KAGAWAD ITINUMBA SA BARANGAY HALL

QUEZON – Patay ang isang kagawad ng barangay matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang mga suspek sa harap ng barangay hall sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ng Tiaong Police ang biktimang si Ricky Ambita Galangga, 44, kagawad ng Barangay Cabay. Base sa report ng Tiaong Police, dakong alas-5:00 ng hapon, dumalo sa meeting ang biktima at nakatayo sa harap ng kanilang barangay hall sa gilid ng Marcial Punzalan Highway, nang dumating ang dalawang motorsiklo na sinasakyan ng tatlong mga suspek. Bumaba ang…

Read More

RIDER, ANGKAS PATAY, 1 SUGATAN SA AKSIDENTE

patay

CAVITE – Namatay ang isang rider at angkas niyang live-in partner, habang sugatan naman ang driver ng isang Honda Civic Sedan na una niyang nakabanggaan saka bumangga sa isang Toyota Corolla sa Imus City noong Miyerkoles ng umaga. Dead on the spot ang driver ng motorsiklo na si Rolando Villaflor Hugo Jr., 42, habang sa Ospital ng Imus isinugod si Vernadeth Palermo Soliman, 52, kapwa residente ng Sabang, Dasmariñas City, ngunit idineklarang dead on arrival. Isinugod naman sa Our Lady of Pilar Hospital si Carlo Del Rio Abrenica, 33, driver…

Read More

ELIGIBILITY KAPALIT NG 5 TAON SA SERBISYO SA GOBYERNO

HINDI na kailangang maipasa ng government employees ang civil service eligibility para maging regular ang mga ito sa trabaho kapag nakapagserbisyo sila ng 5 taon sa gobyerno. Ito ang nilalaman ng House Bill (HB) 8475 na inakda ni North Cotabato Rep. Ma. Alana Samantha Taliño Santos, upang mabigyan ng tsansang umangat ang contractual at casual employees sa gobyerno. Base aniya sa record ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot sa 3.8 million ang empleyado sa gobyerno kasama na ang mga nagtatrabaho sa Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC). “However, there are a…

Read More

ASO KINALADKAD SA MOTORSIKLO, MAG-UTOL KINASUHAN

LAGUNA – Sinampahan ng kaso ng isang animal welfare organization ang magkapatid na nakita sa viral video na kumakaladkad sa isang aso habang sakay ng kanilang motorsiklo sa highway sa San Pablo City. Ayon kay Heidi Caguioa, program director ng Animal Kingdom Foundation, sinampahan nila ng kasong paglabag sa RA 8485 o ang Animal Welfare Act ang dalawa. Batay aniya sa naturang batas, ipinagbabawal ang pagmamaltrato o ang pag-inflict ng cruelty sa mga hayop. Base sa video na kumakalat sa social media, makikitang buhay pa ang aso habang kinakaladkad nang…

Read More

EX-BF IPINAARESTO NG NEGOSYANTE SA SEXTORTION

CAVITE – Arestado sa entrapment operation sa bayan ng Silang ang isang lalaki makaraang pagbantaan ang kanyang dating karelasyong negosyante na ipakakalat ang hubad na larawan nito at mga video noong Martes ng gabi. Kasong paglabag sa Art 286 “Grave Coercion” ng RPC in relation to Sec. 6 ng RA 10175; RA 11313; RA 9995 at RA 9262 ang kinahaharap ng suspek na si Raymart Guingab y Baguna, 28, binata, ng Brgy. Maguyam, Silang, Cavite dahil sa reklamo ng isang 27-anyos na negosyanteng dalaga. Ayon sa reklamo ng biktima, dati…

Read More

2 ARMAS NABAWI SA PATAKAS NA CTG SA SULTAN KUDARAT

DALAWANG M-16 armalite rifle ang na-recover ng 57th Infantry (Masikap) Battalion mula sa CPP-NPA Communist Terrorist Group kasunod ng sagupaan sa Barangay Batang Bagras, Palimbang, Sultan Kudarat. Ayon kay Lt. Col. Guillermo Mabute Jr., 57IB commander, habang nagsasagawa ang kanilang tropa ng combat security operations ay naka-engkwentro nila ang isang grupo ng mga komunistang terorista at tumagal ng halos 15 minuto ang sagupaan. “Agad nagsagawa ng pagsisiyasat sa encounter site ang ating kasundalohan at nadiskubre nila ang naiwang dalawang armas, dalawang magazine, personal na kagamitan, subersibong dokumento at mantsa ng…

Read More

PH FLAG BINASTOS, 4 DAYUHAN ARESTADO

CAVITE – Apat na dayuhan na kinabibilangan ng tatlong Pakistani at isang Romanian national, ang dinampot ng Cavite Police dahil sa kawalan ng galang  sa ating Pambansang Watawat sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Kasong paglabag sa Sec. 34 (I) Paragraph (a) ng RA 8491 (An Act Prescribing The Code of  the National Flag) ang kinahaharap ng mga suspek na sina Sharoon Manzoor, 29; Shahid Manzoor, 45, at Shamail Jalal, 36, pawang Pakistan nationals, at Loan Oprescu y Emil, 36, isang Romanian national. Ayon sa ulat, dakong…

Read More

MAG-AMA NAKURYENTE SA PAGHABOL SA MUSANG

QUEZON – Patay ang isang magsasaka habang nasugatan ang anak nitong 14-anyos na babae nang makuryente habang hinahabol ang isang “musang” (wild cat) sa bayan ng Mulanay, sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Kinilala ng Mulanay police ang namatay na si Mario Guevarra Sabalboro, 38, residente ng Brgy. Patabog. Batay sa report ng Mulanay police, patungo ang biktima kasama ang anak na dalagita sa lugar na kanilang pinag-uulingan sa Barangay Ilayang Yuni, nang makakita ang mga ito ng isang musang dakong alas-10:30 ng gabi. Hinabol ito ng mag-ama hanggang sa makarating sila…

Read More

MAGPINSAN BINARIL NG TIYUHIN, PATAY

KAPWA nalagutan ng hininga ang magpinsan mula sa Barangay Poblacion Ilaya, Lambunao, Iloilo matapos barilin ng kanilang sariling tiyuhin. Ayon sa Lambunao Municipal Police Station, namatay sa pamamaril sina Ramil Opiane, 51, at Joven Besite, 41-anyos. Nahaharap sa kasong double homicide ang suspek na si Gil Casiple, 63, residente ng nabanggit na barangay. Base sa ulat na ibinahagi ni Police Major Jogen Suegay, hepe ng Lambunao PNP, nakikipag-inuman ang suspek sa isang tindahan nang puntahan ng magpinsan na kapwa mga nakainom din. Dito nagkaroon umano ng pagtatalo kaugnay sa matandang…

Read More