BUKOD sa pagkakaloob ng pangkabuhayan ni Cong. Fidel Nograles sa mga residente ng ika-4 distrito ng Rizal (Montalban), ay sumabak din siya sa pagluluto ng hotdog sa isang food cart na kanyang ipinamimigay. UMARANGKADA na ang first batch ng programang pangkabuhayan (Forward Negosyo) ni Rizal 4th District Congressman Fidel Nograles para sa kanyang constituents sa Montalban sa nasabing lalawigan kamakailan. Katuwang ni Cong. Nograles ang Department of Labor and Employment (DOLE) na namahagi ng food carts na may kasamang sari-saring kasangkapan, rekados, at kagamitang panluto tulad ng kawali, kalan, sandok,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 PATAY SA KAMBAL NA AKSIDENTE SA QUEZON
QUEZON – Patay ang isang menor de edad na babae at isang motorcycle rider, habang kritikal ang dalawa katao sa magkasunod na vehicular accident sa Maharlika Highway sa bayan ng Atimonan, Linggo ng hapon. Sa unang aksidente, namatay ang 16-anyos na si Coleen Lagdameo, matapos na ito at ang dalawa pa nitong kaanak na sina Dolce Lagdameo, 41, at Joel Bituin, 27, ay araruhin ng wing van truck na minamaneho ng 38-anyos na si Eric Timbal na patungo sa direksyon ng Maynila, habang nakatayo sa gilid ng highway sa Barangay…
Read MoreTarget na vice mayor nakatakas PULIS PATAY, 9 PA SUGATAN SA SULU OPS
PATULOY na tinutugis ng mga awtoridad ang puganteng dating vice mayor ng Maimbung, Sulu na nakatakas sa ikinasang law enforcement operation na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng siyam na iba pa kamakalawa ng umaga. Sa ibinahaging ulat ni Armed Forces of the Philippine chief of staff General Andres Centino, sinabi nitong walo sa mga miyembro ng PNP ang nasugatan at isa ang nasawi habang isang sundalo mula sa 41st IB ang isa pang sugatan. Paglilinaw ni General Centino, “We would like to correct the impression, it’s not an…
Read MoreHIRIT NA TRO SA JVA NG CENECO AT PRIME ELECTRIC IBINASURA NG KORTE
IBINASURA ng Bacolod Regional Trial Court ang apela na magpalabas ng Preliminary Injunction at Temporary Restraining Order (TRO) upang pigilan ang Joint Venture Agreement (JVA) na nilagdaan noong Hunyo 3 sa pagitan ng Central Negros Electric Cooperative (Ceneco) at Prime Electric Holdings Inc. Sa dalawang pahinang desisyon ng korte, sinabi ni RTC Branch 6 Presiding Judge Maria Lina Gonzaga na nilabag ng petitioner na sina Pepito Pico, Rommel Pido at Aaron Sorbito ng Negros Consumers’ Watch (NCW) at Convenors of Anti CENECO JVA Coalition (ACJC) ang proseso sa paghahain ng…
Read More300K LABI NG JAPANESE SOLDIERS IUUWI SA JAPAN
TARGET ng Japanese government na mahanap at maibalik na sa bansang Hapon ang 300,000 sundalong Hapones na namatay noong World War II at nanatiling nasa Pilipinas. Tiniyak naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na susuportahan at tutulong ang kanilang kagawaran sa pagpapauwi sa labi ng libo-libong Japanese soldiers na nalibing sa Pilipinas. Ito ay kasunod ng pagpupulong sa pagitan ng DILG at ilang Japanese officials kasabay ng pagtiyak ng kanilang kooperasyon sa repatriation efforts. Nakaharap ni SILG Abalos sa nasabing pagpupulong…
Read MoreNakialam sa kaso ng nobyo LADY JUDGE KAKASUHAN NG OBSTRUCTION OF JUSTICE
LAGUNA – Sasampahan ng kasong obstruction of justice ng Laguna PNP ang isang lady judge na nakialam sa kaso para hindi makulong ang umano ay nobyo nito na nahulihan ng baril sa isang checkpoint sa Calamba City. Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, provincial director ng Laguna PNP, ang tinutukoy ay ang isang presiding judge sa isang bayan sa Laguna. Ayon kay Silvio, ‘very unusual’ sa isang honorable judge na mag-intervene sa kaso kung wala naman itong “personal connection” sa isang suspek. Nakatakda rin ang pulisya na gumawa ng report…
Read More5 TULAK LAGLAG SA P350K SHABU
CAVITE – Umabot sa halagang P345,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Francis Hayag y Remolador, nasa listahan ng HVIs; Vincent Nazareno y Baltazar; Darius Icoy y Duyan; Rona Buenavista y Rubio, at Auria Lorelei Leaching y Lirio. Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office…
Read MoreLEADER NG DRUG GROUP SWAK SA SELDA
CAVITE – Swak sa kulungan ang lider ng Cavanan drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs), matapos mahulihan ng tinatayang P75,208 halaga ng umano’y shabu at baril sa buy-bust operation sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 at RA 10591 ang kinahaharap ng suspek na si George Cayanan Jr. y Pagcibigan @ Badong, 46, tricycle driver, at residente ng Imus City, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Joseph G. Jader ng Imus…
Read MoreVOLCANIC ROCKS NAGLUTANGAN SA TAAL LAKE
(Photo courtesy: TBST Batangas) NABAHALA ang mga residente ng Barangay Boot at Barangay Wawa sa Tanauan city, Batangas nang makita ang mga naglutangang bato sa Taal Lake nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa barangay officials ng Barangay Boot, nag-amoy asupre ang paligid matapos biglang lumitaw ang mga bato dakong alas-10 ng umaga. Agad naman itong inusyoso ng mga residente na ang iba ay nakaramdam ng takot. Pero paliwanag ni Engr. Ronald Pigtain, OIC, Phivolcs-Taal Volcano Observatory, base sa pagsusuri ng mga geologist, ang mga lumutang na bato ay mga scoria…
Read More