUNDO
125TH INDEPENDENCE DAY. Pinangunahan nina Bulacan Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa Simbahan ng Barasoain, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon. Kasama rin sina Punong Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas Alexander G. Gesmundo bilang Guest Speaker at Malolos City Mayor Christian Natividad. Kuha ni: ELOISA SILVERIO LUNGSOD NG MALOLOS- “Bilang mga Pilipino, may tungkulin tayo na pangalagaan at pagyamanin ang kalayaang minana natin. Lahat tayo ay tinatawag na pagsikapan na isakatuparan ang…
Read MorePULIS BINARIL SA SURVEILLANCE OPERATION
CAVITE – Sugatan ang isang pulis nang barilin ng isang suspek nang magsagawa ang mga awtoridad ng surveillance operation sa Bacoor City noong Linggo ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Patrolman Mark Paolo Quizon, 27, nakatalaga sa PNP Intel Section ng Bacoor CPS, dahil sa mga tama ng bala sa kanang dibdib at hita. Naka-hospital arrest naman ang suspek na si Eugene Palicpic, 33, ng Barangay Zapote 2, Bacoor City, matapos isugod sa Southern Tagalog Regional Hospital, dahil sa sugat sa katawan, habang pinaghahanap…
Read MoreLITRATO NG GUNMAN SA MINDORO BROADCASTER SLAY INILABAS
NANINIWALA ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na malapit nang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Cresenciano Aldevino ‘Cris’ Bundoquin, 50, isang broadcaster at radio block timer ng Calapan City, Oriental Mindoro, na pinagbabaril noong Mayo 31, 2023. Ito ay matapos ilabas ang mga larawan ng kinilalang gunman na si Isabelo Lopez Bautista. Sa isang pahayag, sinabi ni Usec. Paul Gutierrez, pinasasalamatan ng PTFoMS ang mga kasapi ng media, lalo na sa Mindoro, at iba pang indibidwal, na nagresponde sa kanilang panawagan para sa tulong at kooperasyon sa…
Read MoreADMIN OFFICER NG BUCOR, SUGATAN SA SALPUKAN
CAVITE – Sugatan ang isang admin officer ng Bureau of Correction (Bucor) nang magsalpukan ang motorsiklo ng biktima at isang Nissan Navara na minamaneho ng isang engineer sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Maria Loresca y Iglesias, admin officer ng BuCor, at residente ng Cupang, Muntinlupa City. Kinilala naman ang driver ng kulay earth brown na Nissan Navara na may plate number na NCU 5102, na si John Kevin Camba y Carino, 25, isang field engineer ng Brgy. Salitran…
Read More