TRIKE DRIVER PATAY SA BOGA NI BAYAW

QUEZON – Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng kanyang bayaw na seaman sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ng Tiaong Police ang biktimang isang na 43-anyos na residente ng Brgy. Bula, Tiaong. Batay sa report ng Tiaong Police, kumakain ng almusal ang biktima kasama ng isa pa niyang bayaw sa kanilang bahay nang dumating ang suspek na kanila ring bayaw. Bigla na lamang itong nagbunot ng .45 kalibre ng baril at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa ulo na agad nitong ikinamatay.…

Read More

DRIVER NAAKSIDENTE NA, TIMBOG PA SA SHABU

BATANGAS – Dobleng kamalasan ang inabot ng isang lalaki nang sumalpok ang minamaneho nitong kotse sa isang sasakyan at mahulihan pa ng ilegal na droga sa Lipa City noong Lunes. Ayon sa report ng Lipa City Police, dakong alas-5:45 ng umaga nang sumalpok ang kotseng minamaneho ni Marvin Inciong sa isang nakaparadang kotse sa gilid ng kalsada sa Templo Ave. Brgy. Banay-Banay, Lipa City. Subalit habang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Lipa City Police, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang sling bag sa loob ng kotse na naglalaman ng 5…

Read More

ARESTADO SA DROGA, PATAY SA ATAKE SA PUSO

patay

LUCENA CITY – Patay ang isang umano’y drug personality nang atakihin sa puso matapos arestuhin sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA at Quezon PNP sa Barangay 5 sa lungsod na ito, noong Lunes ng gabi. Ayon sa report ng Police Regional Office 4A (PRO 4A), mag-aalas-otso ng gabi, isinagawa ng mga tauhan ng Intel/DEU ng Lucena Police Station, kasama ang iba pang mga operatiba mula sa PDEA 4A, Quezon Maritime Police Station, CIDG Quezon, at RIU 4A Quezon PIT, ang buy-bust operation na nagresulta sa…

Read More

TOP 4 MWP SA MAYNILA, TIMBOG SA BULACAN

INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 41-anyos na dalaga dahil sa kalakaran ng ilegal na droga, nang matunton ito sa Marilao, Bulacan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Jonalyn Pamintuan”, nanunuluyan sa Marilao, Bulacan. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, bandang alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Marilao, Bulacan. Hindi nakapalag ang suspek nang isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Juliet Azarra…

Read More

BABAENG TULAK ISINELDA SA P.5-M SHABU

MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District sa isang babaeng umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation noong Lunes ng gabi sa Carlos Palanca Sr. Street, Barangay 647, San Miguel, Manila. Kinilala ang suspek na si Lalain Kusain, 32-anyos, dalaga, tubong Maguindanao City, jobless, at residente ng Sucat, Parañaque, City Ayon kay Police Lieutenant Roberto Mupas, commander ng MPD- Barbosa Police Station 14, bandang alas-10:40 ng gabi nang isagawa ang nasabing…

Read More

P121K MARIJUANA BINENTA ONLINE, NASAMSAM

cavite

CAVITE – Tinatayang P121,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam matapos na maaresto ang apat na hinihinalang drug pushers at nasa listahan ng high value individual (HVIs), umano’y pinasok na rin ang online selling, sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Jan Rolando Carlos, alyas Janno; Lamberto Angeles, Vincent Pateño, at Macky Natividad, pawang nasa hustong edad at nasa listahan ng HVIs. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Asid ng Bacoor City Police, dakong alas-8:00 ng umaga,…

Read More

Sa ika-76 anibersaryo ng PAF SUPORTA SA ‘AIR FOR MODERNIZATION’ TINIYAK NI PBBM

NAGING tampok sa ika-76 anibersaryo ng Philippine Air Force ang kanilang capability demonstration na sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon sa Tarlac. Bago pinangunahan ng commander-in-chief ang anniversary rites ng PAF sa Clark, sinaksihan muna ni Pangulong Marcos ang air force capability demonstration sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Tarlac kung saan, ipinamalas ng Hukbong Panghimpapawid ang kakayahan ng kanilang air assets. Kasama ni Pangulong Marcos sa panonood ng capability demonstration ng PAF, sina National Security Adviser Eduardo Año, AFP Chief of Staff Andres Centino, Airforce…

Read More

SSS COLLECTION SA LUZON UMANGAT NG 23%

TUMAAS ng 23% o halagang P940.58-milyon ang naging koleksyon ng Social Security System (SSS) na sakop ng Luzon Central 2 Division para sa taong 2023. Ayon kay SSS Luzon Central 2 Division Vice President Gloria Corazon Andrada, ang main factor ng pagtaas ng koleksyon ay ang epektibong operasyon ng Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ng ahensya. Aniya, nakakolekta ang SSS Luzon Central 2 Division ng P5,039.11-bilyon mula Enero hanggang Abril 2023 kumpara sa P4,098.53-bilyon sa taong 2022 ng kaparehong panahon. Sakop ng SSS Luzon Central 2 Division ang mga…

Read More

15 SUGATAN SA PAGSABOG SA KOREAN RESTO

NASA labing lima katao ang iniulat na nasaktan sa pagsabog sa isang Korean restaurant na ikinasira ng mga katabing establisimyento at ilang sasakyan kahapon ng umaga sa Calapan City, Oriental Mindoro. Sa ulat na ibinahagi ni Police Brig. Gen. Joel B. Doria, Police Regional Office 4-B chief, bandang alas-10:20 nang maganap ang pagsabog sa Mr. Won’s Samgyeopsal sa Xentro Mall na nasa Barangay Lumangbayan ng nasabing siyudad. Sa inisyal na ulat, 15 katao ang itinakbo sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) at Ma. Estrella General Hospital (MEGH) kung saan dalawa…

Read More