BATANGAS MALL NABULABOG SA BOMB SCARE

BATANGAS – Nabulabog ang isang mall sa Tanauan City sa lalawigang ito nang may matagpuang abandonadong kahon noong Huwebes ng gabi. Ayon sa report ng Tanauan City Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa security office ng Victory Mall and Market sa Tanauan-Talisay Road, Barangay Poblacion 7, dakong alas-7:30 ng gabi. Isang kahina-hinalang kahon umano ang iniwan ng hindi kilalang may-ari nito sa isang bahagi ng mall. Agad kinordon ng mga tauhan ng Tanauan City Police ang lugar at pinalabas ang mga tao. Pansamantalang isinara rin ang mga kalsada sa…

Read More

P.6 MILYON SHABU, NASAMSAM SA HVI

CAVITE – Tinatayang mahigit sa kalahating milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng High Value Individuals, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II. ng RA 9165 ang suspek na si Leonardo Francisco Bautista, 31, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit…

Read More

SHUTTLE BUS DRIVER PATAY SA CENTER ISLAND

patay

BATANGAS – Patay ang isang shuttle bus driver matapos araruhin ang center island sa JP Laurel Highway sa bayan ng Laurel sa lalawigang ito, noong Sabado ng madaling araw. Ayon sa report, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital sa Lipa City ang 44-anyos na biktimang si Edgardo Ocampo, residente ng Cabuyao City, Laguna. Nabatid sa imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng umaga, patungo sa direksyon ng Lipa ang Kia DNL shuttle bus nang bumangga ito sa center island sa hindi pa malamang dahilan. Sa lakas ng impact, nawasak ang unahan ng bus…

Read More

P400K ILEGAL NA KAHOY NASABAT NG NBI

QUEZON – Nasabat ng mga tauhan National Bureau of Investigation (NBI) Lucena District Office ang mahigit sa P400,000 halaga  ng illegal forest product na lulan ng isang truck sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito. Naaresto ang apat na katao na sakay ng truck na nagmula pa sa Visayas. Kinilala ang mga ito na sina Mavie Jusayan Catarus-Escober, Juanito Lara Jr., Julius Abtado Merencillo, at Oeth  Doinog. Ayon kay NBI Lucena District Office head, Bernard De La Cruz noong Miyerkoles, naharang nila ang 12-wheeler truck sa Maharlika Highway, Barangay Malicboy, Pagbilao dakong alas-11:00 noong…

Read More

NAGBUKAS NG PINTUAN SUGATAN SA KUMATOK

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pamamaril sa isang 31-anyos na lalaki sa harapan ng kanyang bahay sa Bacoor City noong Huwebes ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa SMAC Hospital ang biktimang si Francis Rose John Calabucal, 31, ng Brgy. Molino 6, Bacoor City sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan. Ayon sa ulat ni Corporal Marco Romero Cupo ng Dasmariñas City Police, nangyari ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima dakong alas-2:30 kahapon ng madaling araw makaraang kumatok sa pintuan ang suspek. Binuksan…

Read More

FISHING BOAT AT TUGBOAT NAGBANGGAAN SA KARAGATAN

ISINASAILALIM sa masusing imbestigasyon ng Philippine Coast Guard kung sino ang dapat managot sa nangyaring banggaan ng dalawang sasakyang-pandagat sa karagatan malapit sa Corregidor Island, may isang milya mula sa Caballo Island. Lulan ang dalawang mangingisda ng Fishing Banca J Berman nang mangyari ang insidente habang sila ay nangingisda sa baybayin ng karagatan. Nagsasagawa naman ng towing operations ang Malaysian-flagged Tugboat Atlantic 6 sa barge na Atlantic 7 nang makabanggaan ang fishing boat. Nasagip ang dalawang mangingisda habang ang kanilang bangka ay tuluyang lumubog. (RENE CRISOSTOMO) 647

Read More

MAG-ASAWANG TIAMZON NAMATAY SA KAMAY NG MILITAR

KINUMPIRMA ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pagkamatay ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa opisyal ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), sa kamay ng military matapos na masabat umano ng mga sundalo noong Agosto 21, 2022, at hindi sa pagsabog gaya ng inilabas na military report. Sa mensaheng ipinarating ng CPP sa ilang kasapi ng media sa pamamagitan ng isang Marco Balbuena, at sa kanilang website na philippinerevolution.nu, sinasabing naharang ng military ang mag-asawang Tiamzon at walong iba pa. Base sa kanilang…

Read More

ADDITIONAL EDCA SITE, PH-US BALIKATAN STAGING AREAS BINISITA NG AFP CHIEF

TULOY-TULOY ang pagbisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa iba’t ibang lugar na pinagdarausan ng Balikatan 38-2023 Joint RP-US military exercises sa Northern Luzon kabilang ang additional sites para sa kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kabilang sa unang sinilip ni Gen. Centino ang Lal-lo Airfield sa Cagayan na isa sa mga staging area ng Balikatan Field Training Exercises (FTX) sa Hilagang Luzon. Pinuntahan din ng heneral ang Marine Battalion Landing Team-10 (MBLT 10) ng Philippine Marine Corps na nagsasanay kasama ang 3rd…

Read More

6 PUGANTE NASAKOTE SA CAVITE

CAVITE – Anim na mga pugante ang hawak na ng Cavite Police makaraan ang isinagawang operasyon laban sa most wanted persons (MWPs) sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Sa Tanza, Cavite, naaresto si Reynold Climacosa y Manalo, 51, sa Brgy. Daang Amaya 1, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa. Inirekomenda ng korte na maglagak ang suspek ng P18,000 halaga ng piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. Inaresto rin sa bisa ng WOA si Edwin Badjos, rank no. 9 MWP, sa Brgy. Anabu 2C,…

Read More