DYOWA PINATAY, ISINILID SA DRUM NG KANO

CAVITE – Selos ang hinihinalang dahilan kaya pinatay at isinilid sa drum ng isang retiradong Amerikano ang kanyang kinakasama sa Bacoor City. Kinilala ang biktimang si Mila Loslos y Narciso, 48, habang naaresto naman ang suspek at live-in partner nito na si William Tomas Worth, dating artist designer at retiradong US Citizen, kapwa residente ng Brgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite Ayon  kay Police Lt. Col. Ruther Saquilayan, hepe ng Bacoor City Police Station, selos ang nakikita nilang dahilan sa pagpatay ng retiradong Kano sa biktima. Nabatid sa ulat ni Police Corporal Marco Romero Cupo…

Read More

DALAWANG NPA SUMUKO SA QUEZON

QUEZON – Dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa 405th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A (MC RMFB4A) sa General Nakar sa lalawigang ito, noong Linggo. Kinilala ang sumukong mga indibidwal na sina Marlon Dela Cruz Gurango, alyas “Toto,” at Jayson Dela Cruz Gurango, alyas “Jayson.” Ang dalawa ay mga miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) sa ilalim ng Platun 2 (YGM), KLG Narciso, SRMA4A, STRPC. Ayon sa militar, ang dalawa ay ni-recruit nina Wally Agudez, alyas “Estong” at…

Read More

RIDER PATAY SA NAKA-PARK NA TRUCK

CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider nang bumangga sa isang nakaparadang trailer truck sa gilid ng kalsada sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw.  Isinugod sa Poblete Memorial Hospital ang biktimang si Jason Perin y Almonte ng Brgy. Rizal, Makati City ngunit idineklarang dead on arrival. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng driver na nagparada sa trailer truck sa tabi ng kalsada sa Tagaytay-Nasugbu Highway sa Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang Tagaytay-Nasugbu Highway ngunit…

Read More

Namamayagpag sa Oriental Mindoro GEN. DORIA BULAG-BULAGAN SA BINGO NG BAYAN CUM JUETENG

BINABANTAYAN ng mga taga-Oriental Mindoro kung uubra sa hanay ng lokal na pulisya sa kanilang lalawigan ang paglilinis na gagawin ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Benjamin Acorda, Jr. laban sa mga tauhan nito na nasasangkot sa iba’t ibang kontrobersiya. Sa kanyang speech sa isinagawang Change of Command Ceremony kamakailan, nagpasalamat si Acorda kay dating PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa pagseserbisyo sa PNP at pagsisilbing inspirasyon upang mabalik ang moral at tiwala ng publiko. “Rest assured, Sir, that I will continue your advocacy in…

Read More

BANTAY BAYAN SINAGASAAN NG SINITANG RIDER

CAVITE – Sugatan ang isang 73-anyos na miyembro ng Bantay Bayan nang sagasaan ng isang motorcycle rider matapos siyang sitahin sa inilatag na Oplan Sita sa General Mariano Alvarez (GMA) nitong Linggo ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa CARSIGMA Hospital ang biktimang si Jovencio Aurelio y Rufon, biyudo, miyembro ng Bantay Bayan ng Brgy. Poblacion 1, GMA Cavite, at residente ng GMA, Cavite. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries ang driver ng isang motorsiklong KeyBlade Euro na si Reymart Tama y Narciso, 22, binata, construction worker, ng Barangay Bancal, Carmona, Cavite. Ayon…

Read More

PULIS PATAY SA PAGRESPONDE SA ROAD RAGE

QUEZON – Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin nang magresponde sa insidente ng alitan sa trapiko sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado. Sugatan din ang dalawa pang biktima kabilang ang isang bata sa nasabing insidente. Kinilala ang namatay na pulis na si Police Corporal Reniel Marin na nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Peter Paul Hospital sa Candelaria, Quezon, dakong alas-6:00 ng gabi. Ayon sa report ng Candelaria Police, ang biktima ay nagresponde sa away-trapiko na kinasasangkutan ng dalawang tricycle driver na sina Morfie Azul at Teodolo Rustia na…

Read More

LIVE-IN PARTNERS PINATAY HABANG NATUTULOG

LAGUNA – Patay ang isang magsasaka at ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, habang natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. San Jose, San Pablo City, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Edgardo Dayag at Elaine Ciolo. Batay sa report ng San Pablo City Police, natutulog sa kanilang kuwarto ang mag-asawa ngunit dakong alas-9:30 ng gabi nang paulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek ang kanilang bahay. Tumagos ang mga bala sa dingding ng bahay na yari sa light materials at nasapul ang mag-asawa.…

Read More

7 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA NORTHERN SAMAR

MAKARAANG walang kumuhang mga kaanak, inilibing na ng mga awtoridad ang labi ng apat sa pitong napaslang na sinasabing mga miyembro ng News People’s Army matapos ang engkwentro noong Abril 30 sa Barangay Santander, Bobon, Northern Samar. Noong Huwebes ay binigyan ng disenteng libing mga tauhan ng military at Bobon PNP ang napatay na mga NPA sa Bobon public cemetery. Subalit ilang residente ang sinabayan ng rally ang libing at kinokondena ang umano ay patuloy na paghahasik ng takot ng mga NPA sa kanilang lugar. Matatandaan na pitong rebelde ang napatay sa…

Read More

NAGPA-LAUNDRY PINAGHINTAY, NANAKSAK

TAGAYTAY CITY – Tinarakan sa hita ang isang 19-anyos na laundry helper ng isang customer nang magalit ang huli matapos umanong paghintayin ng biktima sa pinalalabhang damit sa lungsod na ito noong Miyerkoles ng gabi. Nasa maayos nang kalagayan matapos isugod sa ospital ng Tagaytay ang biktimang si Ryan Paulo De Leon y De Justo, laundry helper, ng Brgy. Delas Alas, Pasong Saging A, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite Naaresto naman ang suspek na si Armando Raagas Jr. y Gabule, 48, driver, ng Area G, GMA, Cavite, habang inihahanda ang…

Read More