SENIOR CITIZEN ARESTADO SA DRUG BUY-BUST

CAVITE – Arestado ang isang babaeng senior citizen na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at itinuturing na high value individual (HVI), makaraang makumpiskahan ng tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na Olimpia Benito, 66, may asawa, residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Corporal Mamol Cunanan ng Dasmariñas City Police, dakong alas-4:50 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO)…

Read More

BAGONG LAYA, MISIS SUGATAN SA PAMAMARIL SA QUEZON

QUEZON – Sugatan ang isang lalaking kalalabas pa lamang sa kulungan, at ang asawa nito matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kanilang tricycle sa national highway sa Sitio Centro, Brgy. Del Rosario, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Gregorio Comia Aquino, 62-anyos, at Ma. Anti Ariola Aquino, 60, mga residente ng Brgy. Cabay, Tiaong. Batay sa imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng hapon habang tinatahak ng mag-asawa ang highway nang pagbabarilin sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo na bigla…

Read More

KARNAP NA MOTORSIKLO NADISKUBRE SA ONLINE

ARESTADO sa entrapment operation ang isang 21-anyos na lalaki nang nabuking na ang motorsiklong kanyang ipinagpapalit sa pamamagitan ng online, ay isang nakaw matapos nagduda ang kausap nito sa Pasig City nitong Huwebes ng madaling araw. Hawak na ng Bacoor City Police ang suspek na si Bon Bryan Catungal y Alminteros, 21, ng Silang, Pasig City Nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspek dahil sa reklamo ni Ericson Abordo y Mojales, 38, isang Lalamove rider, ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite, kung saan tinangay ang kanyang kulay red/black na motorsiklong Suzuki Raider 150 noong Abril 26,…

Read More

PARESAN OWNER PINAGBABARIL, PATAY

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang pagkamatay ng isang may-ari ng paresan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sa harapan ng kanyang tindahan sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Mharc Allen Sagano y Pollarco ng Brgy. San Miguel 1, Silang, Cavite, dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Ayon sa ulat ni Police Corporal Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, dakong alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harapan ng tindahan…

Read More

TSERMAN PATAY, MISIS SUGATAN SA LEYTE AMBUSH

LEYTE – Patay ang isang barangay chairman habang sugatan ang misis nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem gunman habang sakay ng multicab sa Sitio Laray, Brgy. Naghalin, sa bayan ng Kananga, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng tanghali. Kinilala ng Kananga Police ang napatay na si Raul Cosinillo, 56-anyos, chairman ng Brgy. Mataloto, sa bayan ng Leyte sa Leyte province. Sugatan naman at nilalapatan ng lunas sa ospital ang misis nito na si Mercedes Cosinillo, 56-anyos. Batay sa imbestigasyon ng Kananga PNP, minamaneho ng kapitan ng multicab at sakay ang kanyang misis nang tambangan…

Read More

Mga estudyante inararo sa gilid ng kalsada 1 PATAY, 12 SUGATAN SA PICK-UP

EASTERN SAMAR – Patay ang isang estudyante habang 12 pa ang sugatan matapos na araruhin ng isang pick-up habang nasa gilid ng highway sa Barangay Naparaan, sa bayan ng Salcedo sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Salcedo Police, ang mga biktima ay pawang mga babaeng junior high school student ng Salcedo Vocational High School. Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-11:55 ng umaga, nag-aabang ang mga biktima ng sasakyan pauwi, habang ang iba ay bibili ng pagkain, nang biglang salpukin ng Isuzu DMAX na minamaneho ni Manuel Wanijan,…

Read More

SINO SA MGA OPISYAL NG ORIENTAL MINDORO PASOK SA JUETENG PAYOLA?

PATULOY na inirereklamo ng concerned citizens sa pahayagang SAKSI Ngyon ang anila’y pananahimik ng ilan nilang pinagkakatiwalaang opisyal sa Oriental Mindoro sa pamamayagpag ng operasyon ng BINGO NG BAYAN cum jueteng na may dalawang resulta sa isang araw- alas-12:00 ng tanghali at alas-8:00 ng gabi. Hiling ng mamamayang Mindoreño kina Governor Humerlito “Bonz” Dolor, Oriental Mindoro Provincial Director PCol Samuel Delorino at Police Regional Office MIMAROPA Regional Director PBGen Joel Doria ang pagtutok sa nasabing suliranin sa lalawigan. Ayon sa mapagkakatiwalaang source, isang maimpluwensyang politiko na may inisyal na “LM’…

Read More

P100K SHABU NASAMSAM, DRUG DEN NALANSAG

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska at nalansag isang drug den makaraang madakip ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Michael Baltazar y Graes 43; Mark Anthony Fuenzalida y Cortiz, 35; Paul Villaflor y Obid, 52, at Pilwardo Patiño y Ching, 43-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cavite Police Provincial Office (PPO)…

Read More

43 ARESTADO SA SABUNGAN SA LAGUNA

LAGUNA – Nadakma ng mga awtoridad ang 43 katao at nakumpiska ang mga kagamitan sa pagsusugal, sa pagsalakay sa isang sabungan  sa bayan ng Pakil sa lalawigang ito, noong Martes, Mayo 9, 2023. Ang pagsalakay ay isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Special Operations Unit (PSOU), Laguna Provincial Police Office (LPPO), at Pakil Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Kabulusan. Ayon sa pulisya na nakatanggap sila ng tip-off na may nag-o-operate ng sabungan sa lugar nang walang permit. Agad nagkasa ng operasyon ang pulisya sa sabungan na nagresulta sa pagkakadakip sa…

Read More