SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa Bulacan ang pamamahagi ng P3.00 karagdagang bayad para sa aning palay kada kilo para sa mahigit 2,000 magsasaka sa ilalim ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU). Sinabi ni Mayor Christian Natividad na ang PALLGU ay isang programa na kung saan makikinabang ang local farmers, ito ay karagdagang kita na handog ng LGU. Nabatid na ito ay programang itinatag National Food Authority (NFA) na nagbibigay-daan sa mga magsasaka na madagdagan ang kanilang kita. Sa ilalim ng programa,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
4 ESKWELAHAN SA QUEZON NABULABOG SA BOMB THREAT
PANSAMANTALANG sinuspinde ni Mulanay, Quezon Mayor Aris Aguirre ang klase ng mga mag-aaral sa apat na eskwelahan sa kanilang bayan matapos na bulabugin ng bomb threat noong Linggo ng umaga. Batay sa inilabas na anunsyo ni Aguirre noong Linggo ng hapon, suspendido ang mga klase nitong Lunes, Mayo 22, sa mga paaralan ng Sta. Rosa Elementary School, Mulanay Central Elementary School, Bondoc Peninsula Agricultural High School at PUP – Mulanay. Ito ay habang patuloy na sinusuri pa ng mga awtoridad ang nasabing mga eskwelahan. Sa unang pagsisiyasat ng pulisya, unang ng sinabi ng mga tauhan…
Read MoreCOVID-19 CASES SA QUEZON PROVINCE TUMATAAS
PATULOY na tumataas ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Quezon ngayong pumasok ang buwan ng Mayo. Batay sa tala ng Quezon Provincial Health Office (QPHO), mula sa dating isang aktibong kaso noong April 10, umabot na ngayon sa 181 ang active cases sa lalawigan. Mula noong April 10 ay nakapagtala ang QPHO ng 532 na panibagong mga nagpositibo sa COVID. Habang 351 naman sa mga ito ang nakarekober na sa sakit. Noong Mayo 3 nang biglang sumirit ang mga kaso sa lalawigan na nagkaroon ng double digits na average ng bilang…
Read MoreRIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA TRUCK
CAVITE – Patay ang isang 55-anyos na rider habang sugatan ang angkas nito nang salpukin ng isang Isuzu GMC truck na nag-overtake at umukopa sa kabilang kalsada sa bayan ng Silang noong Linggo ng hapon. Sa pinangyarihan ng insidente ay nalagutan ng hininga ang biktimang si Sonny Boy Enriquez Ramos, isang construction worker, habang isungod sa Qualimed Hospital ang angkas nito na si Cindy Deprosa Ramos, 47-anyos. Tinangkang tumakas subalit naaresto sa kalaunan ang driver ng Isuzu GMC truck na may plakang NDH 3750, na si Randy Arzuela Magistrada, 48-anyos. Ayon sa ulat…
Read MoreLALAKI NA RESPONSIBLE SA PAGKAWALA NG ILAW SA BARANGAY, ARESTADO
ARESTADO ang isang lalaki habang pinaghahanap ang dalawang kasama nito matapos putulin at tangayin ang kable ng kuryente sa Barangay Navarro, Gen Trias City, Cavite Huwebes ng hapon. Kasong Theft ang kinakaharap ng suspek na si Alberto Rodriguez Brillantes, 59, ng Area C, Brgy. San Andres 2, Dasmarinas City, Cavite habang pinaghahanap ang dalawa pang kasama nito dahil sa reklamo ng Local Government Unit (LGU) ng Barangay Navarro, Gen. Trias City. Sa ulat, dakong alas-4:00 kamakalawa ng hapon habang nagroronda ang mga tanod ng Brgy. Navarro sa Damayan St., Brgy.…
Read More2 PATAY, 1 KRITIKAL SA KIDLAT
PATAY ang magpinsan habang kritikal ang isa pa nilang kaanak matapos silang tamaan ng kidlat sa Samal, Bataan, Biyernes ng tanghali. Kinilala ng Samal police ang mga namatay na sina Kevin Sacris, 21 at pinsang si Elvin Sacris, 26, habang kritikal sa ospital ang isang Eddie Sacris, 40 taong gulang, pawang residente ng Purok Uno, Barangay Palili, Samal, Bataan at mga trabahador sa isang farm. Batay sa report ng Samal police, sinabi ng may-ari ng lupain na si Gregorio Rodis na biglaan ang pangyayari. Lumalabas sa imbestigasyon na unang tumama…
Read MoreDOJ SEC. REMULLA ‘HARI NG FAKE NEWS’
(RUDY SIM) FAKE NEWS! Ito ang reaksyon ni Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. nang makapanayam ng media kaugnay sa ipinakalat na balita ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus “Boying” Remulla na uuwi na umano siya sa bansa. Sa pahayag ni Remulla noong May 16, may nakuha raw siyang intelligence report mula sa isang reliable source na posibleng manggagaling si Teves sa Timor Leste kung saan ito humingi ng political asylum. Agad na pinabulaanan ni Teves ang pahayag ni Remulla at tinawag nitong joke ang kanyang…
Read MoreHILING NG PAMILYA, NASAWING HK OFW MAIUWI NA
NAIS ng pamilya ng OFW na nasawi sa pagkahulog sa apartment building sa Hongkong, na maiuwi na kaagad sa bansa ang labi ng kanilang kapamilya. Kahapon din ay inihanda na ng pamilya ang lugar na pagbuburulan kapag naiuwi na ang labi at marami na ring mga kaanak ang nakikidalamhati at naghihintay sa pag-uwi sa labi ng biktima. Plano ng pamilya na iburol ito ng ilang araw sa kanilang tahanan sa bayan ng Candelaria sa Quezon bago ito ihatid sa huling hantungan. Ayon sa mga magulang ng biktima, wala silang nais ngayon kundi ang…
Read MoreBABAE HULI SA EXTORTION SA NEGOSYANTE
CAVITE – Arestado sa entrapment operation ang isang 39-anyos na babae matapos umanong kotongan ang isang negosyante ng P120,000 cash kapalit ng hindi nito pagbubulgar ng umano’y lihim ng huli sa Imus City, noong Miyerkoles ng gabi. Inaresto ang suspek na si Liezl San Jose y Legaspi, ng Imus City, Cavite, matapos ireklamo ng isang 50-anyos na lalaking negosyante. Ayon sa ulat ni PSSgt. Jessie Villanueva ng Imus City Police, humihingi ng halagang P120,000 ang suspek sa lalaking negosyante kapalit ng hindi nito pagsusumbong sa kanyang asawa matapos nitong akusahan ng…
Read More