PROBLEMA ‘DI KINAYA, EMPLEYADO NAGBIGTI

CAVITE – Pinaniniwalaang hindi nakayanang harapin ang dinadalang problema kaya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang lalaki sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala lamang ang biktima na si Edison, ng Tanza, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSg. Joycell Javier ng Tanza Police Station, isang kaibigan ng biktima ang nagtungo sa bahay nito upang alamin kung bakit hindi siya pumasok sa trabaho. Ngunit nabigla ito nang makita ang biktima na nakabitin sa hagdanan gamit ang tuwalya dakong alas-9:00 ng umaga. Sinasabing dumaranas ng matinding…

Read More

SRP NG DA SA SIBUYAS WALANG SILBI

MAITUTURING na propaganda lang ang suggested retail price (SRP) na nais ipatupad ng Department of Agriculture (DA) sa sibuyas upang maibaba ang presyo nito sa merkado dahil walang parusang laan sa lalabag dito. Ito ang lumalabas sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on agriculture and food sa hoarding, price manipulation at cartel sa sibuyas na naging dahilan para tumaas ang presyo nito ng hanggang P750 kada kilo noong Disyembre. Sa pagtatanong ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., kinumpirma ni Bureau of Plant Industry (BPI) director Glenn Panganiban na naghahanda…

Read More

NASITANG WALANG HELMET, RIDER BUKING SA BOGA

CAVITE – Nabuking ang itinatagong baril ng isang motorcycle rider nang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet sa Imus City noong Martes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek na Si Joelth Jay Calubayan y Jamilla, nasa hustong edad. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Anthony Macarion ng Imus City Police, dakong alas-12:30 ng hapon habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng Imus CPS sa Tulay Balimbing, Brgy. Poblacion 4B, Imus City, Cavite, nang sitahin ang suspek sakay ng kanyang…

Read More

EMPLEYADO ITINUMBA SA LUCENA

LUCENA CITY – Isa na namang lalaki ang namatay sa pamamaril ng hindi kilalang motorcycle riding gunman sa national road, Barangay Isabang, sa lungsod na ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ng Lucena City Police ang biktimang si Charles Moises Abadilla Vidal, 33, residente ng Barangay Ilayang Talim, at empleyado ng San Miguel-Magnolia poultry dressing plant sa Barangay Domoit, Lucena City. Batay sa report, dakong alas-6:30 ng umaga, papasok sa kanyang trabaho ang biktima sakay ng motorsiklo at tinatahak ang Maharlika highway nang ito barilin ng suspek na nakasakay sa isa ring motorsiklo.…

Read More

SINITA SA ARMAS NANG-HOSTAGE, PATAY SA PARAK

CAVITE – Namatay ang isang lalaki na unang sinita dahil sa pagdadala ng baril, nang kumasa sa mga awtoridad makaraang mang-hostage ng dalawa katao sa isang bahay sa Bacoor City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang suspek si Danilo Gonzales, nasa hustong edad, namatay sa pinangyarihan ng insidente matapos i-hostage sina Danilo Obenia Agravante, 65, at Julieta Cabanto Agravante, 32, sales agent, kapwa residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City. Ayon sa ulat ng Pat. Levin Sinatad ng Bacoor City Police, nagpapatrolya ang mga miyembro ng Mobile Patrol Sector 3 Charlie 2 sa…

Read More

Ilegal na sugal namamayagpag pa rin ONE STRIKE POLICY NI ACORDA TABLADO SA ORIENTAL MINDORO?

(RONALD BULA) MATINDI ang banta kamakailan ng hepe ng pambansang pulisya na sibak agad sa pwesto sa ilalim ng ipinatutupad na “one-strike” policy ang sinomang opisyal nito na dawit at protektor ng ilegal na sugal sa bansa, partikular ang jueteng at lotteng. Gayunman, tila balewala sa mga lokal na opisyal ng pulisya sa Oriental Mindoro ang mga babala at pagbabanta ng kanilang hepe. Ani Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr., wala siyang sisinuhin sa mga police commander na mabibigong patigilin ang illegal gambling sa kanilang hurisdiksyon dahil…

Read More

Publiko ‘di dapat maalarma SHOOTING INCIDENTS SA QUEZON ISOLATED CASE LANG – PNP

TINIYAK ng Quezon Police Provincial na walang dapat ipangamba ang publiko sa napaulat na ilang barilan sa lalawigan ng Quezon. Ito ay matapos tiyakin ng Quezon Police na nakatutok sila sa sitwasyon at sinabing ang mga naganap na insidente ay isolated case lamang. Sa pahayag ni PCol. Ledon D. Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (PPO), hindi aniya dapat maalarma ang publiko sa nagdaang pamamaril dahil hindi konektado sa isa’t isa ang mga pangyayari. Gayunman, tiniyak ni PCol. Monte na tututukan at bibigyang pansin nila ang mga nangyaring…

Read More

LALAKI SINAKSAK NG UTOL, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos sasakin ng kanyang nakatatandang kapatid makaraang nagtalo hinggil sa problema sa kanilang pamilya sa Gen. Trias City noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Gentri Doctors Hospital ang biktimang si Barry Evora Cabrera, residente ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa mga tama ng saksak mula sa kanyang nakatatandang kapatid na si Billy Jan Evora Cabrera, 31, ng nasabi ring lugar. Bago ang insidente, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang magkapatid hinggil sa problema…

Read More

71-ANYOS NA BRGY. LUPON MEMBER, ITINUMBA

QUEZON – Isang 71-anyos na lola ang namatay matapos barilin sa kanyang bahay sa Sitio Catmon, Barangay San Diego, sa bayan ng Buenavista sa lalawigang ito, noong Biyernes, Mayo 12, 2023. Kinilala ang biktimang si Carmelita Monterey, miyembro ng Barangay Lupon at residente ng naturang lugar. Ayon sa pulisya, iniulat ng anak ni Monterey na si Felix ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Mayo 13. Base sa report, nakarinig si Felix ng putok ng baril bandang alas-7:00 ng gabi noong Mayo 12 ngunit wala siyang nakita nang siya ay mag-imbestiga. Nang…

Read More